Part 7

829 36 2
                                        


"Nakita nyo ba si Mai?"

tanong ni Tita Jeanne sa mga kasamahan nila.

"Naku baka nandoon na naman siya sa waterfalls mag isang naliligo."sagot ni João.

"Napapansin ko sa batang iyon napapadalas na ang punta mag isa sa waterfalls na iyon."ani Tita Jeanne kay João na siyang photographer nila.

"Naku Tita baka naligawan na ng engkanto iyang alaga mo."biro nito ni João.

Napasign of the cross ang ginang.

"Naku wag naman at baka kung anong mangyari sa kanya."biglang nag alala ito.

Tinawanan naman siya ni João.

"Naku Tita Jeanne wag nga kayong naniniwala dyan kay Sir João.Sino ba naman maniniwala sa mga engkanto sa panahon ngayon."singit ni Marian sa usapan.

Inirapan ni Marian ang lalaki na ginawa talaga siyang alila ng walanghiya.Pasalamat ito sa ngalan ng pagmamahal niya natitiis niya ito.

"Mabuti pa nga ho Tita sasamahan kita na puntahan si Mai baka abutin na siya ng hapon doon,at maengkanto nga siya."ani Marian kay Tita Jeanne.

"Tingnan mo 'tong babaeng ito,wag maniwala sa engkanto!Ang sarap ipatapon sa Syria."ani JL.

"'Anong sabi mo?"ani Marian.

"Wala,I said maganda ka sana maligawan ka na sana kahit ng engkanto man lang.

Baka ka lumayas iyong mga gamit ko baka iwanan mo."ani JL

Bubulong bulong na lang si Marian na niligpit ang mga gamit nito.

Bago pa magkainisan ang dalawa,minabuting hatakin na ni Tita Jeanne ang kamay ng dalaga para hanapin si Mae.

"Sigurado ka bang sa falls lang nagpunta ang batang iyon?"tanong nito kay Marian.

"Oho naman,sabi nga niya kanina na maliligo lang siya."

Nakarating sila sa lugar na ang magandang tanawin lang ang nakita nila.

Wala ang dalagang hinahanap nila.

"Saan ba nagpunta ang batang iyon?"nag aalalang tanong nito.

"Naku Tita Jeanne hindi na bata iyang si Mai, dalaga na iyon.

Hindi kaya naligaw na iyon?sabay bawi ni Marian.

"Wag naman sana"

Napansin niya ang puting bagay sa hindi kalayuan.

Agad nilang nilapitan ito.

"Towel 'to ni Mai."ani Tita Jeanne ng makilala ang towel ng dalaga.

"Hindi kaya naligaw siya o kaya pumasok dyan sa kagubatan?"ani Marian.

Nag alala na ang ginang dahil papadilim na nga kung saan naman sumuot ang dalaga.

Wala naman ito sa kwarto nito bago niya pa ipagtanong sa mga kasamahan.

Nagtawag na sila ng mga kasama para tumulong sa paghahanap dito.

Inabot na sila ng dilim sa paghahanap pero walang Mai na nagpakita.

Hindi naman nila magawang pasukin ang kagubatan dahil sa gabi na nga.

Umiiyak na sa pag alala ang ginang.

Kahit hindi niya tunay na anak si Mai ay napamahal na ito sa kanya.

Anak na ang turing niya sa dalaga.

Apo ito ng matalik niyang kaibigan at sa kaniya ibinilin bago namayapa.

Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon