Part 18

97 7 1
                                    

Ilang oras din ang kanilang binyahe upang e dispatsa ang katawan ng dalaga.Pinagtyagaan nilang lakarin ang maliblib na lugar upang walang makakita sa katawan ng dalaga.

Naiinis man si Mr.Wang pero wala siyang magagawa kundi tulungan si Mr.Morgan na itapon sa malayong lugar ang katawan ni Savanah upang hindi siya madawit sa krimen na ito ang may kagagawan.

Buhat nila ang bangkay ng dalaga at binagsak sa basang lupa ng makarating sa liblib na lugar.

Sa hindi kalayuan ay may maririnig na lagaslas ng tubig.

“I think it's better that we can leave now!”ani Mr.Wang.

“Hey relax wala naman makakakita sa atin dito,looked where here in nowhere,no one can see us isa pa patay na ang isang iyan.”anito na sinipa ang katawan nito patungo sa ilog or sa isang batis saka iniwan ang katawan nito at muling bumalik sa kanilang sasakyan na may kalayuan pa.

Pinagtulungan din nilang linisin ang loob ng sasakyan kung saan may dugong pumatak mula sa katawan ni Savanah.Matapos nilang malinisan ang sasakyan ay nagpalit na sila ng kanilang damit at sinunog ang damit na nabahiran ng dugo.

May ilang minuto pa napanghap ang dalagang unti unting nagkakamalay ng madampian ng tubig ang nanunuyong labi pero napangiwi ito sa sakit.

“Tu-tulong…..”mahinang boses ang lumalabas sa kaniyang bibig hindi niya magawang igalaw ang kaniyang katawan.

Kahit hirap na hirap igalaw ang katawan pinilit ni Savanah na gumapang.

Kahit anong hinging tulong niya ay walang makakarinig sa mahina niyang boses at patang pata na katawan.

Dahil sa panghihina ng kaniyang muling nawalan ng malay ang dalaga.

SAMANTALANG nag aayos ng kaniyang mga gamit si Mai ng makita niya ang isang kwentas.

Kinuha niya ito sa kaniyang taguan at muling pinakatitigan.

Ito ang kwentas ng kaniyang Lola Agatha na nag iisang alaalang iniwan sa kaniya bukod sa mga masasayang larawan na kaniya kuha na kasama ang pinaka mamahal na lola.

Isinuot niya sa kaniyang leeg ang kwentas at muling hinawakan ang pendant nito.

Pakiramdam niya kasama niyang muli ang kaniyang Lola Agatha.

Habang inaalala ang masayang sandali ng kaniyang lola Agatha biglang nag ring ang kaniyang mobile phone.

Ang Tita Jean niya ang tumawag at pinagmamadali siyang mag pack ng kaniyang gamit.

May biglaang photoshoot ang grupo nila na na move daw ng mas maaga ang schedule.

One week na trabaho sa Fantasy Island after one week bakasyon nila pakunswelo ng mangement sa biglaang trabaho ng grupo niya.

Dahil madalian kung ano na lang ang nahatak niyang mga damit na dadalhin dahil kalahating oras lang ay darating na ang susundo sa kaniya.

Kahit gusto niyang mag reklamo ay wala na siyang magagawa pa.

Nagmamadali na siyang lumabas ng kaniyang townhouse ng marinig ang busina ng kaniyang sundo pati na ng iba niyang kasamahan na nasa loob na ng van.

NAKATINGIN lang si Skinner sa babaeng nakahiga sa kama.Ito ang babaeng tinulungan ng kaniyang lola Amara na walang malay sa bukana ng lagusan.

Walang malay tao at puno ng pasa ang katawan at nanghihina.Hindi nag dalawang isip ang kaniyang lola Amara na iuwi sa kanilang mansyon ang nilalang na ito na galing sa kabilang mundo.

Ilang araw na ito sa kanila kaya naman bumabalik na ang lakas ng katawan nito.Ngumiti ito sa kaniya pero hindi niya magawang suklian ang mga ngiti nito.

Mysterious LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon