Chapter 22
Hinatid niya ako ng gabing 'yon, dahil baka hanapin din ako ni lola kay Cloud. Hindi alam ni Cloud na umalis ako ng Faina, tingin ko hahanapin niya ako. Dahil hindi nga ako nagkamali, dahil puro text niya ako nabasa ko paggising ko.
Wala kaming pasok kaya buong araw akong tumulong kay lola, nahihiya na rin ako sa kanya. Pagka graduate ko hahanap ako ng work, para paaralin ang sarili ko sa college. Ayoko nang iasa pa kay lola yon.
Hindi ako nakatanggap ng text mula kay Kyle, mula ng ihatid niya ako dito sa bahay. Iniisip ko pa rin lahat ng mga pangyayari sa buhay ko, hindi mag sink in e.
That's a confession right? Kasi kung hindi, ano yon?
"I don't want to force you, so let me give you time to think. No, pressure Jia".
Ayon ang huling sinabi niya bago siya sumakay sa kotse niya at umalis. So, binigyan niya ako ng pagkakataon na mag isip. Kaya hindi niya ako ginugulo?
Nang hapon ay dumaan si Asteria, wala rin siyang ginagawa kaya sa amin siya tumambay. Hindi na rin kami nakakapag usap, dahil busy na kami para sa finals. Sabay sabay din ang events tapos research paper pa, minsan hindi na rin kami nagkakasama tuwing uwian.
"Nag uusap pa ba kayo ni Lizelle?". Tanong ko.
Umiling siya. "Pero, binabantayan ko siya. Alam kong may gagawin na naman yon para siraan si Karen".
"Wag naman sana".
Umuwi rin siya ng malapit na mag gabi, dahil hahanapin na siya sa kanila. Nang maiwan ako ay naisip ko ang mga bagay bagay, ang dami kong tanong sa buhay. Bakit ko ba kasi iniisip pa yung buhay ni Kyle?
Kinabukasan ay nag uusap na ang lahat tungkol sa staycation namin, diretso lang ang akyat ko. Pero, napahinto ako dahil nakita ko si Aiden. Lumapit siya agad sa akin ng makita ako.
"Jia, hinahanap kita nung isang gabi. Isasayaw sana kita kaso wala ka". Bungad niya.
"Ah– Kasi…"
"Sabi ng friend mo na lalaki, ikaw ang date niya. Kaya iimbitahan na lang sana kita sa game namin". Sabi niya.
"Game? Basketball?".
Tumango siya. "Kalaban namin ang ABM".
"I see…". Napatingin ako agad sa likod ni Aiden, nakita ko si Kyle na nakatingin sa amin. "K-kailan ba?".
"Bukas". Masayang sagot niya.
"S-sige try ko, baka kasi may quiz kami. So, need ko mag aral".
"Ganon ba? O sige, basta kapag free ka punta ka lang". Sabi niya.
Tumango naman ako, at nagpaalam na sa kanya. Naglakad na ako papunta sa classroom ko, nilagpasan ko si Kyle. Pero, hindi siya nagsalita. Nakasandal pa rin siya doon sa labas ng room nila, kaya diretso lang ang pasok ko sa room.
Hindi ako makapag isip ng maayos habang nasa klase, may bumabagabag sa akin. Pakiramdam ko, ang bawat segundo ay importante. Pakiramdam ko, hindi na mauulit ang bawat oras. Hindi ko alam kung bakit, pero may gusto akong gawin.
Kaya ng mag lunch break, si Alex ang una kong nakita. Wala raw si Asteria dahil nag aasikaso para sa staycation ng ABM, kami na lang daw ang magsasabay sa pagkain.
YOU ARE READING
Captured The Remedy (Senior High Series #4)
Narrativa generaleSenior High Series #4 STEM Photography is her thing in life that she will never leave behind for anything else. Jia, a STEM student and her fashion that allow her to capture every moment in her life. Meanwhile, Kyle, a playboy STEM student and capta...