Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tokyo Takahashi calling...
Voice call • • •
Tokyo: Attorney!
Ang sarap 'nung Chicken Alfredo, anong recipe mo 'dun?
Reagan:. Did you finish eating all of it?
Tokyo; Yup!
Ang dami namang serving na binigay mo, dalawang tupperwares talaga!
Pero seriously, it's delicious
Pwede ka talagang maging chef
Reagan: Anong gusto mong pagkain bukas?
Tokyo: LUH
Seryoso?
Reagan: Yes, I'll cook it and give it to you tomorrow, same routine, kay Ms. Heidi ko pa rin iiwan ang food
Tokyo: Hmm...
Miss ko na 'yung Carbonara mo, Attorney, gusto ko 'yun matikman ulit
Pero okay lang talaga kahit ano, Attorney
Masarap naman lahat ng luto mo
Reagan: Okay, I'll cook Carbonara tomorrow
Tokyo: Yehey!
Reagan: How's your classes?
Tokyo: Okay lang, Attorney
Kay Judge Rabillas lang ako palaging kinakabahan
Saka si Atty. Concha pala 'yung nagsubsitute sayo sa Human Rights
Reagan: Behave well in her class, she doesn't want to see students talking to each other, usually pinapalabas niya if may nakita siyang nag-uusap, she needs all your attention to her in the class, that's what she wants
Tokyo: Alam ko na po 'yun, naging under ako sa kanya 'nung first year