Part 19

155 9 1
                                        

Hindi napapansin ni Mai na napapalayo na siya ng lugar dahil manghang mangha siya sa mga nakikita.

Napahinto siya ng makita niya ang isang babae na sa tingin niya mas matanda lang ng konti sa kaniya.

“Magandang umaga”bati niya rito.

“Magandang umaga rin sa iyo iha”nakangiting bati nito kay Mai.Napakunot noo pa siya nang mapansin ang huling salita nito eh halos konti lang naman siguro ang agwat ng edad niya rito.

Luminga-linga siya sa paligid mikhang napalayo na siya ng hindi namamalayan.

“Ah…mukhang naligaw na ata ako pasenaiya na kung tresspassing na ata ako sa lugar niyo.”paumanhin niya.

“Okay lang iha mukha naman nag enjoy ka sa lugar namin.Mas mabuti pa kung magpahinga ka muna sa bahay ko.”nakangiting alok nito kay Mai.

Sinang ayunan naman ito ng dalaga ng biglang makaramdam ng pagod at pagsakit ng kaniyang paa.

Hindi pangkaraniwang may naliligaw na tagalupa sa lugar nila pwera kay Savanah na siya mismong nagdala sa dalaga sa lugar nila upang tulungan ito na kalaunan nga ay inampon na niya si Savanah ng malaman niyang ulila na pala ito.

Lalo pang namangha si Mai sa mala paraisong garden na nasasakupan ng mala-palasyong bahay nito.

Nag pakilalang Amara ang babaeng kaharap na hindi nawawala ang ngiti sa labi.

Namangha ang dalaga sa mga nakahaing pagkain ng anyayahan siya nito sa hapag kainan.

“Fiesta ba?Ang daming pagkain.”aniya.

Ganito ba kagarbo ito kung maghanda dahil sa dami ng ibat ibang prutas at masasarap na pagkain na nasa hapag kainan.

At hindi rin nakalampas sa kaniya ang pag irap ng isang dalaga na nag nganglang Savanah ng ipakilala ito ni Amara.

Nagpaalam siyang gagamit ng banyo para makaiwas sa mapanuring tingin ni Savanah.Hindi siya manhid para hindi niya mapansin ang mga palalim na tingin nito sa kaniya,knowing ngayon niya pa lang ito nakilala.

Paglabas niya ng banyo hindi niya napansin na nahulog ang kwentas niyang suot marahil ay lumuwag sa pagkaka hook.

Dahil sinundan ni Savanah ang dalaga kaya naman napansin nito ang bagay na nahulog kay Mai.

Dinampot niya ito at nanlaki ang mata sa nakita.

“Oh My God…..I can’t believe this.”pinakatitigan niyang mabuti ang kwentas parehong pareho ito sa kwentas ni Lola Amara.

Ang kwento ni Lola Amara ang kwentas na iyon ay kaparehong kapareho ng kwentas na binigay niya sa matalik nitong kaibigan na si Agatha.

Wala raw itong katulad dahil ito mismo ang lumikha ng kwentas na iyon.

Pag pinagsama ang dalawang kwentas nagniningning ang pendant nito na animo ay may buhay na siyang nagbibigay ng ilaw sa kwentas na iyon.

Nagpalinga linga si Savanah kung may ibang nakakita kaya dali-dali niyang ibinulsa ang kwentas at nag tungo sa kaniyang kwarto.

Pabalik balik siya sa kaniyang kwarto habang hawak ang kwentas na siyang magiging daan upang maangkin ng lubusan si Skinner.

Hindi siya makapaniwalang ang babaeng iyon ang matagal ng hinahanap ni lola Amara upang pakasalan ng apo nito.

Hindi siya makakapayag na ang babaeng iyon ang papakasalan ni Skinner.

Ginawa niya ang lahat upang akitin ang binata pero walang nangyari.

Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon