Nagtungo siya ng rest room upang makapag ayos ng sarili.Pagkapasok niya sa loob nanlaki ang mata niya sa nakita.Napasinghap siya at napahawak sa dibdib,ang dalawang nilalang na naghahalikan sa loob ng restroom ay biglang nahinto ng maramdamang may ibang tao sa loob.
Matamang nakatingin sa dalaga si Skinner.Nagmamadali namang umalis ang babaeng kahalikan nito at hinatak ang kamay ng binata pero itinulak nito ang babae palabas ng pinto ng restroom at inilock ang pinto.
Nanlalaki ang mata at hindi makapaniwala si Mai na ang lalaking minamahal pero pilit kinakalimutan ay siyang nasa harap niya.
Iniisip niya kung paanong nakarating ito sa mundo ng tao gayong nasa kaniya ang kwentas nito na siyang dahilan kung bakit ito nakakatawid sa mundo ng mga tao.Sumakit din ang dibdib niya sa eksenang naabutan niya.
Nakasandal sa pintuan habang nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib na pinagmamasdan ang dalaga.
Nasa mukha nito ang hindi makapaniwala na agad binuksan ang dalang bag.Tiningnan ni Mai ang kwentas kung naroroon pa o nawawala.
Inagaw ito sa kamay niya ni Skinner nang hindi niya namalayan na nakalapit na sa kaniya.
"You took it from me,para ano?hindi ako makatawid sa mundo niyo para puntahan ka?Its means you dont love me!
Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin iyong ginawa mo?Hindi mahalaga sa akin ang kwentas na iyan.Ang masakit iyong dahilan niyan kung bakit mo kinuha sa akin!"tiim ang bagang na turan nito sa dalagang hindi magawang makapagsalita.
Hawak pa rin ni Skinner ang kwentas habang tinititigan ito at muling tumaas ang paningin sa mukha ng dalaga.
"I give want you want!Itong kwentas na ito sa iyo na ito,from now on hindi kita pupuntahan o guguluhin pa.Iyon naman ang gusto mo di ba?"binalik nito sa dalaga ang kwentas at tinungo ang pintuan ng restroom.
Muli itong humarap sa dalaga bago buksan ang pintuan.
"One more thing you want know kung bakit ako nandito sa mundo niyo kahit nasa iyo ang kwentas di ba?Because I lied to you,hindi ang kwentas na iyan ang dahilan kung bakit nakakabalik ako sa mundo niyo.
"Dahil iyon sa isang babaeng pakakasalan ko na pinapahanap ng aking Abuela."anito na tuluyang lumabas ng restroom.
Ang kaninang pinipigil na wag maiyak ay tuluyang kumawala.Akala niya hindi siya masasaktan sa ginawa niya,mas masakit pa ang binitawan nitong salita na may babaeng pakakasalan ito kaya nasa mundo ng mga tao ang lalaking iyon.
Tinapik tapik niya ang dibdib na naninikip,ang sakit sa dibdib dahil mahal na mahal na niya ito.Ang tanga tanga niya dahil siya ang dahilan kung bakit ito lumayo sa kaniya.
Akala niya wala ng sasakit sa maling desisyon niya para iwasan ito.Hindi ba dapat maging masaya siya dahil ito na kusang iiwas sa kaniya?
Bakit nasasaktan siya?
Halos magtagal siya sa restroom,inayos niya ang sarili at muling lumabas pero mas masakit pa sa dibdib ang nakikita niyang pakikipag lambingan ni Skinner sa isang sexy na babae,iba ito sa babaeng kahalikan nito sa restroom.
Parang pinipiga ang dibdib niya sa mga nakikita,ang babaeng kahalikan nito ay nakaupo na sa kandungan nito habang nagtatawanan ang mga ito.
Siya ay nasasaktan habang ito ay naman ay masaya sa piling ng iba.
Ilang araw mula ng makita niya pinatunayan nga nitong hindi na guguluhin ang dalaga,walang Skinner na bigla na lang lilitaw kung saan man siya naroroon.
Lalo pang nadagdagan ang sakit sa dibdib niya nang malamang co model niya sa isang project ang binata.
Hindi siya makapag concentrate sa kaniyang trabaho dahil lantaran ang pakikipaglandian ni Liz ang co-model nilang kinaasaran niya,na pinapatulan naman ng binata at mukhang enjoy sa pakikipag flirt.
"Ms.Lomibao are you listening to me?Saang planeta ba naglalakbay iyang isip mo at hindi mo magawa ng maayos ang trabaho mo?"bulyaw ng Boss nila.
Ilang beses na kasi siyang nagkamali mabuti na lang at mabait ang photographer nila,malas lang niya dahil nasa area ang Boss nila na siyang pumupuna sa pagkakamali niya.
"Sorry Boss!"paumanhin niya.Nasulyapan niya pa ang pag ngisi ni Liz sa kaniya habang nakahawak sa braso ng binata.
Pinalampas niya ang mahaderang babae kung wala lang ang boss nila baka inilampaso niya ang mukha nito.
Alam naman niyang hinihigitan siya nito sa lahat ng bagay.Akala mo naman ay kagandahan nakuha lang naman sa patong patong na make over ang bruha.
At kung umasta Primadonna ang bruha kaya naman maraming naiinis dito malakas lang ang kapit nito sa boss nila.
Paanong hindi lalakas sa boss nila bulungan ng mga staff na kinakalantari nito ang boss nila.Wag lang malaman ng asawa nito at may kalalagyan ang bruha.
"Tsskk.....ohh how sad nasermunan ka na naman ni Boss,if I were you mag reresign na lang ako!"pang aasar ni Liz kay Mai.
Tapos na ang shooting nila para sa kanilang commercial at nagliligpit na lang siyang kaniyang gamit ng lapitan ng bruha.
Ang kapal talagang mukha ng babaeng ito na lapitan siya.Lalo pang nadagdagan ang pagkulo ng dugo niya dito nang makita niyang naghahalikan ang mga ito at si Skinner.
"Really?Ang mag resign sa trabaho ko ay hindi kailangang manggaling sa iyo.At sino ka para sundin ko?Para ano?Para sa iyo mapunta sa iyo ang dapat ay sa akin?
Alam naman ng marami na mas magaling pa rin ako sa iyo at lamang na lamang ako sa iyo kaya inggit na inggit ka.Masyado lang talagang makapal ang mukha mo kasing kapal ng make up dyan sa mukha mo kaya ka may project hanggang ngayon."maanghang niyang binitawang salita na lalong nag pagalit sa babaeng kaharap.
"You....bitch!!Itinulak nito si Mai na napaupo sa sahig.
"Akala mo ba palalampasin ko ito?huh you bitch!!"sinipa nito sa tagiliran si Mai at hindi pa nakuntento hinila nito ang mahabang buhok ni Mai.
Napasigaw sa sakit si Mai dahil sa paghila nito sa buhok niya at nakadagan pa ito sa kaniya.Kaya naman lumapit sa kanila ang ibang katrabaho.Tutulungan sana ng isang babae si Mai ng itulak ito ni Liz.
"Sige subukan mong tulungan ang babaeng iyan at ikaw ang malilintikan sa akin at mawalan ka ng trabaho?."banta nito.
"Ang kapal ng mukha mo!At sino ka para bantaan siya ng ganiyan?Pinagmamalaki mo na malakas ka kay Boss kasi kinakalantari mo siya!"sigaw ni Mai na hawak ang brasong sumasakit dahil sa pagtama nito sa semento.
"And so?Isang pitik ko lang kaya ko kayong ipatanggal kay Boss."mayabang na turan nito.
"Ang kapal ng mukha!"bulong ng isang katrabho nila.
"And who the hell are you Miss?As far as I know isa ka lang din sa kanila?Huh ganyan kakapal ang kalyo ng mukha mo?Ganyan kalakas ang hangin mo para sabihin sa kanila ang bagay na iyan.Dahil anong pinagmamalaki mo ang asawa ko?"hindi na nakatiis na singit sa usapan ng mismong asawang boss nila.
Aba Miss natikman mo lang asawa ko kung umasta ka ikaw na ang Manager dito ah.
Hoy malanding higad ka, akala mo ba hindi ko malalaman ginagawa niyo ng asawa ko.
Starting today you're not welcome to my Company,pinagmamalaki mo ba ang asawa ko?Ibibigay ko siya ng libre sa iyo if you want,pero ni isang kusing wala na siyang makukuha sa akin,hindi na siya part ng mga negosyo ko.Isa rin lang siyang katulad mo na pinulot ko,pinakain at binihisan gagaguhin lang pala ako!
Lets see kung mabubusog siya dyan sa pagkain nang nasa pagitan ng mga hita mo kung pareho kayong walang trabaho,at sisiguraduhin ko Miss na walang tatanggap sa iyo!"banta ni Mrs.Ramirez ang asawa ng Boss nila na kinakalantari ni Liz.
Natigilan naman si Liz pulang pula ang mukha nito sa pag kapahiya lalo na at nakapaligid sa kanila ang ibang empleyado at mga co-model nila.
"Buti nga sa iyo,higad ka!"bulong ng isang babae na niyabangan ni Liz.

BINABASA MO ANG
Mysterious Lover
FantasiaIsang model ang isang 25 year old girl na si Mai Lomibao.Minsang naliligo siya sa may waterfalls ng maramdamang di na siya nag iisa. Si Skinner ang binata nilalang naaakit sa dalagang taga lupa. Maraming mga taga lupa ang hindi nais makakita ng isan...