CHAPTER 37

30 1 0
                                    

(037)

AXQUECIA POV

Dali dali kaming pumasok sa hospital na sinasabi ni Dad.Nakita agad nin siya at nagtaka ako ng makitang namumula ang mata niya.Kinabahan ako.

"Tito saan sila?"tanong agad ni Lux.

Tinuro naman agad ni Dad.Nang makalapit do'n si Lux ay nakita kong maiyak si Dad.

"Dad?"tawag ko pero nasapo niya ang noo at patuloy sa pag iyak dahilan para madagdagan ang kaba ko."D-Dad what happen?Dad?"natatarantang tanong ko.

Hindi alam kung lalaitan si Lux o tatanungin muna si Dad.

"Car accident."sagot niya na ikinakaba ko lalo."Yung kotseng sinasakyan nila ay kay Lucas,nabunggo sa isang poste"nagpatuloy naman ang pag iyak niya.Parang nawala ako sa katinuan."Base sa imbistigasyon,may bumutas daw sa dalawang gulong ng kotse niya,isa sa harap,isa sa likod"hindi na mahinto ang dibdib ko sa kalabog."Nawalan ng balanse ang kotse kaya nabunggo sila sa poste"napalingon nanaman ako kay Dad ng tumulo ang luha niya."Sumabog 'yung bandang harapan ng kotse niya"nanlaki ang mata kong napatingin sa kaniya."Patay 'yung mag asawa"

"Sir sir!Nurse!!!"sigaw nung isang nurse dahilan para mapatakbo ako sa kinaroroonan ni Lux.

Nanlaki ang mata kong napalingon kay Lux ng wala itong malay.Lumapit ako sa kaniya at tinatapik tapik ang pisngi niya.Namumutla siya at sobrang nanghihina.

"Lux"natatarantang tawag ko.

Napalayo na lang ako ng alalayan siya ng mga nurse para ilipat sa room.Nakita ko naman si Dad na hindi na nahinto ang pag iyak.

Nang makuha nila si Lux ay dahan dahan akong napatalikod.Napaatras pa ako ng mapansing sina tito at tita 'yun.Naliligo sila sa dugo at wala ng buhay.Napatakip ako sa bibig at pinipigilang umiyak.Sinubukan ko silang lapitan at titigan ng mabuti.Napalunok ako at pinipigilang maluha.

Tita
Tito

Hindi ko alam kung anong kaba ang namuo sa dibdib ko.Parang dinurog ang puso ko ng makita ang kalagayan nila.Naliligo sila sa dugo at nangigitim pa.

Si Lexzia?Saan si Lexzia?

"Dad si Lexzia?"tanong ko kay Dad,tinuro niya naman ang katabi kwarto.

Patakbo akong pumunta do'n.Nakasara 'yun at hindi pwedeng makapasok.Sa salaming pintuan lang kami at nasisilip siya.Marami ang nakakabit sa kaniya at naliligo na din sa dugo ang damit niya.

"Nasa likod siya ng kotse nakaupo hindi tulad ng parents niyang parehas nakaupo sa harap.50/50 si Lexzia."narinig ko ang pag iyak ni Dad."Walang kasiguraduhan kung mabubuhay siya"napalingon ako kay Dad ng sabihin niya 'yun,kay Lexzia ang tingin niya."Kung mabubuhay man siya,wala siyang maaalala"sabi ni Dad dahilan para lingunin ko ulit si Lexzia."Kailangan tayo ni Lux ngayon"do'n nangilid ang luha ko.

Agad kong pinunasan 'yun at patakbong pumunta sa room kung saan inilagay si Lux.

"Nawalan lang siya ng malay dahil sa sobrang panghihina.Gigising din siya agad.Pakainin niyo agad siya kapag nagising"sabi 'nung doctor na nag asikaso sa kaniya tsaka lumabas.

Patakbo naman akong lumapit kay Lux.

"Bibili muna ako ng makakain.Bantayan mo muna siya"sabi ni dad na lumabas.

Paglabas ni Dad ng kwarto at kami ni Lux ang naiwan sa kwarto na 'yun ay do'n na nagsimulang tumulo ang luha ko.Pinupunasan ko naman agad pero hindi na ata mauubos ang luha ko kaiiyak.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now