2

366 8 5
                                    

Chapter 02 


Maaga akong umuwi, natatandaan ko pa. Umuulan din noon, I passed in the screening for journalism in our school. Sabi ko, matutuwa si mama. Kasi she really loves to support me, she always pursue me to do the things that make me happy. 



I was happy while walking, pina practice ko pa kung paano ko sasabihin sa kanya. I guess, it will help her to recover. Kahit ito man lang gusto kong maging masaya siya, kahit na alam kong nahihirapan na siya sa sakit niya. 



"Ma!", pumasok ako sa bahay, pero walang sumasagot. Kaya dumiretso ako sa kusina, pero wala siya. "Ma! Nandito na po ako!", sigaw ko ulit. 



Walang sumasagot kaya naman umakyat ako sa pangalawang palapag ng bahay namin, tumuloy ako sa kwarto nila. Kumatok ako, pero walang sumasagot kaya pumasok na lang ako. 



I saw her lying on her bed, I thought she's sleeping but I knew that she's not. "Ma?", inalog ko siya pero hindi siya gumising. "Ma! Gumising ka!", nagsimula na akong umiyak, I even asked for a help. But, then she left me. 



"Mama!", napabalikwas ako sa panaginip ko. Binalot ako ng madilim kong kwarto, hindi ko alam kung anong oras na. Sandali lang akong umupo, saka ako tumayo at binuksan ang bintana. 



Umuulan pa rin, hindi ko alam kung may bagyo ba. Kinuha ko ang phone ko, ala sais pa lang ng umaga. Maaga pa para sa pag pasok ko, nag check din ako ng balita kung may pasok ba. Wala namang announcement, so I guess meron nga. 



Kumilos na ako para pumasok, masama ang pakiramdam ko. Pero, kailangan kong pumasok. Isasauli ko rin 'ang payong, hindi ko nga lang alam kung paano. Siguro, pupunta ako ulit sa Faina University. 



"Jia!", nakangiti akong lumapit kay Asteria. "Akala ko hindi ka papasok e". 



"Kailangan", maikling sagot ko. 



"Ayos ka lang? Parang may sakit ka". 



"Ayos lang ako", umupo na ako sa tabi niya at naglabas na ng notepad ko. "Hindi papasok si Alex?", tanong ko ng mapansing wala pa 'to sa upuan niya. 



"Ay nasa ssg siya ngayon, officer siya". 



"By the way, pwede mo ba akong samahan?"



"Saan?"



"Isasauli ko lang 'yung payong sa estudyante sa Faina", sagot ko, nanlaki ang mata niya. 




"Faina? Faina University?", tumango ako at nagtaka sa reaksyon niya. "May nagpahiram sayo ng payong? Estudyante ng Faina?"



"Oo"



"Pero teka, paano ka napunta doon? Ang layo non, sa bahay niyo ha?", nag iwas ako ng tingin wala akong balak ikwento sa kaniya. 



"N-napadaan lang". 




"Anyway, alam mo ba. Doon ako mag se-senior high school", excited na sabi niya. "Ang laki ng campus nila, alam mo 'yun. Para kang nasa kdrama, ganon!". 



"Hindi ba malaki tuition doon?"




"May dagdag lang ata na bayad, pero kaya naman. Doon din si Alex e, doon ka na lang din". 



I shrugged. "Wala pa akong plano", sagot ko. 



Nagsimula ang klase, tamad na tamad ako habang nagsusulat ng lecture. Gusto ko na agad umuwi, gusto ko pang matulog. Pero may pupuntahan pa kami ni Asteria. 



Captured The Remedy (Senior High Series #4)Where stories live. Discover now