Nagtungo mag isa si Mai sa water falls dahil nakarating na siya nung nakaraang araw sa lugar na iyon kaya malakas ang loob na tinungo niyang mag isa ang lugar.Hindi rin siya nangangamba kahit nag iisa dahil sinigurado ng Management ng Fantasy Island na safe ang lugar at Private property ito.Kahit ilang beses na niyang nakita ang lugar,namamangha pa rin siya.Kumuha siya ng mga picture bago niya naisipang maligo.
Dahil walang tao kaya malakas ang loob na naghubad, at bikini lang ang iniwan sa kaniyang balingkinitang katawan.
Enjoy na enjoy siya sa paglalangoy at hindi pansin na may mga matang nakamasid sa kaniya.
Nasa itaas ng sanga ng puno si Skinner bago pa lang dumating ang dalaga,at pinapanood ang paliligo ng dalaga.Kinuha niya ang phone nitong nakapatong sa hinubad nitong damit sa pamamagitan ng paglutang nito patungo sa kaniya na hindi namamalayan ni Mai.
Kinunan niya ng mga larawan ang dalaga habang naliligo ito.Mga larawang perpekto ang pagkakakuha sa bawat anggulo.
Napahinto si Mai ng maramdamang hindi na siya nag iisa sa lugar na iyon.
Napatili siya ng malakas ng makita ang binata na nasa itaas ng sanga.
"Heus!"anang binata na hindi naman naunawaan ng dalaga.
"Shit bastos ka!Anong ginagawa mo ha.Namboboso ka?Bumaba ka dyan na hinayupak ka!"Galit na sigaw niya sa binatang nasa itaas ng sanga ng puno ng mahogany.Nakatakip ang mga braso ng dalaga sa may kalakihang dibdib nito na walang saplot.
"As you wish!"
Isang talon lang nito na parang ang baba lang ng nilundagan ay nasa harap na niya ang binata.
Napamaang siya sa ginawa nito hindi alintana ang kahubdan.
"How can you do that?"tanong niya dito.Sobrang taas nun para talunin lng nito na parang wala lang.Kahit sino siguradong mapapaigik at malulugmok sa taas pag tinalon ang nasabing sanga.
"Nice view! Mas okay naman pala sa malapitan." anito na sa kaniyang dibdib nakatingin ang binata.
"Bastos!"bigla niyang naitakip ang dalawang braso sa dibdib.Hindi niya kasi namalayan naibaba niya ang mga braso sa nasaksihang pagtalon nito na parang sisiw na sisiw lang.

BINABASA MO ANG
Mysterious Lover
FantasiIsang model ang isang 25 year old girl na si Mai Lomibao.Minsang naliligo siya sa may waterfalls ng maramdamang di na siya nag iisa. Si Skinner ang binata nilalang naaakit sa dalagang taga lupa. Maraming mga taga lupa ang hindi nais makakita ng isan...