CHAPTER TWENTY-ONE

6 2 0
                                    

"This is a good output, Xia."

I flashed a shy smile at my teacher because of her compliment. My effort is worth it. My classmates clapped their hands on me until I reached my seat.

After that, the class continued. Nakikinig lang ako at hinayaan ang iba kong kaklase na sumagot. If walang makakuha ng tamang sagot, saka lang ako magtataas ng kamay. Nakakapagod dahil tatlong magkasunod na subject ang dinaan ko bago ang tanghalian. Pakiramdam ko tuyong-tuyo ang utak ko. Hindi na masanay ang katawan ko. Gutom na ako.

"Goodbye, class."

Sinimulan ko ng mag-ayos ng gamit. Ang dami ko palang nailabas. Kahit mga hindi kailangan ay nailabas ko kanina.

"Goodbye lang talaga ni Ma'am ang pinakamasayang paalam sa lahat eh."

Dire-diretso na akong lumabas sa classroom nang hindi man lang nagpapa-alam sa kanila. Hindi naman ako ang unang lumabas kaya bakit pa ako magpapa-alam? Gutom na kaya ako!

"What's on rush?"

"Blake!" Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla na lang umakbay sa akin si Blake. Parang ano eh. "Gutom na ako kaya i-alis mo 'yang kamay mo na 'yan." He just laugh and continue walking. I let him on what he's doing. I'm too hungry to even care.

"Libre na lang kita." He said, pulling me. Nagpatianod na lang ako since alam kong hindi niya ako titigilan. "Just wait there." Umupo na lang ako sa harapan ni Lola na nakataas lang ang kilay sa amin. Wala pa si Reese na hindi ko naman alam kung nasaan.

"Si Reese?" Tanong ko.

"And'on, bumibili." Simpleng saad niya. Wow, hindi man lang nag-talkshit kay Reese, bago 'yun ah.

"Lola, oh." Napatingin ako sa bagong dating. Si Reese na may malawak na ngiti. I wonder where he'd been because of his smile. "Damihan mo ang kain mo. Payatot ka na, eh."

"Bobo ka." Reese held his chest as if he's hurt of what Lola said but he still laugh. "Hindi ko mauubos 'yan, Reese, wala akong gana." Halata ngang walang gana si Lola dahil pinaglalaruan niya lang ito.

"Sige na. Pilitin mo na. Sayang 'yung pinangbili ko d'yan." Pinilit pa rin ni Reese si Lola kaya wala ng nagawa ang babae kundi kunin ito at sinimulang kainin.

"Here." Napakunot ang noo ko sa dami ng inilapag ni Blake. Hindi naman literal na madami pero hindi naman ata kasya 'yan sa tiyan ko. Gutom ako pero hindi pa naman ako bibitayin. "Kulang pa?"

"Ang dami-dami kaya niyan, paano ko mauubos?" Tanong ko.

"Worry no more dahil nandito na ang anak ni Maximore!" Napatingin ako sa pinanggalingan ng nagsalita. Si Fiona habang malawak na nakangiti. May hawak pa itong porfolio. "Hindi mo maubos ang iyong pagkain? Problem solve! Wala akong baon ngayon."

"Fiona, god!" Kasunod niya si Harry na nakakunot lang ang noo, nai-stress na sa pinaggagawa ni Fiona. "Fion---,"

"Doon ka. 'Wag kang lumapit sa akin." Tinuro niya pa ang bakanteng upuan saka tumabi sa tabi ko kung saan uupo sana si Blake. "Ay, sorry, Blakey-baby, nauna ako. Doon ka na lang sa tabi ni...sino ka nga?" Umirap pa siya kay Harry na noon ay wala ng choice kundi ang maupo sa tinurong upuan ni Fiona. Gan'on din naman si Blake. "So, narinig ko na hindi mo kayang ubusin ang binili sa'yo ni Blakey-baby? Pahingi na lang ako."

"Uh...sure. Ikaw, Lola? Gusto mo 'din?" Parang ang weird ng lamesa kapag hindi nagsasalita si Lola. Umiling lang ito saka muling nag-focus sa pagkain. "Sige..."

"Anyare, 'teh?" Bulong sa akin ni Fiona, malamang ay nagtataka na rin sa inaakto ni Lola. Baka naman may problema lang siya.

"Hindi ko alam. Ganyan ko na siya naabutan eh." I shrugged it off. If she wants us to know of what's going on, she's going to tell it. Maybe it's a personal problem. I don't want to interfere not because I don't care but because I know my boundaries.

HS2: Matchmaker's TragedyWhere stories live. Discover now