(048)
SEIRHO POV
Sinusubukan kong makisama ng normal sa mga kaibigan ni Master Lux.Sa galaw at pananalita ay halata kung paano nila kaclose si Master.
"Kumain ka kaya" sabi ni Tristan.
"Kanina ka pa hindi kumakain ah" sabi naman ni Axquecia na patuloy ang pagkain.
Napakurap kurap akong napatingin sa malayo bago muling tumingin sa kanila.
"Busog kasi ako" sabi ko na ngumiti pa.
Kunot noo naman akong nilingon ni Axquecia pero nagpatuloy pa rin itong kumain.
Ang totoo ay hindi ako kumakain.Hindi ako nakakaramdam ng gutom dahil nga sa robot ako.Kailangan kong mag isip ng mga dahilan para hindi nila 'ko pilitin pakainin.
"Congrats pala sa inyo" nakangiting sabi ko na naglipat lipat ng tingin sa kanilang lahat.
Nanalo sa basketball ang school nil-namin.
"Salamat." Sabi ni Yvez na ngumiti pa.
"Psh.Tagaktak sana ang score natin kung sumali ka" natawa naman ako sa ingay ni Tristan.
Bumaling naman ako kay Axquecia at nahuli ko siyang nakatingin sakin pero madali rin siyang umiwas ng tingin.Kailangan ko pa yatang pag aralan ang makiusap sa babae.
Nakita ko siyang mapalunok na umiwas ng tingin pero agad ding 'yumuko at kumain.
"Comfort her" rinig kong sabi ni Master Lux sa isip ko.
Napatingin naman ako kay Axquecia na kumakain.
Paano ko icocomfort 'to?
"Can you please don't look at me" nanlaki ang mata ko ng magsungit si Axquecia.
Naramdaman niyang nakatingin ako?
Kunot noo siyang tumingin sa akin,inis na inis at napabuntong hininga pa bago kumain.
Umiyak pa siya kanina habang yakap ako tapos nagsusungit na siya ngayon.
"Tsk tsk that girl is so much masungit" sabi ni Master Lux sa isip ko.
Napatingin ulit ako kay Axquecia.Masungit nga ang itsura niya pero hindi ko maitatanggi na ang ganda ng mukha niya.
Nang matapos kami sa Canteen ay pumunta sila sa gymnasium para manood ulit ng laro.
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko dahil una sa lahat,unang beses kong gawin ang mga bagay bagay na ginagawa ko ngayon.Gustong gusto ko ang mga nangyayari.
"Nabalitaan na pala ni Dad na nakabalik ka na.Gusto ka niyang makita" sabi ni Axquecia na nasa manlalaro ang tingin.
Alam ko kung sino ang binabanggit niya dahil bago ako pinalabas ni Master Lux ay pinakilala niya na sa isipan ko ang mga taong narito.
Nakakabilib lang talaga na ganito ang mayroon na pamumuhay si Master.Sobrang masaya.Mayroong kaibigan,maraming taga hanga dahil sa angking kagwapuhan,mayaman at sikat...tsaka napalingon ako kay Axquecia na nahuli ko ulit na nakatingin sakin pero nag iwas din ng tingin...at may magandang babaeng gusto na halatang gusto din siya.
YOU ARE READING
SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓
RandomSHS SERIES 1 STATUS: COMPLETED (UNDER EDITING) Love story between Luxzell and his second version that named Sevi and their girl name Axquecia. How their love story become perfect if Axquecia loves the machine that reflects to the old Luxzell that na...