Pasensya na Nagmahal ka ng Taong Mahal ang Sarili

5 0 0
                                    

Sa pag iisip ng sagot

Kung kailan ba talaga ako sasaya

Hindi na ko nag alinlangan pa

Dumiretso ako sa kanya

At nanghingi ng payo

"Ano ba ang dapat na gawin ko?"

Hindi ko maipinta ang reaksyon 

na nakita ko sa kanyang mga muka

Mukang natutuwa kasi siya ang una kong nilapitan

biglang nagkaroon ng liwanag

at lumabas sa kanyang mga labi

"gusto mo ba dito sa akin?"

Hindi agad pumasok sa isip ko 

Kung ano ba ang ibig niyang sabihin,

Nalinawan ako sa ilang sandali

napatingin sa muka niyang mahiwaga

nangingilid ang aking luha

takot ba ito o tuwa?

Dahil sa wakas

mawawakasan na ang aking katanungan

kung ano ba talaga kaming dalawa

hindi na kami higit sa magkaibigan lamang.

"Oo" sagot ko habang pumatak

sa akin ang luha sa kanan kong mata

aambang yayakap pa lamang ako sa kanya

sinalubong agad ako ng kanyang mga labi

tuwang tuwa ang aming mga diwa

ito na kasi yung wakas

wakas ng mga kaguluhan sa aking isipan

sa wakas isang talinhaga ang bumawas 

sa aking isipan gulong gulo na sa kaganapan

"Mahal ko" sabi niya

Sa ga salitang iyon napawi ang lahat

Napawi ang bigat na aking nararamdaman

Gumaan ang lahat

at ang tanging nasa isip ko lang

masaya ako, sapagkat alam ko may kasama ako

na mahal na mahal ako at sa pamamagitan nito

nalaman ko na rin kung pano mahalin ang aking sarili.

Nagpatuloy ang mga masasayang araw

Kung minsan hindi mo maiisip

na darating ang araw na mayroon kaming pagtatalunan

naisip ko lang ito bigla

hanggang sa dumating na nga

ang sitwasyong hindi ko akalain ay darating sa akin

Isang buong linggo ko siyang hindi naramdaman

ni hindi isang beses na nakausap ko siya sa personal

o kahit man lang sa phone call wala.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili

Nag iisip ako ng mga bagay bagay

Napaparanoid, nag aalala

Hangang sa hindi ko na talaga napigilan

Kinompronta ko na siya

"May halaga pa ba ako sayo?"

"Ano ba ang sinasabi mo?" Tugon niya

Napatigil ako at biglang napaiyak

Pakiramdam ko kasi bigla ko lang naramdaman

na mag isa na lamang ako

masyado na ba akong naging makasarili?

"Pasensya ka na naging busy lang ako" dagdag niya

Habang pinupunasan ang luha 

na lumalabas sa aking mga mata

"Alam ko nagkukulang ako sa yo, pero babawi ako"

Sa mga salitang ito parang gusto kong 

yakapin siyang muli at huwag ng bitawan

pwede bang wag na lang siya maging busy?

Kung pwede lang kahit isang araw lang

Kami lang dalawa at wala ng iba?

Kung pwede lang, kaso hindi madali ang lahat

Oo, hindi umiikot sa akin ang mundo

pero hindi ko kasi kaya ng ganito.

"Sorry" yan lang ang masasabi ko

Sabay yakap niya sa kin

na parang pumapawi na mga kakulangan

na aking nararamdaman nung mga nakaraan araw.

Ilang araw, linggo, at buwan pa ang lumipas

pero paulit ulit na lang.

Nagtimpi lamang ako

hanggang hindi ko na naman kinaya

"Paulit ulit na lang tayo!" sigaw ko sa kanya

Malungkot lang siya at hindi niya alam

kung paano pa papawiin

ang lungkot na bumabalot sa akin

"Pasensya ka na talaga babawi ako"

Mga salitang paulit ulit kong naririnig

"Hanggang kelan ka ba babawi?" sagot ko

napatahimik kaming dalawa,

nakapagmuni muni ako sa katahimikan

hindi lang ako ang nasasaktan

kitang kita ko sa kanyang mga mata

hindi niya rin naman gusto ang mga nangyayari

bakit ba kasi ang hirap mamuhay sa mundong ito

napa-isip ako na hindi lang ako ang may pinagdadaanan

nahihirapan din siya

hindi ko nakikita kung anong pinagdadaanan niya

kasi sarili ko lang ang lagi kong iniisip

Hindi ko nakita kung gaano ba kadami ang kayang dala

hindi ko kita na bukod dito sa hanapbuhay niya

pati kanyang pamilya ay naghihirap din

"Pasensya ka na nagmahal ka ng taong mahal ang sarili" 

Ito ang lumabas sa aking mga labi 

pagkatapos kong mag isip ng malalim

lumuha lang ako kasi wala naman akong ibang magagawa.

niyakap niya ko na para bang sinasabi niya

wag kang mag alala mahal pa rin kita

"nandito lang ako" magaang niyang sinabi.


Isa lang Para sa Isang Pusong Tila ay NaliligawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon