117

7.8K 383 79
                                    

iMessage
Today 8:42 PM

Britanny Esguerra


Tokyo:
Bakla!!!

OMG!!!

Congrats!!!

Nakita ko'yung post mo na nagpropose na si Coby!

I'm so happy for you!!!

Britanny:
Thank you, besh!!!

Hindi ko rin inexpect!

Akala simple vacation lang gagawin namin dito sa Italy, 'yun pala magpropropose siya

Sa airplane pa talaga siya kung saan siya ang pilot, nag-announce at nagpropose sa 'kin, naloka ako kung anong announcement, akala ko macracrash kami

Tokyo:
Kaloka!!!!

Ikaw na talaga ang may pinakabonggang proposal!

It's time na rin na magpakasal kayo 'no, ang tagal niyo na rin kaya tapos may anak na kayo

Like it's due time na rin

Britanny:
Hahaha, I know

Siya lang talaga hinihintay ko

Hoy, ikaw maid of honor ko sa kasal ko ha

Gawing kong sponsor si Judge Omari!

Speaking of Judge, congrats din sa inyo!!!

Balita ko RTC Judge na si Attorney!

Tokyo:
Hahaha, thank you din

And oo, last week, inaayos na nga ni Riggy mga i-hahire niyang mga staff

Britanny:
Hindi ko talaga inexpect na magiging Judge si Attorney

Feeling ko nakakatakot pa rin siya at naiimagine ko na dadalhin niya 'yung pagiging terror prof niya as a judge 😹

Sana talaga hindi ko siya magiging Judge sa mga future case kong ihahandle

Tokyo:
HAHAHAHHAHAHA

HOY GRABE KA

Britanny:
Speaking of Judge

Uy, kailan din kayo magpapakasal?

Hindi ba kayo nag-uusap ni Attorney about kasal?

Tokyo:
Nag-uusap naman pero okay lang naman kung live-in partners lang kami, hindi naman vinavalidate ng kasal 'yung pagmamahal namin sa isa't isa

Britanny:
Hoy, Tokyo

If traumatized ka pa rin sa ginawang proposal ni Tinik noon, ibahin mo si Attorney

Hoy gurl, ang dami ng ginawang sacrifices niyan 'nung sa law school pa lang tayo, muntik na ngang matanggalan ng lisensya

Tokyo:
Hindi naman sa ganun, Brit

Saka I always made him feel that I love him so much and I appreciate him too

Britanny:
Oo nga

Pero 39 na si Attorney, 40 na siya next year

Kita mo nga, nauna pa siya maging judge kesa magkasal kayo

Hindi ka man lang ba buntis?

Tokyo:
No

Nagpipills ako

Britanny:
Ay kaloka!

Kahit anak na lang, bigyan mo si Attorney!

Hoy, 31 na tayong dalawa

May expiration din matres natin lalo na si Attorney

Anong gusto mo? 50 na siya magkakaroon ng anak?

Tokyo, parang apo na niya ang anak niyo

Tokyo:
Alam ko

Pero hindi ko alam, Brit

Nagdadalawang-isip pa rin ako

Britanny:
Sampalin talaga ako

Ba't ka pa nagdadalawang-isip?

Naku, kung hindi ka lang ang crush ni Attorney noon, ako na jomowa sa kanya

Girl, ang tagal niyo na rin ni Attorney

Besh, deserve niyo both ang happiness

Please lang, huwag kang matakot

Kasalanan talaga ng Tinik na 'yan eh

Sana mas nauna mong naging jowa si Attorney kesa sa kanya

Basta pag-isipan mo 'yung advice ko

Para may kalaro natong si Razzie tapos if lalake anak niyo ni Attorney, imamatch-make natin!! Para malahian kami ng Omari royal blood 😹

Tokyo:
Hahaha, gaga talaga 'to

Pero sige, pag-iisipan ko

Thank you, bakla

Congrats talaga ulit!!!

Read 9:09 PM

champagne problems (finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon