Chapter 11
"GO KYLE!!!"
"GO STEM!"
Ayon lamang ang maririnig sa buong court, ang sigawan at suporta ng bawat estudyante. Nagsimula na ang laban, 2md quarter na, at lamang ang STEM. Aba dapat lang, nakakahiya naman kung hindi , nasa strand namin ang mga players ng basketball team ng Faina.
Naka puntos ulit si Kyle kaya 'yung mga KyleNatics niya ay halos mapatiran ng ugat sa leeg kakasigaw. Kalma girls, siya lang 'yan ang pinaka mayabang na captain ng Faina.
Panay ang kuha ko ng litrato, hindi ako biased. Kinukuhanan ko rin ng litrato 'yung kabila, hindi talaga ako sanay sa ganito. Ang gagalaw nila, hindi ba sila pwedeng huminto habang nasa ere ganon?
Tumawag ng timeout yung HUMSS, nagsibalik na sila sa benches nila. Doon ako nagkaroon ng chance na makuhanan ng maayos na litrato ang bawat team. Nakatingin lang ako sa lense ng camera ko, pero agad akong nagulat ng makitang tumungin si Kyle doon.
Problema mo ha?
Kinuhanan ko na lang, saka yung kabila naman. As usual, may babae na namang lumapit sa kanya. Para abutan siya ng tubig, bago niya 'yan? bilis ah.
"Miss" napatingin ako doon sa dalawang babae may hawak silang yellow balloon. "Pwede po bang paabot nitong tubig doon sa number 9?" tinignan ko 'yung boteng hawak nila.
"B-bakit ako?"
"Hindi kasi kami maka punta doon".
Kahit ayoko, wala akong nagawa. Kinuha ko na lang, saka ako naglakad papunta sa kabila. Ramdam ko ang titig ng iba sa akin, kahit 'yung team ng strand ko.
Diretso ako doon sa player number 9 saka ko inabot 'yung bote nagulat pa siya pero kinuha niya naman. Nag sigawan pa yung mga ka team niya. "S-salamat".
"Pinapabigay lang 'yan sa akin ng dalawang babae". Magsasalita pa sana siya pero umalis na ako doon. Balik na sila sa game.
Umingay ang HUMSS ng makahabol sila. Kaya ayon ang tinutukan ko, naka 3 points din 'yung number 9 kanina. Kaya mas lalong nag wala ang humss.
"bad mood ba si kyle?"
"mukha nga"
"kanina maayos pa laro niya ah"
"ang gwapo niya pa rin kahit galit"
Tinignan ko yung dalawang babae sa likod saka ko tinignan si Kyle, mukha ngang bad mood siya. Salubong na ang kilay niya, at makikita mo talaga na wala siya sa mood ngayon.
Lamang ang Humss ng matapos ang first half, bumalik sila sa locker nila. Kaya yung iba umalis muna para bumili ng makakain. Ako naman pumunta sa loob, para kuhanan sila ng litrato.
Pagpasok ko sinalubong ako nung player number 9, kaya kumunot ang noo ko. "Thank you pala kanina", sabi niya nakangiti siya sa akin.
"Pina abot lang 'yon sa akin".
"pero thank you pa rin".
"o-okay"
Naglahad siya ng kamay. "Aiden", pakilala niya. Nag alangan pa akong makipag shake hand pero ginawa ko rin. "and you?"
"Jia"
"STEM student ka pala". Tumango ako. "Bagay sayo 'yung headband mo". Nakangiti siyang turo sa suot kong headband.

YOU ARE READING
Captured The Remedy (Senior High Series #4)
Ficção GeralSenior High Series #4 STEM Photography is her thing in life that she will never leave behind for anything else. Jia, a STEM student and her fashion that allow her to capture every moment in her life. Meanwhile, Kyle, a playboy STEM student and capta...