CHAPTER EIGHT

8 1 0
                                    

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Pumasok sa loob ng clinic si Blake bitbit ang pagkain binili niya sa canteen. Hindi ko pa daw kasi pwedeng inumin hangga't hindi ako kumakain. Sinabi kong nakakain na ako sa bahay pero pinilit ni Blake na kumain ako para sure. He, being caring is so annoying. He won't listen to you and decide for what he think is good.

"Medyo." Tipid kong ani. Bumangon ako at umupo, nilaylay ang paa sa higaan.

"The teacher informed your parents that you are sick. You need to go home. Your driver will soon arrived." He said. As much as I want to stay, I am shy to bother anyone.

"Yeah. 'Dun na lang ako sa bahay. Bukas na lang ako papasok. Magbibigay na lang ako ng excuse letter. You can attend your class now." I said.

"I don't wanna. That class will kill me. So boring." He said as he get his own chair. "Eat that so you can drink your medicine."

Inilingan ko na lamang ito at kinain ang binili niyang pagkain. Nakatingin lang siya sa akin habang kumakain.

Gusto niya rin ba?

"Gusto mo?" Para naman siyang nagising sa isang malalim na pag-iisip nang magsalita ako. "Kanina ka pa tumutulala d'yan." Tumawa pa ako.

"Wala. May...may iniisip lang." Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain. In fairness, it tastes good. I just don't know the dish but hell, it taste good.

"Si Vina?" Tanong ko. Napaangat naman ang tingin niya sa akin saka mahinang tumawa. "Gusto mo ipaglapit ko ulit kayo?"

"Hmm?"

"Duh! Ako na bahala." Saad ko. Ako nahihirapan sa kanya eh. Minsan lang pa naman magkaroon ng happy crush. I wonder how would he act if he had a girlfriend. Napangisi ako sa naiiisip kong itsura niya.

"I doubt that smirk on your face. It makes me nervous. What are you thinking?"

"Nothing. Just some stupid stuffs of mine." Pagpapalusot ko.

"Care to share?" Pagpipilit niya pa.

"No, of of course. Sino namang tanga ang magsasabi ng katangahan niya? Definitely not me." Saad ko.

"I never know you were this loud." Natatawang saad niya kaya napatigil ako. Bakit nga ba ang ingay ko?

"Sinong hindi iingay kapag ikaw ang kasama? Pambubuwiset mo pa lang, solve na."

And kagaya nga ng sinabi ko, patuloy pa rin siya sa pangungulit. Sinasabayan ko na lang ang energy niya kahit medyo naninibago ako sa sarili ko na maingay. Nagsasalita at nakikipag-usap ako pero hindi ako dumating sa point na makikipagsigawan ako gaya ng ginagawa ko ngayon.

"Umalis ka na nga lang dito. Ginugulo mo lang ako, eh." Reklamo ko sa kanya.

"Ayoko nga. Mas nag-eenjoy ako dito kesa sa lecture ng teacher. I like pestering you so bear with it." Tinawanan niya pa ako.

"Xia, nand'yan na ang sundo mo." Sabay kaming napatingin sa nurse nang pumasok ito. Tumango na lang ako sa kanya. Sabay pa kaming tumayo ni Blake.

"Hatid na kita. Baka mahimatay ka pa d'yan sa daan. Come on." Kinuha niya na ang gamit ko at siya na ang nagbitbit. Hindi na lang ako umalma dahil mauubos lang ang lakas ko sa pakikipaglaban sa kanya. If you can't fight him, let him suffer.

Sinabayan ko siya maglakad. Lahat ng madadaanan naming classroom, tumitingin ang mga estudyante sa amin. Marahil naiinggit ang iba kasi maaga akong pinauwi.

Pagkarating namin sa sasakyan na naghihintay lang sa gate, nagpaalam na ako kay Blake.

"Salamat." Saad ko sa kanya.

HS2: Matchmaker's TragedyWhere stories live. Discover now