Part 22

23 2 0
                                    

Hindi nakaligtas sa mga paningin ni Savanah ang paglabas ni Mai sa kwarto ni Skinner.Magulo ang buhok nito at hindi pa ayos ang pagkakasuot ng damit ng dalaga na lalo pang nagpangitngit kay Savanah.Alam niyang may milagrong ginawa ang dalawa.

“Lintik talaga ang babaeng iyon!Akala mo kung sinong Santita malandutay din pala!Bwesit ka!”

Hinampas niya ng dalang magazine ang ibabaw ng mesa sa sobrang inis.

Kaya naman mainit ang dugo niya kay Mai unang kita pa lang niya rito.

Hindi siya makakapayag na ito ang maging dahilan at makasira sa plano niya.Sa kaniya mapupunta ang binata at hindi sa babaeng iyon.Hindi siya makakapayag na maungusan ng isang babaeng tulad nito na bigla na lang lumitaw sa mundo ng maglola.

Magiging kaniya ang binatang si Skinner pati ang karangyaang tinatamasa niya ngayon.Siya ang magiging Reyna sa mala-palasyong tahanan na kaniyang kinaroroonan.Hindi na niya gustong bumalik sa dati niyang pamumuhay.

Masama ang tingin niya rito at hindi siya makakapayag na manatili ang babaeng iyon,gagawa siya ng paraan upang mapalayas ang dalaga.

“hump…..may araw ka din sa akin na babaeta ka!”ani Savanah.Ngayon pa lang kailangan niya mag isip ng paraan para madespatsa ang babaeng sisira sa plano niya.

Naglakad lakad si Mai sa malawak na harden na mismong ang abuela ni Skinner ang nag aalaga.

Makikita kay Abuela Amara ang passion nito sa mga bulaklak,at napakagaling nitong mag alaga.

Sobra siyang namamangha dahil ngayon lang siya nakakita ng mga bulaklak na sobrang lalaki at tila buhay na buhay ang mga ito.Bukod sa may buhay naman talaga ang mga halaman pero kakaiba talaga ang buhay nila.

Tuwang tuwa siya sa mga roses iba iba ang mga kulay nito,may pula,dilaw,orange,puti at pink.

Meron din na rainbow colors sa iisang bulaklak kaya naman amaze na amaze siya.

Para bang ang sarap pitasin ng mga ito pero nanghihinayang naman siya at baka malanta lang,pero nagkakamali siya dahil ang mga bulaklak na iyon ay tumatagal ng ilang buwan bago malanta.Hindi katulad ng mga pangkaraniwang mga bulaklak.

May mga kasing laki ng plato at mas malaki pa ang mga sukat ng mga bulaklak.Hinsi lang naman roses ang nakikita niyang mga bulaklak.

Halos nandito na ata ang lahat ng klase ng mga bulaklak.

“Pakiramdam ko nasa isang Paraiso ako na may isang diwatang nangangalaga sa mga halaman na ito.”aniya habang sinusuri ang mga talulot ng mga bulaklak.

“Ngayon ka lang ba nakakita ng mga ganitong uri ng mga halaman hija?”

Nagulat siya dahil akala niya nag iisa lang siya sa mala-paraisong harden.Hindi niya kasi napansin ang paglapit ng Abuela Amara ni Skinner.

“Kayo po pala,magandang tanghali po sa inyo Abuela Amara.”Tumango lang ito sa dalaga na hinawakan ang talulot ng rosas,na para bang mas sumigla nang mahawakan ng kanilang tagapagalaga.

Lahat ng mga halamang namumulaklak na nakikita mo ay ako ang nagtanim niyan hija.Ako angnangangalaga sa mga iyan kaya naman lahat sila magaganda at malulusog.

“Ang galing nyo naman po pala mag alaga ng mga halaman Abuela Amara”medyo naiilang pa siya tawaging Abuela ang kaharap dahil hindi ito mukhang lola.

Papasang magkaedad lang sila kung itsura ang basehan at hindi ang edad.Napaka fresh pa rin nitong tingnan at napakakinis na akala mo alaga ni Bello.

“Yes A-Abuela ngayon lang ako nakita in real life na ganyan kalalaking mga bulaklak at buhay na buhay,ang sisigla nilang tingnan,napakaganda po sobra!”hindi mapigilang humahanga siya sa mga bulaklak sa harden.

Nagkalat ang oxalis triangularis(butterfly plants)marami itong mga bulaklak at pangkaraniwang damo na ito sa harden.

Nilapitan niya ang hanay ng jasmine plants na humahalimuyak sa bango,hindi ito pangkaraniwan dahil kasing laki ito ng plato na ilang layers ang mga petals at puting puti.Nakakahalina ang aroma ng mga bulaklak at napapapikit pa siya habang sinasamyo ang amoy ng mga ito.

Lahat na ata ng uri ng bulaklak ay dito lang makikita specially iyong mga kakaiba at wild flowers.

Bukod sa mga roses na ibat iba ang kulay na unang agaw pansin sa kaniya,ay may iba pang nakakahalina sa mga paningin niya ang ibat ibang klase ng mga orchids na iisang hilera lang.Daig pa nito ang may malaking tindahan ng mga halaman.Kukulangin ang isang araw sa pag iikot para maisa isa ang mga naggagandahang bulaklak.Bulaklak pa lang iyon hindi pa kasama ang mga halamang namumunga ng ibat ibang klase ng mga prutas.

Lumapit siya sa mga orchids napakaganda ng mga itong tingnan.Ipinaliwanag ni Abuela Amara kung anong klase ito ng mga orchids na karamihan ay hindi pamilyar sa kaniya.

Merong Cymbidium it has smaller flowers compared to other orchid varieties, but can produce up to 30 blooms per spike.

Dendrobium are one of the most popular and numerous genera of orchids with about 1,500 species. 

cattleya orchids, also known as "corsage orchids," come in a variety of different colors due to hybridization.

Meron ding dancing lady orchids na dilaw ang bulaklak.

Vanda,Venus slipper,Zygopetalum orchids are another example of cool-climate orchids, blooming from fall to spring.

Odontoglossum orchids are cool-climate orchids known for their colorful and freckled petals.

Cycnoches Orchid  this relative of the Cattleya orchid is also known as the swan orchid, as the elegant inflorescence of male flowers.

Maxillaria are more than 300 species of maxillaria orchids and most are known for their fragrance of coconut and vanilla. Maxillaria orchids bloom in early spring.

Brassavola nodosa (also known as The Lady of the Night) is an excellent species to try.

Phragmipedium orchids look much like lady's slipper orchids with petals that form a pouch.

Kukulangin ang buong araw niya kung iisa-isahin niya ang klase ng mga orchids na nakakawiling tingnan.

May Tiger stripe,noble rock,halloween,nun orchids at sobrang dami pa na halos hindi na niya maalala kung anu ano ang mga ito.Hindi lang feeling nasa paraiso siya kundi literal na paraiso ang kinaroroonan niya.Dumipa ang mga braso niya ng humangin at nilanghap ang mabango at sariwang hangin.Nakakarelaks sa pakiramdam ang ganitong paligid.Muli siyang naglakad at nilapitan ang kumpol ng blue ternate,Clitoria ternatea, commonly known as Asian pigeonwings, bluebellvine, blue pea, butterfly pea, cordofan pea.Natikman na rin niya ang tsaa na gawa dito.

Some studies suggest that butterfly pea flower may help ensure skin and hair health, promote weight loss, and reduce blood sugar levels.

Sa hindi kalayuan naman ay napansin niya ang mga mulberry na maraming bunga.Nilapitan niya ito pumitas ng ilang piraso na hinog na bunga at tinikman.

“uhm…..matamis siya infairness!”kumuha ulit siya ng ilang piraso at kumain.Nakakatuwa ang lugar na ito sobrang dami ng halaman na maraming namumunga bukod sa mga naggagandahang bulaklak.

Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon