CHAPTER TWENTY-THREE

6 1 0
                                    

"Mm, alam niyo na ba ang chika? Syempre, hindi pa kasi wala pa namang chika."

Usual routine, nasa canteen na naman kami nang mapadaan sina Fiona, Hershey at Tiffany. Dalawa lang kami ni Lola na nasa table dahil may pinuntahan pa daw ang dalawa, inutos ng president nila. Naki-upo naman ang tatlo sa amin.

"Nag-iingay ka na naman. Hindi talaga magtigil 'yang bunganga mo." Si Lola habang tamad na kinakain 'yung turon.

"Duh! Ganda ko lang para manahimik." She flipped her hair. "Ano itong nabalitaan ko na may high honor daw dito? Makiki-sana all na ako agad."

"Girl, obvious ba? Edi si Xia na 'yarn." Pinaglaruan pa ni Tiffany ang buhok ko.

"Ha? Wala naman akong nabalitaan." Totoo naman. Hindi pa naman ata nailalabas ang grade? Hindi pa nga sila nag-a-announce na may computation na na nagaganap. "Meron na ba?"

"Charot lang, ikaw naman. Hindi ka pa nasanay? Pretty ako at the same time, funny kaya expect the unexpected dahil kapag may gusto? Nasa Lazada 'yan."

"Saka ka na mag-endorse ng Lazada kapag may pambayad ka na sa mga parcel mo. Papa mo pinagbabayad mo, eh." Tiffany rolled her eyes on her.

"Sus, yaman namin 'no! Do you know? Binigyan ako ni Tita ng ten-million dollars para lang layuan ang anak niya? Kaya tinanggap ko at binili ang anak niya! I am an alpha kid." We laughed at her joke.

"Puro ka talaga katarantaduhan, Fiona. Buti natitiis ka 'nung Harry, 'no?" Lola spoke.

"Anong sabi mo? Natitiris?"

"Natitiis, Fiona. Napagtitiyagaan. Kalmahan mo lang, beh." Hershey chuckled. "Ay nga pala, mga sissy, mauuna na kami. Sabi lang namin sa group mates namin sa magc-cr lang kami pero bumili talaga kami ng palamig."

"Bye, mamsh! Mamimiss ko kayo! Ikaw, Lola, humanda ka at titirisin kita kapag hindi na kita natiis!" Fiona glared at her but the latter just wave her hands, annoying the girl.

"Pakyu, sagad, Fiona!"

"Wala kang karapatang sabihan ako ng pakyu! Si Harry lang! Chos, charot. Let's kill this love~!"

I sighed when they finally left the canteen. Silence filled our table. I didn't bother to talk first. I mean, I had nothing to say in the first place.

"Kumusta kayo ni Blake? Buti nagtagal kayo 'no?" Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Lola nang sabihin niya ang mga salitang 'yon.

"Ayos naman. Kayo ba ni Reese?" Balik na tanong na nakapagpatigil sa kanya sandali pero nadinig ko ang mahinang tawa niya.

"Ayos din naman kami. May konting aberya lang pero hindi naman gano'n kalaki ang epekto." Nagpatuloy lang siya sa pagkain. Mukhang nagmamadali pa. "Siya nga pala, mauuna na ako. Kung dadating dito si Reese tapos tinanong kung nasa'n ako, sabihin mo nasa classroom na. Sige na. Babye!"

Hindi man lang ako nito hinayaang magsalita dahil agad-agad na itong umalis. Tinanaw ko lang siya hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. For the countless time, I sighed.

Mukhang matatagalan pa din sina Blake sa pagbalik kaya sinimulan ko ng kumain. Iti-next ko na lang sa kanya na nauna na kami ni Lola kumain. Sinabi ko rin na pakisabi kay Reese na pinasasabi ni Lola na nasa classroom na siya.

From: Blake
Okay, baby. Take care. Sorry, I can't make it. Andami kasing pinagawa ng president, eh.

Way back to our classroom, I saw Lola. Nasa ilalim lang naman ito ng mangga. Ang sabi niya ay papasok na siya. Nakapikit lang ito habang nakakrus ang mga braso.

Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan niya para lamang makitang natutulog ito. Ano namang ginawa nito kagabi at puyat ata?

Hindi ko na siya ginising dahil mukhang kailangan niya nga ng tulog. Basta ko na lamang ito tinabihan. Marami pa namang oras para magpahinga siya. Nilabas ko na lang muna ang history book ko dahil narinig ko kanina na may quiz mamaya. Ayan na naman sila sa quiz nilang hindi matapos-tapos.

HS2: Matchmaker's TragedyWhere stories live. Discover now