KABANATA 20

495 28 20
                                    

Sa nagdaang dalawang araw puro pighati at sakit ang idinulot sa akin nitong resort na ito pero bawat araw mas lalo akong naliwanagan sa lahat.

Ang pagkakakilala namin ni Kael noong unang araw.

Ang pagiging mag-kaibigan namin  noong kami'y bata pa, ang pag-alis nya sa bahay nila, ang pagiging aso't pusa naming relasyon noong panahong ako'y nalulugmok. Nang pangalawang araw.

At kung paano ako natuto muli magmahal ng dahil sa kanya, ang masaya naming relasyon, lahat nang iyon ay nalaman ko.

Kaya pakiramdam ko noon ay may kulang sa akin, iyon pala.

Yung mga ala-alang hindi ko dapat kailanman malilimutan ngunit ito'y aking nalimot.

Pero sa bawat araw na nagdaan mas lalo kong minahal si Kael hindi dahil sa mga alaala na naaalala ko kundi sa pagiging matiyaga nya sa akin nang nagdaan na buwan, na kahit napaka-sungit ko sakanya ay hindi pa rin sya umalis sa aking tabi.

Ngunit kahit may parte na sa akin na nalaman ko, ay parang may kulang pa rin.

Magulo pa rin ang aking isip.

Bakit ko ito nalimutan?

Bakit hindi sinabi sa akin ni Kael ang lahat?

Bakit sa mga nagdaang taon ay wala man lang kahit katiting na panaginip akong nakita?

Nagpapasalamat ako kay Kael dahil nalaman ko ang aking totoong pagkatao, ngunit nagagalit rin ako.

Bakit ni isa man lang sa lahat ng kakilala ko, kaibigan ko, pamilya ko ang di nagsabi ng totoo kong pagkatao?

Ang unfair! Sobra!

Ilang taon akong naniwala na isa lang akong babae na walang pake sa lahat ngunit ang totoo kabaliktaran pala ang lahat sa totoong ako.

Namuhay ako sa kasinungalingan!

Namuhay ako ng maraming napa-lagpas na pagkakataon sa aking buhay.

Puro trabaho. Trabaho. Trabaho.

Nakalimutan ko na pa lang bigyan ng oras ang aking pamilya, kaibigan at mga kakilala.

Na noo'y lagi kong ginagawa.

Napapitlag na lamang ako ng mapagtanto kong nasa labas na pala ako ng resort na ito.

Kahit wasak na wasak akong lumabas ng resort na ito ay masaya pa rin ako dahil nung nakaraang tatlong araw ay pumasok ako dito ng magulo ang aking isipan ngunit kahit na mas gumulo at rumami ang tanong sa aking utak ay nalaman ko pa rin ang totoong ako.

Atleast i found the part of me that's been missing for many years.

--------

Pagpunta ko ng mansion ay nag kulong agad ako sa kwarto, nakapatay na ng tatlong araw ang telepono ko dahil ayaw kong may mag-istorbo sa akin.

Dahil sa mga panahong gumugulo ang isip ko, katahimikan lang ang sagot sa pag-kalma ko.

Kasalukuyan akong umiinom ng red wine sa teresa ng aking kwarto ng may makita akong tao sa labas

MS.CEO GAY CODE (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon