CHAPTER 107

15 0 0
                                    

AXQUECIA POV

"Nilalagnat si Wayan" bungad agad sa akin ni Yaya Yna ng makauwi ako galing opisina sa J.A Company.

"H-Ha?" aligaga akong pumunta ng kwarto ni Wayan.

Nakita ko itong matamlay na nakahiga sa kama niya habang tulog. Kinapa ko naman ang noo niya at mainit nga.

"Kanina ko lang din napansin, kaya pala hindi bumabangon"

Napalingon ako ng sabihin 'yun ni Yaya Yna. Napatayo ako at agad na kinuha ang phone ko para tawagan si Luxzell.

"Oh miss mo agad ak—?"

"Nilalagnat si Wayan" singit ko kaagad sa sinabi niya dahil ang dami niya nanamang sasabihin panigurado.

"H-ha? Wait! Teka papunta na 'ko"

Tsaka nawala ang linya. Lumapit ulit ako kay Wayan tsaka kinapa ang noo at leeg nito. Hindi naman sobrang init pero kailangan pa din maagapan para hindi na lumala pa.

Dahan dahan nagmulat ang mata ni Wayan. Napalingon ako kay Yaya Yna.

"Pakidalhan nga ako Yaya ng tubig tsaka towel" utos ko sa kaniya, agad niya namang sinunod. Napatingin ulit ako kay Wayan. "Bakit ka nilagnat? Nagpaulan ka ba?" tanong ko sa kaniya.

Umiling naman siya. Napabuntong hininga na lang ako. Matamlay talaga siya ngayon.

"Oh? Wayan? Are you okay? Sobrang init ba?" tarantang tanong ni Luxzell nang makapasok ng room ni Wayan na aligaga ding kinapa ang noo ni Wayan, kasunod niya si Seirho. "Sevi, magluto ka muna ng makakain nito, 'yung may sabaw ha" utos nito kay Seirho na agad ding sumunod tsaka muling bumaling kay Wayan. "You need to eat ha after that you drink your medicine" sabi nito, tumango naman si Wayan tsaka bumaling sa akin. "O-oh?" nagulat na sabi nito na para bang ngayon lang ako napansin.

Lumapit ito sa akin tsaka ako dinampian ng halik tsaka naupo sa tabi ko habang kay Wayan ang tingin.

"Nagluluto na si Seirho" sabi ni Yaya Yna nang makapasok ng room.

Agad na tumayo si Luxzell at kinuha ang bowl na may tubig tsaka towel. Siya ang nagbasa ng towel at agad na pinunas sa noo at leeg ni Wayan para mabawasan ang init nito.

Psh, kung ganito din naman kabait ang mapapangasawa ko e.

"Tutulungan ko na si Seirho para makainom na ng gamot 'yan"

Sabay kami ni Lux na nginitian si Yaya Yna bago ito lumabas ng kwarto.

"Mahal, kuha ng jacket tsaka padjama nito please" pakiusap sa akin ni Luxzell.

Tumayo naman agad ako at kinuhanan ng padjama at jacket si Wayan tsaka iniabot kay Luxzell. Hindi ako sanay sa ganitong gawain pero parang handa akong matuto kung magkakaroon ako ng pamilya sa kaniya. Psh grabe talaga. He's not just a handsome, a careful handsome husband.

Pinalitan niya ang damit ni Wayan tsaka inalalayan itong mahiga.

"Nilalamig ka baby?" malambing na tanong ni Luxzell, tumango naman si Wayan.

Pinagtupi tupi ni Luxzell ang malaking kumot para kumapal ito at tsaka kinumot kay Wayan. Napalingon naman sa akin si Luxzell pero nginitian ko lang siya tsaka sinenyasan na ipagpatuloy ang ginawa.

"Pwede ka na maging daddy" nakangiting sabi ko habang pinapanood ang pagpunas nito ng basang panyo sa noo ni Wayan.

Natigilan ito sa ginagawa tsaka napalingon sa akin. "Not just a daddy, a husband also" sabi nito na kinindatan pa ako tsaka pinagpatuloy ang ginagawa.

Nang matapos ang niluluto nina Seirho ay nakiusap si Luxzell na 'wag kong hahayaan si Wayan dito sa kwarto kaya naiwan kaming dalawa ni Wayan. Pinupunasan ko ng basang towel ang noo nito para maibsan ang init.

Maya maya ay nakabalik si Lux na may dala ng tray ng pagkain. Inilapag niya ito sa table na katabi ng kama ni Wayan tsaka inalalayan si Wayan na maupo.

"Can you eat alone?" tanong ni Luxzell habang nilalagyan ng maliit na lamesa ang kama ni Wayan, tumango naman si Wayan.

Nilapag ng monggo ni Luxzell si Wayan tsaka kanin. May gatas at tubig din. Inabutan ng kutsara at tinidor ni Luxzell si Wayan kaya ito nagsimulang sumubo. Hindi siya kasing lakas kumain noon, talagang halatang may sakit.

"Ubusin mo 'yan ha para gumaling ka kaagad" sabi ni Luxzell na ginolo pa ang buhok ni Wayan.

Maya maya ay lumingon siya sa akin tsaka ako dinampian muli ng halik, nasanay ng halikan ako sa harap ni Wayan.

Nang matapos si Wayan sa pagkain ay pinainom niya ito ng gamot tsaka inalalayang makahiga. Buti na lang ay naubos ni Wayan ang pagkain kahit mabagal. Nang makatulog na si Wayan ay bumaling nanaman ang tingin sa akin ni Luxzell tsaka ako hinila palabas ng kwarto.

"Saan tayo pupunta?" Ngtatakang tanong ko.

"Bibili lang tayo ng prutas tsaka gamot ni Wayan dahil ubos na ang medical kit ko sa bahay" sabi niya habang inalalayan akong makapasok ng kotse.

Nang makapunta kami ng drug store ay sobrang dami ng binili niya. Psh. Akala mo naman ay sobrang lala ng kalagayan ni Wayan. Bumili din kami ng prutas at talagang halos yata lahat ng uri ng prutas na madadaanan namin ay binibili niya.

Mabubulok lang 'yan sa bahay sa sobrang dami!

"Masyadong marami 'yan Luxzell" singhal ko dahil pumupulot pa siya ng mga prutas.

"Is this enough?" tanong niya na ipinakita pa ang supot.

Nasapo ko naman ang noo ko dahil sa tanong niya. Lagpas lima na ang supot at magtatanong pa siya kung sapat na. Sobra na nga 'yan dahil sobrang lalaki ng supot!

"Let's go back to home Luxzell, baka gising na si Wayan" pag iiba ko.

Tumango naman agad siya tsaka dumiretso kami ng kotse. Halos mapuno ang likod ng kotse dahil sa prutas lang! Ganito pa mag alaga ang isang Luxzell? Grabe naman talaga ang pag aalala niya psh.

----------->

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now