Part 15

145 5 0
                                    

Nakangisi lang si Savanah habang nakatanaw sa kabayong sinakyan ng binata na papalayo.

Hindi niya alintana ang kaniyang kahubaran.

Alam niyang may babaeng gustong ipakasal ang abuela nito pero malabo namang makita nito ang babaeng iyon,kaya sisiguraduhin niyang sa kaniya ito ipapakasal ni Lola Amara.

Malakas ang kumpinyansa niya na sa kaniya ipapakasal ang binata kumpara sa dalagang taga lupa na nagugustuhan nito.Nakangiting pinulot niya ang mga kasuotan at nagbihis.

Siya si Savanah nasa bente sais na gulang.Natagpuan siya ni Lola Amara sa gilid ng isang waterfalls.Ang nagsisilbing lagusan sa mundo ng tao at mundo ng mga engkanto.

Tinulungan ni Lola Amara ang walang malay at may mga pasa sa katawan na babae.

Iniuwi siya sa tahanan nito at inalagaan hanggang sa mag desisyon si Lola Amara na ampunin ang dalaga ng malamang ulilang lubos na ito.

Nang makita niya ang mala paraisong lugar na iyon at maalwan na buhay,hindi na nagtangkang umalis ni Savanah sa lugar ng mag lola dagdag pang napaka gwapo ng nag iisang apo nito.

Nang ampunin siya ni Lola Amara ay natuwa siya dahil ito na ang umpisa na magbubuhay Prinsesa siya at makatakas sa mala impernong buhay nito sa lalaking kinakasama.

Hindi niya hahayaang makabalik sa hayop na lalaking iyon na walang ginawa kundi ang saktan siya.

Bukod sa sugalero na nga ito ay wala pang trabaho at madalas siyang saktan.

Madalas rin siyang pilitin nito makipagtalik kahit pagod na pagod siya sa trabaho.

Akala niya magiging maayos ang buhay niya sa lalaking iyon,pero sa malas niya sa una lang ito sweet at may maayos na trabaho.

Simula ng pumayag silang magsama ay doon n lang niya nakita ang totoong ugali ng lalaking kinakasama.

Hindi siya babalik sa buhay na impernong pinaparanas nito,wala na rin naman siyang mga magulang o kamag anak na babalikan.

“Tang inang buhay ‘to!!Ito na naman ulam natin?Ulam ba ‘to?”pabagsak na inilapag nito ang platong nakatakip sa ulam sa mesa ng bagong dating na kinakasama ni Savanah.Pritong itlog at tuyo lang niluto niya at hiniwang kamatis dahil kailangan niya pang bayaran ang dalawang buwan sa bill ng kuryente na umabot na sa tatlong libo mahigit at mapuputulan na sila.

“Iyan lang kasi ang kasya sa budget ko.Ayaw naman na magpautang ni Aling Bebang dahil malaki na raw ang utang natin.”ani Savanah.

“Bwesit na buhay oh!Hindi mo ba kayang gawan ng paraan puro na lang ganito pagkain na ipapakain mo sa akin?Akina ang kinita mo gusto kong makabawi sa natalo sa akin!”

“Ano ka ba naman Harold konti na nga lang kinikita ko ipangsusugal mo pa!”

Nilipitan siya nito at pilit kinuha ang perang nasa wallet niya.

“Ano ka ba,pambayad ko na lang iyan sa bill natin ng kuryente mapuputulan na tayo.”

“Putang ina Savanah wala akong pakialam dyan bahala ka gumawa ng paraan.Ibabalik ko naman sa iyo pag nabawi ko talo ko.”anito

“Ibabalik?Eh lagi ka naman talo sa sugal kailan ka ba nanalo sa lintik na sugal na iyan?Ang dami dami na nga natin utang.Tapos ikaw ipangsusugal mo lang.”

Galit na lumapit ito sa kaniya at mahigpit na hinawakan ang panga ni Savanah.

“Wala kang pakialam kung mag sugal ako!Pinapaligaya naman kita sa kama ah!Patulak nitong binitiwan ang kinakasama.

Pinasadahan nito ng tingin ang katawan ni Savanah at napangisi.Hindi talaga siya nagkamali na ito ang piliin kahit talo siya sa sugal nagagawa niyang ma-satisfy ang pangangailan ng tawag ng laman.

Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon