60

7.7K 430 109
                                    


iMessage
Today 7:10 PM

Britanny Esguerra

Britanny:
Besh, nakapag-enroll ka ba kanina?

Tokyo:
Uu

Block B pa rin ako

Nahiya nga ako kay Ms. Heidi eh

Britanny:
HAY FINALLY!!!

Nakarealize ka rin!!!

Sayang din kasi Tokyo! Third year na tayo, ikaw nga walang bagsak, may pa-Japan-Japan ka pa

Akala ko ba walang iwanan tayo?

Tokyo:
Brit naman eh

Alam mo namang ayaw ko na dito sa Cebu

Britanny:
So what?

Hindi naman ang gagong Thorn na 'yun ang nag-aral ng law, ikaw

Tokyo:
What if magkita kami?

Blinock ko nga siya sa lahat ng socmeds ko para kahit ni isang picture niya 'di ko na makita

At least doon sa Japan, makakalimot ako

Britanny:
Toki, alam ko naman talagang mahirap magmove-on lalo't na 9 years din kayo tapos nagpropose pa ang gagong iyon na pakasalan ka, gago talaga, tanginang 'yun, sorry ha, di ko na talaga ififilter mga mura ko dahil gago talagang mukhang cactus na 'yun, walang itlog! Inunfriend ko rin siya at inunfollow sa lahat ng socmeds ko

Di kita mabeblame, kahit ako, baka mabaliw din ako kasi siyempre, nine years kayo, feeling mo sa huli na talaga kayo tapos yung gagong yun hihiwalayan ka lang dahil na-fall out of love sya, gago niya

Pero kasi Toki, sayang ang law school mo, matalino ka pa naman, ghorl

Saka kung hindi mo iisipin yung sarili mo or kahit para sa 'kin, hoy, besh, isipin mo mga prof natin na binigyan ka ng chance na magspecial exams

Iyon pa lang, saka si Attorney Omari! Mahiya ka sa kanya ghorl

Diba sabi mo siya ang reason kung bakit pumayag sina Judge Gemina na bigyan ka ng special exams?

Isipin mo, si Atty. Omari na ubod ng sungit at terror ay bilib sa abilidad mo bilang future abogado?

Besh, mahiya ka kay Attorney, ultimate basher ka pa naman niya tapos ikaw pa 'tong tinulungan niya

Kahit para kay Attorney na lang gurl, grabeng encouragement na 'yun

Huwag mo ng isipin 'yung cactus na 'yun, puta siya

Tokyo:
Uu na

Kaya binigyan ko rin si Atty. Omari ng thank you gift from Japan kahit alam kong kulang pa 'yun sa nagawa niya, iniwan ko sa office para si Ms. Heidi magbigay

Britanny:
Magpersonal message ka rin sa kanya sa messenger, tutal matapang ka naman dati

Gusto ko na bumalik 'yung jolly na si Tokyo Takahashi, hindi 'yung ganito

NASAAN NA 'YUNG PABIDANG TOKYO?

BUMALIK KA NA PLS

AYOKO SA TOKYONG EMOTERA NA 'TO

Tokyo:
HOY GRABE KA HA

Pero oo na nga! I-memessage ko si Attorney

Pero nahihiya ako eh

Britanny:
Naka-wrongsend ka na nga sa kanya dati, inirapan mo pa doon sa Starbucks

Dapat makapal na 'yang mukha mo

Nahiya ka pa

Read 7:44 PM

champagne problems (finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon