29

187 5 0
                                    

Chapter 29


"Isabelle…".


Lumapit siya sa akin at ngumiti. "I was looking for you everywhere, how are you?".


"Ayos lang". Sagot ko.


"You know that I don't hold a grudge with you, so you don't have to look uncomfy in front of me. Right, Jia?". Hindi ako nakasagot, totoo namang naging mabuti sa akin si Isabelle. Tinanggap niya naman ako, sadyang hindi ko lang talaga makaya.


"Pasensya na, hindi lang ako sanay".


Inabot niya ang kamay ko kaya kinabahan ako, baka makita niya yung dugo doon. "You don't have to, besides I'm here to invite you for a dinner".


"H-hindi na".


"Why? Come on, Jia. Don't reject me easily, you have time to think about it. I'm not in hurry".


"Pag isipan ko".


"Alright". Ngumiti siya, saka siya napatingin sa uniform ko. "You're studying to Faina?".


"Oo, bakit?".


Umiling siya. "Nevermind. Anyway, I will not stay longer anymore. You should have some rest, text me if you already decided. Here". Inabot niya sa akin 'yung maliit na papel. "My number is there. Good night, Jia". Naglakad na siya paalis pero agad ding lumingon. "Our dad will be happy if he saw you there". Saka na siya umalis.


Mas lalo atang sumama ang pakiramdam ko, hindi ako sanay na nandiyan siya at ang pamilya niya. Kaya ilag ako, mabait si Isabelle pero hindi lang talaga ako sanay.


Pagpasok ko sa bahay ay sinalubong ako ni Lola, nag mano ako saka inabot ang gamot niya. Wala na kaming gagawin sa school, dahil practice na namin para sa graduation. Isang linggo na lang kasi 'yon, at pinaghahandaan talagang Faina.


Nagtitingin lang ako ng mga pictures sa camera ko ng tumawag si Kyle, agad ko 'yung sinagot. "Hello".


"How's my girl?".


"Ayos lang. How's my burnik?".


"That's weird. Stop calling me that". Kaya naman hindi ko na napigilan ang tumawa.


"Naka uwi na si Karen?". Pag iiba ko ng tanong.


"Yup. She's fine, don't worry". Natahimik kami pareho. "Graduation is coming, and you didn't tell me what gift you want to receive".


Tumayo ako at tumapat sa bintana. "Kasi wala ka naman dapat ibigay sa akin".


"I told you, I'll pay your tuition".


"Ayoko Kyle. Ayokong maging dependent sayo, ayokong gawin mo yung mga bagay na beyond sa relasyon natin". Sagot ko.


"Jia…"


"Hmm?".


"I love you, more than you'll ever know ". 


Kinabukasan maaga akong pumasok dahil practice namin sa graduation, sa Faina na kami nagkita ni Kyle. Dahil late na rin siyang nakapasok, sabay sabay kasi ang graduation ng lahat ng strand. Kaya maraming tao sa mismong event, pero sa practice by schedule ng strand.


Nakatingin lang ako sa harapan, pinapakitamdaman ko kung kikirot na naman ang puso ko. Nagplano na ako na pupunta ako sa doctor kung sakaling maulit, pero mukhang hindi naman na.


Captured The Remedy (Senior High Series #4)Where stories live. Discover now