CHAPTER 5

135 8 0
                                    

Ihahatid kita!

(Cadness' Voice)

Last week na ng January, pero hindi ko pa rin magawang ayain si Wave na kumain sa labas. It's been 2 weeks already. Wala pa 'kong nagagawa para sa kanya. Pero over na ba agad 'yung time na ibinigay niya? Hay. Nakaka-depress na talaga.

Last na usap namin ay 'yung sa parking lot pa. Pagkatapos no'n ay hindi na kami nagkaro'n ulit ng time na mag-usap. Kasi after nung project nila ay sunod naman niyang pinagka-abalahan 'yung practice nila ng volleyball. Varsity player kasi namin siya do'n. Tsk.

Ako lang yata ang college student sa school namin na hindi busy.

"Cadness girl! Punta tayong gymnasium!" sigaw ni Sab mula sa kabilang dulo ng hallway ng building namin. Nakakahiya talaga 'tong babaeng 'to kahit kailan. Tsk.

"Ano namang gagawin natin do'n?" curious na tanong ko dito nang makalapit siya sa'kin.

"Nando'n kasi si Harvey. Do'n ko na lang daw siya puntahan. Sama na rin daw kita. Dali na!" kinalog-kalog niya pa 'ko. Hindi naman halatang excited siya. Tsk.

"Bakit kasama pa 'ko? Tatlo ba tayo sa relasyon ninyo?" tanong kong muli dito at saka siya inirapan.

"Ang arte. Tara na kasi."

Wala na 'kong nagawa nang hilahin niya 'ko papunta sa gymnasium ng school namin.

Pagkapasok namin ay bumungad sa'min ang volleyball team ng school namin na busy sa training. Shet. Bakit hindi ako na-inform na nandito sila?

"Arte arte ka pa kanina. Yiiieee. 'Yon si Wave oh!" kinikilig na pahayag ni Sab.

"Sino ba ang may crush sa'tin kay Wave? Ikaw o ako?" biro ko kay Sab.

"Moira ikaw ba 'yan? Haha. 'Wag ka nang maarte. Bili kaya tayong energy drink for him?" suggest ng magaling kong kaibigan.

"Can't you see, may drinks na kaya sila." sagot ko dito habang itinuturo 'yung water jug na mukhang may lamang energy drink.

"Ay, oo nga. Nood na lang tayo. Cheer natin si Wave! Dali!" pahayag muli ni Sab at nauna pa siyang tumakbo papunta sa side kung saan nakapwesto si Wave at ilan niyang team mates.

Hindi pa man ako nakakaupo ay sumigaw na kaagad si Sabrina. Nakakahiya talaga 'tong kaibigan ko kahit kailan. Tsk.

"Go Wave! Libre ka daw ni Cadness after!" sigaw ni Sab.

Napayuko na lang ako sa kahihiyan. Lalo na nang tapunan kami ng saglit na tingin ni Wave.

"I-cheer mo naman si Wave! Dali na! Nahiya ka pa!" hinampas pa 'ko ni Sab sa braso ko pagkasabi niya no'n.

"Ayoko nga. Nakakahiya. Hindi naman ako kagaya mong mataas ang self-confidence." sagot ko sa kanya.

"Psh."

Wala nang nagawa si Sab kaya naman naupo na lang siya sa tabi ko. Pero from time to time ay chinicheer niya pa din si Wave.

"Sab! Come here!" tawag ni Harvey dito mula sa taas ng mga bleachers. Mukhang magpapatulong sa interior design ng gym si Harvey para sa laban ng Volleyball team bukas.

Kaagad namang tumayo si Sab at pinuntahan ito kaya naiwan akong mag-isa dito. Sakto naman dahil tumawag ng break ang coach nila.

Ano'ng gagawin ko? Shet. Bakit ba kasi dito kami pumwesto? At bakit ba kasi parang takot ako sa mga tao kapag mag-isa lang ako? Hay.

"Hi! 'Di ba ikaw 'yung isa sa apo ni Ma'am President?" tanong nung isang team mate ni Wave. Nakaabang naman ang halos lahat sa kanila sa magiging sagot ko.

When He Learns To Love A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon