(005)
YVEZ POV
Maaga akong pumasok dahil bukod sa lunes ay trip ko din tsk.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad papuntan locker ng makita ko ang lalaking kausap ni Axie nung nakaraang linggo.Kausap nito ni Zev sa harap ng Computer Laboratory.Kunot noo ang tingin ni Zev sa lalaking 'yun.Masyado akong malayo kaya hindi ko marinig ang pinag uusapan nila pero kitang kita ko ang reaskyon ng mukha nila.Kunot ang noo ni Zev na para bang ayaw niya kausap ang lalaking ito habang 'yung lalaki ay may bahid ng inis ang reaksyon.
Wala estudyante sa parteng 'yun dahil sobrang aga pa para buksan ang Computer Lab.Sila lang dalawa ang naroon at parang napakaseryoso ng pinag uusapan nila.Nanlaki na lang ang mga mata ko ng pilitin nung lalaki na halikan si Zev pero tumanggi si Zev at tinulak ito palayo.Hindi na sana ako makikialam kaso lumapit 'yung lalaki para ulitin ang ginawa kaya sumingit na 'ko.
"Hey hey.What happened?singit ko na hinigit agad ang kamay ni Zev papunta sa likod ko.
Kita ko naman ang pagkuyom ng kamay nung lalaki habang nasa malayo ang tingin tsaka binalingan ako ng tingin.Napakaseryoso ng mukha niya at napakunot ako ng noo na mapansin ang mukha niyang may pagkakahawig kay Ax ng konti.
Magkapatid ba sila?Magpinsan?
"Pag isipan mong mabuti Zev.Maghihintay ako"sabi nitong lalaki tsaka naglakad palayo.
Naramdaman ko naman ang paglalim ng hininga ni Zev pero natuon ang tingin ko sa lalaking 'yun.
"Thank you"mahinang sambit ni Zev kaya napalingon ako sa kaniya.
"Kilala mo 'yun.Kaano ano mo 'yun?tanong ko habang nasa daan kung saan tinahak nung lalaki.
Tumango naman ito at ginaya ang tingin ko sa daan."He's Xian.Brother of Axie"
Kunot noo akong lumingon sa kaniya.
Brother?Magkapatid nga sila.
"Bakit ganu'n ang inasta niya sayo?" takang tanong ko.
"Please don't tell it to anyone specially for Lux."
Lalong kumunot ang noo ko.Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya o baka wala lang talaga silang sinasabi."Kayo na ba?"
Nakita ko ang pagkabigla sa reaksyon niya.Nanlaki ang mga mata na tumingin sakin tsaka umiling"No"
"Then why you don't want to know it specially ni Lux?"naguguluhang tanong ko.
Nakita ko pa ang paglunok niya tsaka nag iwas ng tingin.
Sa tingin ko ay nauunawan ko na siya pero mas gusto kong marinig sa mismong bibig niya 'yun.
"Gusto mo si Lux"pandidiretso ko.
Napalingon siya sakin tsaka napalunok.Nag iwas ng tingin tsaka nagbuntong hininga.Muli siyang tumingin sakin tsaka tumango pero yumuko agad."Please don't tell him"pakiusap niya.
Nabigla ako pero kahit alam ko nung una pa lang meron na.Hindi ko lang maipaliwanag na sabihin niya yun ng harapan.Support ako sa kanila kung magiging sila dahil kitang kita ko naman ang saya sa mga mata nila sa t'wing magsasama sila.
"Promise I don't tell him"sabi ko.Ngumiti ito tsaka tumango."Halata naman na gusto ka din niya kaso nahihiya siya sa t'wing makikita ka"nakangiting sabi ko.
Nakita ko naman na nagliwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko.
Sinasabayan ko na siyang pumunta sa room nila tsaka ako dumiretso papuntang locker.
![](https://img.wattpad.com/cover/277614722-288-k196906.jpg)
YOU ARE READING
SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓
RandomSHS SERIES 1 STATUS: COMPLETED (UNDER EDITING) Love story between Luxzell and his second version that named Sevi and their girl name Axquecia. How their love story become perfect if Axquecia loves the machine that reflects to the old Luxzell that na...