CHAPTER 61:REAL LUXZELL IS BACK!

38 1 0
                                    

(061)

AXQUECIA POV

"I'm the real Luxzell and meet my second version, Seirho Vioax."

Napatingin ako sa robot na kasama niya. Walang reaksyon ang mukha. Ibig sabihin ay robot ang nakasama ko kanina? Hindi ko maintindihan. Gusto kong maluha dahil nakita ko na agad ang kaibahan nila. Napakatanga ko!

Napatingin ako sa second version n sinasabi niya. Wala ako makitang katiting na pagkakamali sa postura niya kundi sa ekspresyon niya. Napatingin naman ako kay Lux, nabigla pa 'ko ng bahagya ng makita kong nakatingin na siya sa akin. Seryoso ang mukha niya pero naghahalong lungkot,tuwa at galit ang mata niya. Tunay ngang siya si Luxzell dahil nararamdaman ko 'yun.

"L-Luxzell? It means gumawa ka ng robot mo? Kailan pa?" naguguluhang tanong ni Dad.

Hindi inalis ni Lux ang tingin sa akin. Pinasagmasdan niya ang kabuuhan ko,napalunok ako dahil nakadress pa din ako. Maya maya ay tumingin siya sa mata ko,siya naman ang napalunok.

"Magsimula ng Intramurals" sagot niya kay Dad na hindi inalis ang tingin sa mata ko. Parang nakaramdam ako ng panghihina. "Magsimula ng kumalat ang balitang wala na'ko sa bahay,hindi 'yun totoo" sabi niya na nilingon si Dad,nakita ko ang pagkunot niya ng noo habang sobrang lungkot ng mata tsaka muling tumingin sa akin. "Magsimula 'nun ay hindi ako lumabas labas ng bahay at nagkulong sa laboratory ko"

Laboratory niya. Doon siya nanatili ng ilang buwan? Alam ko ang daan papunta do'n dahil unang beses na nakita ko siyang dumaan do'n. Hindi ko man lang naisip na puntahan ang bahay nila para icheck.

"I-it means,s-si Seirho ang pumunta ng Intramurals at hindi ikaw?" tanong ni Yvez na napalingon pa kay Seirho tsaka muling bumaling kay Lux.

Tumango naman si Lux at yumuko. "Oo. Magsimula ng araw na 'yun hanggang sa party mo ay siya ang kasama niyo Ax" sabi ni Lux na nilingon ako.

Umiwas ako ng tingin para pigilan ang pangingilid ng luha ko. Napalunok ako kasabay ng pagyuko. Napabuntong hininga tsaka nilabanan ang tingin niya na sobrang lungkot na talagang nakakaapekto sa akin.

"A-alam mo bang panloloko ang ginagawa mo?" napalunok ako pagkatapos kong sabihin 'yun. Nangilid agad ang luha ko.

Tumango naman siya tsaka pekeng ngumiti na nilingon si Seirho. "Alam ko. Hindi lang naman kayo ang niloko ko sa pagkakataong ito,kundi pati na rin sarili ko" sumeryoso nanaman ang mukha niya at galit ang mayroon sa mata niya. Natigilan naman ako sa sinabi niya. "Niloloko ko din ang sarili ko" sabi niya na nangingilid na din ang luha sa mata. "Gumawa ako ng Second Version ko para takasan ang katotohanang wala na 'kong pamilya sa labas ng laboratory ko." napalingon siya kay Dad at naluha na. "Dahil tulad ngayon, habang nakikita ko si tito ay naaalala ko si Dad." Napaawang ang labi ko dahil hindi ko alam na 'yun pala ang rason niya pero hindi pa rin naalis ang inis sa sistema ko. Lumingon naman siya sakin. "Dahil sa tuwing lalabas ako ng laboratory ay naalala ko ang pamilya ko at lalo akong sinasaktan 'nun" halos maapektuhan ang sinasabi nya dahil sa pagpigil ng paghikbi. Nasasaktan ako dahil sa pinapakita niya. "Alam kong napakaduwag ko ngayon dahil hindi ko kayang tanggapin na mawala na sila sa akin pero mas masakit 'yung nangyari ngayon" sabi niya na nilingon si Seirho ng masamang tingin.

Lumabas si Dad ng kwarto ng walang sabi sabi. Nag aalinlangan man si Yvez ay sinundan niya si Dad,gusto ko sanang sumunod pero humarang si Luxzell sa pinto na ikinagulat ko.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now