LUXZELL POV
"Gising na, Luxzell" tawag sa pangalan ko ni Allirah.
Dahan dahan ako nagmulat ng mata. Agad akong napaiwas ng mapansing sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
"Gwapo ka pala" natatawang sabi nito.
Pangit ba ako 'nung una niyang nakita? Tsk tsk.
Tumayo siya tsaka lumabas ng eroplano. Mabilis din akong tumayo at sinundan siya. Bumungad sa akin ang napakagandang tanawin ng Cebu, first time kong makapunta dito at hanga ako sa ganda ng paligid. Sa tingin ay tanghali na kami nakalapag ng Cebu.
"Halika, sumunod ka sa akin" sabi ni Allirah na sinenyasan akong sumunod.
Sumunod naman ako at tulad ng dati ay hindi nanaman maalis ang tingin ng mga tao sa akin.
"Sila na ba ang magpapatayo ng eskwelahan dito?"
"Aba'y mga bata pa"
"Halatang mayayaman"
"Magnobyo ba ang mga 'yan?"Napasimangot ako sa mga naririnig. Pumasok kami ng hotel at agad na lumapit ang isang tauhan kay Allirah, nag usap sila gamit ang lenggwahe ng Cebu at dahil hindi ko maintindihan ay nanatili lang lumilibot ang tingin ko sa loob ng hotel. Naglalakad kami habang nag uusap ang tauhan tsaka si Allirah, nasa likod naman nila 'ko.
Nang huminto sila ay huminto na din ako. Napalingon sa akin si Allirah tsaka lumingon sa tauhan, hindi ko man maintindihan ay paniguradong inutusan niya ito dahil agad naman itong sumunod. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sinenyasang pumasok. Pumasok naman agad ako.
Hindi nahinto ang tingin ko sa loob ng kwarto. Puti ang pintura at mamahalin ang mga gamit, puro babasagin. Maiwas na para sa dalawang tao.
"Iisang lang ang kwarto dito at iisa lang din ang kama. If okay lang sa'yo ng magtabi t—"
"No" agad na tanggi ko. "I-I can sleep on a sofa" sabi ko sabay turo sa sofa.
Napalingon naman sa sofa si Allirah tsaka tumango. "It's your choice" sabi nito tsaka inilapag ang jacket niya sa lamesa. "Maliligo na ako, sumunod ka na lang kapag tapos na 'ko" sabi niya.
Tumango naman ako. What the hell! Iisa lang din ang comfort room? Shit lang!
Naupo ako sa sofa at tinignan ang phone ko. Shit walang signal ang phone ko dito!
AXQUECIA POV
Ilang beses ko ng tinatawagan si Lux pero hindi ito macontact.
"Psh, don't panic Axie, baka walang signal 'yung tao" sabi sa akin ni Dad.
"Eh paano kung mayroon pero hindi niya lang sinasagot ang tawag ko?" tanong ko na hindi naalis ang tingin sa phone.
"Psh? Did you think na ganu'ng tao si Lux? Mas importante ka doon kaysa sa trabaho. 'Nung nasa Bicol tayo, halos hindi makapagfocus sa trabaho 'yun para lang paulit ulit na tawagan si Tristan kung ayos ka lang. Trust your boyfriend Axie" inis na sabi sa akin ni Yvez.
Napatikop naman ako ng bibig. Nag oover reacting nanaman ako. Tama nga sila. Ang sabi ko sa sarili ko ay hindi na ako magseselos pero 'nung sabihin ni Dad na anak ni Mrs. Salvador ang kasama ni Lux ay napanatag ako. Nakita ko na walang balak si Alisha kay Lux dahil sa murang edad nito. Alam kong wala silang gagawing masama.
Stop overthinking Axie.
LUXZELL POV
Nagsimula na nga ang trabaho. Punta rito, punta roon. Balita dito, balita doon. Checking dito, cheking doon. Marami ang kinuhang constraction worker at puro taga Cebu. Marami ding gamit na nakaimbak sa bodega at kompleto pa. Narito namin nakilala si Engineer Drew Verioso.
YOU ARE READING
SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓
РазноеSHS SERIES 1 STATUS: COMPLETED (UNDER EDITING) Love story between Luxzell and his second version that named Sevi and their girl name Axquecia. How their love story become perfect if Axquecia loves the machine that reflects to the old Luxzell that na...