KABANATA 28

361 23 12
                                    

Finally!

Nahuli na rin ang babaeng to! Nababanas nako dito eh, ang yabang. Tapos ano ngayon? Parang lantang gulay na natutulog dito sa basement dito sa abandonadong building na binili pa ni Tito. Papatayin na nga lang, pag-gagastusan pa, Tsk.

Mukhang bumalik na ang ulirat nitong babaeng to kaya sinipa ko sa mukha.

"Walang hiya ka! Anong ginagawa ko rito?" pilit nyang pagpupumiglas sa nakatali sa kanyang mga kamay.

"Hindi kana makakawala jan! Sayang lang lakas mo. Kung ako sayo i-save mo nalang ang lakas mo para mamaya. Kasi mamaya, mamamatay kana! HAHAHHAHA"

Di ko alam. Di ko kayang pumatay ng tao, pero kung ang babaeng to' lang ang papatayin ko? Willing ako ket walang bayad.

"Hayop ka! Kapag nakawala ako dito, pupugutan kita ng ulo!" napatawa ako.

"Ang tanong, makakawala ka ba?"

--------

"Ang tanong, makakawala ka ba?"

Parang baliw na tawa ng isang hayop na nasa harapan ko ngayon.

Humanda talaga tong' babaeng to sakin!

Pinipilit ko pa rin mag-pumiglas sa mga taling nakatali sakin pero kahit anong gawin ko. Wala.

Kung mamamatay man ako ngayon atleast naging masaya ako.

Why am i over thinking too much? Ganito ba ang tao kapag malapit nang mamatay?

Nagpalinga-linga ako sa paligid, pero wala ng pag-asa. Napapikit na lamang ako. Ayokong mag-alala ng husto si Kael sakin.

"F*ck you all!" inis kong sigaw.

Marahas akong napa-buntong hininga.

Napasandal sa malamig na semento na nasa aking likuran.

"Kael. Don't save me"

--------

Hays. Sa wakas!

Nakuha ko na rin ang cellphone ko sa Restaurant.

Binilisan ko na ang aking paglalakad, dahil alam ko sa mga oras na ito ay nakakunot na ang noo at nakataas na ang kilay ng girlfriend ko. Napatawa na lamang ako ng maisip ko ang ganon nyang itsura.

Pagdating ko sa kotse ay walang Kiana ang bumungad sakin.

Asan yun? Baka nag-CR lang.

Hinintay ko sya ng mga kinse minuto pero wala pa rin sya. Antagal nya naman.

Nagmanman ako sa paligid. Labas-masok sa sasakyan. Patingin-tingin dito sa loob ng parking lot pero kahit anong gawin ko walang presensya ni Kiana.

Nagsisimula na akong mangamba sa kanya.

Imposible namang umuwi na yun. Tatawag yun or mag-tetext kung mauuna na sya. Di yun basta-basta aalis nang hindi nag-papaalam.

MS.CEO GAY CODE (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon