7

267 10 0
                                    


TW. Death. 

Chapter 07

Bata pa lang ako nasabi ko na agad sa sarili ko na gusto kong maging isang photographer, dahil doon ako masaya at doon ko na lalabas ang mga nasa isip ko.


Si mama... siya yung unang taong naniniwala sa kakayahan ko. Sa ibang tao marahil iniisip lamang nila na isa lang itong libangan, pero hindi para sa akin. Hindi ito basta libangan lamang, ito ang lahat para sa akin.


I'm not literally an achiever, I'm not really good in any subjects. But the only thing I can be proud to say is I'm that kind of typical student who enjoys and does not fail. I'm in between good and bad academically.


"Congratulations, anak!". Niyakap ako ni mama habang naglalakad kami palabas ng school ko.


Kita ko kay mama ang pagka proud niya sa akin, kahit na hindi naman mataas na karangalan ang nakuha ko. Hindi nga ako achiever, at wala akong award na nakuha. Pero, her smile means I'm the valedictorian of the class.


She always reminds me that it doesn't matter if my academic performance isn't like other achievers there, as long as I'm not failing. Natuto akong makuntento sa mga bagay na mayroon ako dahil kay mama, kasi hindi naman siya naghahangad ng malaki sa akin.


She doesn't want me to sacrifice my health just for academic validation, and that's the reason why I focus on what I really want.


"Anak, what do you want to be?". Tanong ni papa habang kumakain kami ng hapunan. Ngayon na lang siya umuwi matapos ang dalawang linggo, he's a pharmacist at nadedistino siya sa malalayong branch ng pinag tatrabahuan niya.


"Gusto ko po maging photographer!". Nakangiti kong sagot, napa titig siya sa akin sandali at tinignan niya si mama.


Ngumiti siya at tumango. "If that's what you wanted to be". He sighed.


Gabi ng napadaan ako sa kwarto nila, narinig ko ang pagka bagsak ng bagay kaya dinikit ko tenga ko sa pinto. Narinig kong nag uusap sila... hindi. Nag aaway sila.


"Isasama ko na lang si Avrielle". Si papa


"Hindi ako papayag na ilalayo mo ang anak ko sa akin".


"I can, and you can't do anything about it".


"kung gusto mong umalis, e di umalis ka! Huwag mo ng dalhin ang anak ko. Dahil hindi ako papayag na mag dusa siya sayo".


Tumakbo ako papasok ng kwarto ko, at doon nag kulong. Iniisip ang mga bagay na narinig ko ng gabi na 'yon. Pag gising ko ay umalis na si papa, pero may isang box doon sa tabi ng kama ko. Kasama ang isang papel na maliit.


Note: "Take every wonderful picture in this world, anak. I love you" -papa


Tinignan ko 'yung box at nakita kong box 'yon ng camera, mamahaling brand. Agad ko yung binuksan at natuwa ako ng makitang dslr camera ang laman non. May magagamit na ako sa pagkuha ko ng picture.

Captured The Remedy (Senior High Series #4)Where stories live. Discover now