95

7.8K 493 261
                                    


iMessage
Today 10:20 PM

Mama Bear

Mama:
Anak, kamusta kayo diyan?

Tokyo:
Mama Bear!!!!!

Okay naman po, naipasyal ko na sila obaa-chan sa Disneyland, enjoy na enjoy nga ang dalawang oldies doon

Mama:
Sabi nga sa 'kin ng Papa mo

Tuwang-tuwa raw ang Lola mo sa kasama mo

Si Reagan, kinuwento ng Lolo mo sa kanya

Kilig na kilig daw 'yung Lola mo parang daw silang magkasintahan, parang bumalik daw sa pagkadalaga

Aba binigyan pala kayo ng bulaklak ng kaibigan mo

Tokyo:
Hahaha!!

Oo, Mama, kumakapit pa nga si obaa-chan sa braso ni Reagan, sila palagi dalawa ang magkatabi sa mga rides, kami naman ni ojii-chan

Mama:
Naku, pati kami ng Papa mo ay natawa na lang din

Saka 'yung kaibigan mo rin daw ang nagluto sa inyo ng dinner diyan sa bahay

Ang thoughtful naman ni Reagan

Tokyo:
Yup!!!

Kakauwi lang niya kanina pabalik sa hotel niya

Sus, kung nandito lang kayo ni Papa Bear, matitikman niyo luto niya, sarap na sarap sila ojii-chan

Pati sina Kyo-chan, naparami ang kain kanina ng dinner tapos uminom kami ng sake

Mama:
Kaibigan mo lang ba talaga 'yang si Reagan, Toki?

Tokyo:
Yepppp

Bait 'no?

Mama:
Grabe naman kung kaibigan lang at sumama pa sayo rito sa Japan

Tokyo:
Hahahahaha

Yamanin kasi, Ma

Saka Attorney kasi siya kaya maraming moneyyyy

Mama:
Duda ako kung kaibigan lang

Sabi ng ojii-chan mo, iba raw ang binibigay na tingin sayo

Naku!!!

Tokyo:
Ikaw talaga, Ma!

Huwag kang malisyosa 😹

Mama:
But we actually like this guy, anak

Iyong Thorn, isang beses lang nakapunta sa Japan tapos ni hindi nga nakapagbigay ng bulaklak sa Lola mo

Si Reagan nga, nanliligaw pa lang, nabigyan

Tapos ipinagluto pa kayo

Tokyo:
Mama, hindi ko nga siya manliligaw!

Mama:
Hindi ba nagpaparamdam sayo?

Alam kong nagpaparamdam na 'yun

Tokyo:
Hindi ko alam pero masyado kasing complicated, Mama

Friends lang muna talaga kami ngayon

Mama naman, ma-intriga

Focus nga muna ako sa self ko ngayon, diba???

Hanggang sa makagraduate ako sa law school

Mama:
Oo pero wala naman masamang nanliligaw siya

Ano full name niya?

Tokyo:
Reagan Callahan Omari

Anong gagawin mo?

Baka may gagawin ka ha!!!

Mama:
I-chachat ko

Alam kong hindi basta-basta kaibigan lang

Kaibigan lang pero pumunta sa Japan para sumama sa 'tin, 'yung ex mo ngang hilaw, kung 'di mo pinilit, 'di pa sasama tapos libre pa natin ticket at hotel

I-memessage ko 'tong si Reagan

Alamin ko intensyon

Tokyo:
MAMA PLS!!!!

HUWAG MO KONG IPAHIYA SA PROF KO!!!!

Sent 10:49 PM

champagne problems (finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon