12

199 6 0
                                    

Chapter 12


"Nag break si Asteria at Kenzo". Ayon ang unang bungad sa akin ni Alex.


Agad akong natulala sa kanya, at hindi makapaniwala. Imposible, kasi ayos naman sila. But lately dumadalas ang away nila. "Sino nakipaghiwalay?"


"si Kenzo".


Napaka imposible talaga, hindi ganon si Kenzo. Mahal niya si Asteria, at hindi niya hahayaan na maghiwalay sila. Ilang beses na yan noon, pero nagkabalikan sila agad. Pero iba ngayon.


Buong araw kong inisip ang bagay na 'yon, habang nag aayos ako ng folder ko para sa sportsfest. Hindi lang ako makapaniwala.


Inayos ko na muna ang gamit ko bago ako umalis, magme-merienda sana ako. Ang daming tao sa canteen , kaya naisip ko na lang lumabas. Doon na lang siguro ako kakain, tutal mas mura ang pagkain doon. Hinanap ko muna sila Alex, pero hindi ko naman sila matagpuan. I guess, ako na lang talaga.


Nakita ko agad si Kyle na may kasamang babae na naman, umirap ako sa kawalan. Wala namang bago diyan, kundi yung mga babae niyang pabago bago. Diretso ang lakad ko palabas ng gate, wala akong pake sa paligid.


"Jia!".


"Uy! Hi" bati ko doon sa nakilala ko nung isang araw.


What's his name again?



"Saan ka papunta?"


"Diyan lang sa labas".


"samahan na kita, kakain ka ba? Maraming student sa cafeteria ngayon".


Pumayag na lang ako, dahil wala nga akong kasama. Doon kami kumain sa may malapit na mcdo, siya ang umorder sa amin. Matapos ko sabihin ang order ko ay inabot ko na ang bayad. Pero hindi niya naman tinanggap.


"Libre ko na". Nakangiti niyang sabi, humanap na lang ako ng maupuan namin. Doon ako pumunta sa may window side.


Hindi rin nagtagal at dumating na rin siya. Nagsimula na kami kumain, nag kekwento siya tungkol sa strand niya. Maski si Alex ay na kwento na rin niya. Napaka daldal niya, mas okay yon kesa tahimik nakaka awkward.


"So… ikaw?"


"anong ako?" tanong ko.


"bakit ka nag STEM?" tinignan ko siya, hinihintay niya ang sagot ko. Tahimik ako, wala akong planong sagutin 'yon. Pero mukhang naghihintay talaga siya. "A-ayos lang kung ayaw mo sag–"


"I want to become a doctor," I answered without hesitation. Ayon naman talaga ang plano ko noon, nang malagay ako sa punto ng buhay ko na kami lang ni mama ang magkasama naisip ko na sama doctor na lang ako, baka sakaling nailigtas ko siya. 


Umubo siya. Kaya napabalik ang tingin ko sa kanya. "Mukhang malalim ang dahilan mo ah" tumawa pa siya para mawala yung tense.


"My mom".


"Bakit? may sakit ba siya?" Tumango ako. "Wag kang mag alala kapag naging doctor ka na, mapagaling mo rin siya".



I smiled bitterly. If I could at that time. Maybe she is still here, maybe we're happy now. "I guess so"


Matapos namin kumain bumalik kami agad sa Faina, may klase kami sa major. Grabe walang patawad, may event ang school, siya naman nagpapa klase. Sana aware siya no?


"Get your scientific calculator now"



Ha? Naiwan ko akin sa bahay. Jusko naman oh! Hindi ko naman kasi alam na may pa quiz siya. Lumabas na 'yung mga kaklase ko para kunin ang kanila sa locker, ako naman iniisip ko kung dala ba ni Asteria calcu niya.



Captured The Remedy (Senior High Series #4)Where stories live. Discover now