Messenger
8 - 17
Heidi TrinidadHeidi:
Hello, Ms. Takahashi!Dumaan ka raw dito sa office dahil may pagkain sabi ni Atty. Omari
Tokyo:
Hala, seryoso kayo, Ms. Heidi?Ba't naman ganyan si Attorney???
Di kaya siya maissue kasi binibigyan niya ako ng pagkain????
Heidi:
Ha?Bakit naman maiissue?
Hahaha, nagdala kasi siya ng maraming pagkain dito sa office actually, mga council officers, mga bar ops, pati 'yung ibang prof kumain dito
Siya nagluto sa lahat, masarap magluto si Attorney!
Tokyo:
Ha???Ano pong okasyon?
Birthday ni Attorney?
Heidi:
Hindi naman niya birthday, 'di ko rin talaga alam eh basta nagdala na lang siya ng maraming pagkain dito sa office ehSabi niya bigyan ka rin daw dahil sobrang payat mo na
Oo nga naman, pumayat ka talaga, Ms. Takahashi
Okay ka lang ba? Nagkasakit ka ba?
Tokyo:
Okay na po ako hahaPero huwag na po, Ms. Heidi hehe, nakakahiya naman po
Heidi:
Dumaan ka talaga dito, Miss!Ibinilin talaga sa 'kin ni Attorney na dapat kang dumaan saka sineparate na niya 'yung food mo
Sayo daw itong isang glass tupperware ng Carbonara, masarap ang Carbonara ni Attorney, isa 'yun sa specialty niya, tikman mo talaga
Tapos may beef steak din dito saka honey glazed chicken na para sayo tapos tatlong cup ng rice
Tokyo:
Ang dami na namang rice, Ms. Heidi!Grabe si Attorney, ginagawa akong baboy!
Heidi:
Naku, dapat daw ubusin mo 'yung tatlong riceDapat marami raw kainin mo
Sige na, dumaan ka na rito sa office, 4 pa naman, early dinner na rin
Tokyo:
Baka may lason 'yang mga luto ni Attorney, Ms. Heidi 🙀Heidi:
Gayuma siguro kasi masarap naman 😹Sige na dumaan ka rito sa opisina
Patay ako kay Attorney 'pag hindi kita pinapunta rito, siya pa naman ang nag-hain sa pagkain mo kanina
Seen. 4:05pm.
BINABASA MO ANG
champagne problems (finished)
General Fiction(Finished) When Tokyo Takahashi accidentally sent a hate message towards her law professor, Atty. Reagan Omari, in a class group chat. An epistolary