KABANATA 10

977 41 2
                                    

Napasabunot ako saking buhok ng maalala ko ang nangyari kani-kanina lamang.

Ugh! Kiana hanggang saan mo ba ipapahiya ang sarili mo?

“WHY THE HELL ARE YOU HOLDING  THAT FUCKING PAPER BAG?!”

“M-ma’am eh sakin naman po ito eh kakabili ko lang po kanina sa SM” sambit nya habang idinuduro ang paper bag na hawak nya.

Parang may bumara sa lalamunan ko’t di ako makapag-salita.

Ugh! Kiana bat ang tanga mo? Di mo ba narealize na ang daming pwedeng makabili ng ganyang paper bag?

Natanggal ako saking pag-iisip at bumaling sa kanya ang aking atensyon ng magsalita ito.

“Ma’am? Bakit po ba kayo galit? Kung gusto nyo po sa inyo na po ito, bibili na lang po ako ng bago” banggit nya ng akmang kukunin nya na ang laman ng paper bag ay tsaka naman ako nagsalita dahilan upang mapatigil sya.

“Stop! Nevermind” usal ko ng may malamig na boses.

Wala na ako sa tamang huwisyo dahil sa kahihiyan na natatanggap ko. Dahil halos lahat ng taong nakapaligid ay nakatingin samin.

Napahigpit ang hawak ko sa manibela ng aking sasakyan dahil sa inis. Binilisan ko ang pagpapatakbo ng aking sasakyan palabas ng parking lot ngunit may isang lalaking ang naka-agaw ng aking atensyon.

Nakasuot ito ng black na hoodie at tila umiwas ng direksiyon ng ako’y makadaan.

What the F*ck was that?

Hindi ko na lamang iyon pinansin at pinabilis pa lalo ang pagpapatakbo ng sasakyan dahil malalate na ako sa ime-meet kong client.

Nasa kalagitnaan na ako ng biyahe ng mapagdesisyunan kong bagalan na ang takbo ng aking sasakyan dahil malapit naman na ako sa restaurant na pagmemeet-an namin ng kliyente ko.

Pinihit ko ang preno ng aking sasakyan ngunit hindi ito gumagana.

WHAT THE F*CK?!

Nagsimula nang mag-panic ang sistema ko ng gumewang-gewang na ang sasakyang sinasakyan ko!

SHIT! D-di pwede ito!

Pinilit kong idiretso ang takbo ng aking sasakyan ngunit gumegewang pa rin ito at mas lalong gumulo ang aking sistema ng may makasalubungan akong mga sasakyan.

Pinihit ko ang sasakyan upang igilid ito ngunit nabangga ang sinasakyan ko sa isang malaking puno.

Nagsimula nang mamanhid ang buong katawan ko dahil sa sakit na nararamdaman ko galing sa mga basag na salamin na tumama sa akin ngunit mas lalo akong nakaramdam ng sakit sa aking ulo dahil sa malakas na pagtama ng aking sasakyan sa malaking puno.

Hinawakan ko ang aking ulo at nakaramdam ako ng mainit na likidong tumutulo mula rito, tiningnan ko ang aking palad na sa kasalukuyan ay punong puno ng dugo.

Pinipilit kong inaabot ang pinto ng nakabaliktad na sasakyang ito nang magsimula ng lumabo ang aking paningin.

“T-tulong! Tulungan n-nyo ako”

At nagsimula ng bumigat ang talukap ng aking mga mata na sanhi ng aking pagpikit.

“K-Kael…”


A/N:
Hey guys sorry kung matagal ang update busy rin kasi ako, sana magustuhan nyo, lovelots...

-Kiko🚬

MS.CEO GAY CODE (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon