Kalalabas lang ng banyo ni Mai suot ang maiksing roba ng makita ang binata nakahalukipkip ang mga braso at nakasandig sa gilid ng pinto ng kwarto niya.Nakakatakam ang katawan nitong nakalantad,ang white long sleeve na suot nito ay wala na sa pagkakabutunes.
Mukhang kauuwi lang nito kung saan mang lupalop ito nagpunta.
Hindi niya malaman kung anong kilos ang gagawin.
Kung susunggaban ito at yayakapin sa pagkasabik dito o sasapakin ito dahil aminado siyang naiinis sa hindi nito pagpapakita ng ilang araw sa kaniya.
"What are you doing here?"naiiritang tanong niya dito.
Hindi ito pinansin ng binata na tuluyang hinubad ang polong suot.
"...Its your last day here I am right?
Ayoko namang masira ang pukos mo sa trabaho ng dahil sa akin,isa pa gusto ko ring mag enjoy ka sa last day ng mga kasamahan mo dito."ani Skinner.
Napaismid siya sa mga sinasabi nito.
Sirang sira nga ang concentration niya sa trabaho dahil sa ginawa nito.
Lahat ng gamit niya ay nakahanda na dahil madaling araw ang balik nila sa Manila.
"How did you know that?tukoy niya sa kung paano nito nalamang last day na nila sa Fantasy Destination Island Resort na iyon.
"I just know!"maiksing tugon nito na nakasandal pa rin sa pader.
Tumaas lang ang kilay ng dalaga.
"Bruha ka wag ka ngang mag inarte aminin mo man o hindi namiss mo rin siya.
Isa pa may mission kang dapat gawin,"anang isip niya.
Dapat niyang samatalahin ang pagkakataong makakasama sa huling sandali ang binata.
Pagbibigyan niya ang sariling magpaubaya at magmahal ng walang pag alinlangan kahit ngayon lang.
Pagkatapos nito pag aaralan naman niyang limutan kung among meron sa kanila.Kahit man sa memories ay may maiiwan siya dito.
Dahan dahan siyang lumapit sa binatang hindi umaalis sa pagkakasandal sa pader ng kanyang kwarto.
Walang kurap niyang tinitigan ang mga mata nito.
Shit!sa ganda ng pangangatawan nito aminadong na miss niya nga ng sobra ang herodes.
Ang mapupulang labi nitong nakakawala sa kanyang katinuan pag sumasayad na sa kanyang katawan..
Napalunok siya hindi pa nga lumalapat ang balat niya sa katawan nito ay natutuliro na siya.
Ramdam niya ang pag iinit ng katawan nito ng makalapit siya.
"So?"
"So---what we gonna do?magtititigan na lang ba?"anang dalaga na umakyat ang mga kamay sa batok ng binata.
"So it means you missed me damn much huh?"anang binata na hindi kumikilos, hinahayaan lang nito ang dalaga.
Nainis si Mai sa gawi nito para bang siya lang ang apektado sa hindi nila pagkikita.
Pero hindi niya hahayaang masira ang mood niya dahil huling gabing magkakasama sila.
Pinaglaro niya ang mga daliri sa kwintas nito."makukuha din kita"anang isip niya at muling kumilos ang kanyang kamay upang damahin ang matitigas nitong abs.
Nakatitig lang sa mapulang labi niya ang binata.
Hindi niya malaman kung maiinis o matutuwa dito.

BINABASA MO ANG
Mysterious Lover
FantasyIsang model ang isang 25 year old girl na si Mai Lomibao.Minsang naliligo siya sa may waterfalls ng maramdamang di na siya nag iisa. Si Skinner ang binata nilalang naaakit sa dalagang taga lupa. Maraming mga taga lupa ang hindi nais makakita ng isan...