Chapter 33
TW: Death.
Hindi madali…
Ang unang linggo namin ni Lola sa ibang bansa ay hindi naging madali, mas nanghina pa ang puso niya kaya kailangan siyang matutukan. Sunod sunod din ang puyat ko, dahil ayokong iwan si Lola sa hospital. Gusto ko na ako ang una niyang makikita kapag nagising siya, kaya kahit pagod na nanatili ako sa tabi niya.
Nang sumunod na linggo tinawagan na ako ng university na papasukan, para raw sa entrance exam nila. Minsan daw kasi autumn nagsisimula ang klase dito sa Amsterdam, ber months 'yon sa Pilipinas. Nahirapan ako sa communication dahil hindi naman ako fluent sa english, pero buti na lang at may mga Pilipino din dito.
"You need to have some rest too, Elle. Don't force yourself to stay awake". Paalala ni Cloud sa akin, katawagan ko siya ngayon. Kasalukuyan siyang nag aaral, nagsimula na raw ang semester ngayong taon.
"Alam ko, pero kailangan ng bantay ni Lola". Sagot ko, habang nag aayos ng dadalhin ko sa hospital.
"May nurse nga kayong kasama 'di ba, para may makasama ang Lola mo sa hospital".
"Ah, basta. Ayokong iwan doon si Lola ng magdamag".
"Hindi lang puso ang manghihina sayo, pati yang mga hemoglobin mo sa katawan, kakapuyat mo".
Nginitian ko siya. He sounds like an older brother to me, bigla ko tuloy na miss ang Pilipinas. Unang buwan palang pero nangungulila na ako agad, eto kasi ang unang beses na umalis ako ng bansa at dito pa ako titira.
"Bakit natahimik ka? Na realize mo ba na tama ako?". Sabi niya, saka binaba ang libro na binabasa.
Para akong maiiyak, pero pinigilan ko. "Kailangan ko ng umalis, mag aral ka na".
"Ayos ka lang ba?". Kinuha na niya ang phone niya, nasa gilid niya lang kasi 'yon habang kausap niya ako at nagbabasa siya.
"Ayos lang ako". Ngumiti pa ako. "Sige na, tatawag na lang ako mamaya. Mag aral ka na".
"Okay. Tawagan mo ako ha? Saka mag ingat ka". Tumango ako, saka binaba na ang tawag.
Masasanay din ako.
Nakatanggap ako ng magandang balita nang sumunod na araw, pumasa ako sa Amity International School. Malapit lang 'yon sa tinitirhan ko dito sa Amsterdam, after ko sa school pwede ako agad pumunta dito kay Lola.
Naghanap muna ako ng trabaho habang walang pasok, binibigyan ako ng pera ni papa. Syempre siya ang nagbabayad ng tuition ko, maski ang mga ginagastos namin dito. Nakakatanggap ako ng monthly allowance ko, bukod pa sa gastusin ko sa bahay.
Gusto ko lang maging independent, ayokong gastusin 'yon sa mga bagay na hindi ko naman kailangan. Kaya naisip ko na kung may bibilhin ako para sa sarili ko, doon ako kukuha sa sarili kong pera na pinaghirapan ko talaga.
Natanggap naman ako agad sa isang flower shop, nag training lang ako paano mag ayos at i arrange ng maayos ang mga bulaklak. Kaya nakapag simula ako agad kinabukasan, doon ko muna tinuon ang atensyon ko. Hindi naman mabigat ang trabaho, dahil mag aayos lang ako ng bulaklak at magbabantay sa tindahan.
"Good morning!". Bati ko sa lalaking pumasok, agad siyang dumiretso sa mga bulaklak. Tinignan niya ang bawat bulaklak sa gilid, pero agad ding pumunta sa pwesto ko.
"Do you have some fresh tulips?".
"Yes, sir!". Lumabas ako sa counter saka ko siya sinamahan sa side ng shop kung nasaan ang mga tulips. "These are our fresh tulips sir".

YOU ARE READING
Captured The Remedy (Senior High Series #4)
Ficção GeralSenior High Series #4 STEM Photography is her thing in life that she will never leave behind for anything else. Jia, a STEM student and her fashion that allow her to capture every moment in her life. Meanwhile, Kyle, a playboy STEM student and capta...