CHAPTER 92: BICOL

15 0 0
                                    

NIX POV

Nagsisimula nanaman si Axie. Kilalang kilala ko si Axie at alam ko kung ano pwedeng mangyari kapag hindi na kaya ni Axie ang selos niya. Tulad ng sa akin, iiwan niya sa Lux kung sakaling hindi niya kayanin ang selos. Babalik naman si Axie at pagbalik nito ay kaya niya ng kontrolin ang selos niya pero aabot pa ng ilang taon 'yun bago mangyari, 'wag naman sana.

Hindi ko pa man sila close ng sobra pero bilib ako kay Lux, 'nung araw kasing gumagawa ako ng kalokohan ay saksi ako kung gaano kaloyal si Lux kay Axie at napabilib ako sa pagbabago ni Axie. Seryoso na siya kay Lux kaya todo kung magselos.

"Tulog na si Ax" sabi ni Lux na nilingon pa si Axie sa kasama. "Bantayan mo siya dito at kung pwede, pakiusap pakainin mo 'pag gising na at kung may mangyari, tawagan mo agad ako" pakiusap ni Lux, tumango naman ako.

"Nakikiusap din ako Luxzell, 'wag na 'wag mong pagseselosin si Axie, hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari kung hindi niya kayanin" sabi ko na ikinatikop ng bibig ko, napalingon pa kay Axie.

"A-alam mong hindi ko pwedeng pabayaan si Alisha dahil pinagbilinan ako ni Mrs. Salvador, kailangan ko ding makisama sa kaniya dahil magkasama kami sa project na 'to" paliwanag niya naman.

Napabuntong hininga ako tsaka tumango. "Naiintindihan naman kita at naiintindihan ka ni Axie pero hindi niya maiwasang magselos kasi ayaw niyang natutuon ang atensyon mo sa iba, kahit simpleng bagay pa 'yan, pagseselosan niya lalo na kung naagaw ang atensyon mo ng iba na dapat sa kaniya"

Sabi ko tsaka tumalikod na sa kaniya. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. Lumabas na siya ng room kaya napalingon ako kay Axie.

Kinakabahan ako sa hindi ko maintindihan, feeling ko kasi ay may mangyayaring pasabog na hindi ko inaasahan.

Nanatili lang akong paikot ikot sa room na 'to. Manonood ng Tv, kakain, maliligo, magcecellphone, kakain ulit, manonood ulit ng Tv hanggang sa magising si Axie. Patakbo akong lumapit sa kaniya at nagtaka pa ako sa pamumutla niya. Agad kong kinapa ang noo niya at doon ko napagtantong mainit siya.

"May lagnat ka Axie" sabi ko na kinakapa kapa ang noo at leeg niya.

"Psh alam ko, nararamdaman ko e" kunot noong sabi niya.

Gusto kong suntukin siya sa pagiging pilosopo.

"Paano kang nagkalagnat? Nagpaulan ka ba?" nagtatakang tanong ko.

Kumunot naman ang noo niya tsaka nagbuntong hiningang tumango.

"Lagnat lang 'to, hindi ako mamatay dito, sa selos pwede pa" singhal niya tsaka tumayo at nagbukas ulit ng box ng fries at pizza.

Paborito niyang pagkain tss.

"Hindi ka pa rin nagbabago, napakaselosa mo pa din kahit na simpleng bagay" sabi ko tsaka naupo sa kaharap na upuan niya.

"Ang atensyon ay hindi simpleng bagay Nix" sagot niya na nilingon pa ako. "Natatakot lang ako na baka sa simpleng bagay na 'yun, mabago lahat"

Napalunok ako sa pagiging seryoso niya. Feeling ko ay lahat ng sasabihin ko ay babarahin niya lang.

"Nagsimula din kami ni Lux sa simpleng bagay at posibleng mangyari 'yun sa iba" dagdag niya tsaka sumubo ng pizza. "Hindi mo 'ko maiintindihan dahil hindi ka naman nagseryoso kahit kailan" nakangiwing sagot niya.

"Hoy! Hinanap nga kita e dahil seryoso ako sa friendship natin tapos sasabihin mo lang ako ng ganiyan? How dare you!" singhal ko.

"Iba ang friendship sa jowa Nix, iba ang pinupunto mo" singhal niya din.

AXQUECIA POV

Masama na talaga pakiramdam ko kanina pa bago sumakay ng eroplano. Ang sakit ng ulo ko at parang sisipunin ako. Dapat pala nakinig na lang ako kay Yaya Yna psh.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now