Chapter 3

730 30 51
                                    

Chapter 3
North

"Liah, Liah, hinog ka na ba? Kung oo, oo, pansinin mo na 'ko!"

Mabilis na kumunot ang noo ko nang lapitan ulit ako ng annoying na batang lalake na ito at kantahan. I rolled my eyes on him, inayos ko rin ang pigtails ko bago ko siya iniwan sa cafeteria.

"Sylvia Ameliah, hinog ka na ba? Kung oo, oo, friends na tayo!" he sang again. I can't stop myself from rolling my eyes ulit. So annoying!

Today's my second day here in this school. I'm on my fourth grade, and I just don't get this boy. The last time I checked, I just asked him where room 201 is. He's so papansin! Hindi ko lang masabi kasi I might offend him. Napag-alaman ko rin na Pinoy din pala s'ya. He lives near our village, too, nakasabay ko s'ya sa school bus kanina.

He's a bit chubby with that clean hair cut. Mayroon din siyang makapal na salamin. He looks so rich... and wimp. But not the one who lacks confidence, ha? He has a lot kasi, e. Papansin masyado. F.C!

"Liah, you're so snobbish!" sabi niya nang hindi ko siya pansinin bago humabol sa akin. Argh! Isusumbong ko na 'to kay Daddy— never mind. I don't wanna talk to him.

"Liah, you're so snobbish!" ulit n'ya.

"Mr., you're so papansin and nakakainis! Please, leave me alone!" masungit kong sabi bago ko siya iwan nang tuluyan sa hallway. Tumakbo ako ng super fast para lang makapasok sa room ko.

"Lunch."

Tumaas ang kilay ko nang inilahad ni North ang kaniyang kamay sa aking hararapan. Nakapamewang pa siya na akala mo'y bossing.

Excuse me, but I'm the boss here!

Mula sa pagiging abala ko sa pagwawalis ng sahig ay namewang din ako. "Go get, then," taas kilay kong sabi. I flipped my hair.

"Okay. I'll call Mr. Zeich—"

"Fine! Fine! Ito na! Malditong 'to!" mabilis kong putol sa kaniya. Nakakainis! "Feliciano Havoc!" tawag ko kay Chano.

"Ano?" sigaw niya mula sa ikalawang palapag. Kasama niya si South doon, nag-aayos sila ng gamit sa kwarto yata.

Kalilipat lang ng ibang gamit ko sa pesteng mansyon na ito. Sirang-sira na kaagad ang araw ko dahil kasama ko lang naman sa bahay na ito ang mga taong kinaiinisan ko. Putcha!

Can you believe it? Nagka-anak ako in an instant? What the shit? Nagka-fiance na nga, nagka-anak pa! May imamalas pa ba ang buhay ko?

"Kakain daw itong anak mo!" sigaw ko habang nakatingala sa ikalawang palapag. Mabilis namang sumilip si Chano mula roon.

"Wow! Ako na nga nag-asikaso ng gamit mo! Pagwawalis na nga lang ginagawa mo!" asik niya. Namewang akong at umirap.

"And so? Just do it, Chano!" pamimilit ko. Nilingon ko si North at muling inirapan. "Matuto ka kayang kumuha ng sariling foods? Can't you do that? Go make gawa your own food!" asik ko sa bata.

"You're one of my foster parents," masungit na sagot sa akin ni North. Kumulo na ng tuluyan ang aking dugo dahil doon.

"E, kung kaltukan na kaya kita—"

"Hep! Tara na sa kusina. Ako na magluluto," pigil sa akin ni Chano. Nasa likuran ko na siya at hinigit na ako sa braso.

"Tsk! Huwag mo ngang ini-spoil 'yang mga 'yan!" inis kong sabi kay Chano. Nakahalukipkip kong pinapanood ang pagkain ng dalawang bata sa dining table. Nilingon ako ni Chano at sinamaan ng tingin.

"Maldita ka!" asik niya sa akin. I just shrugged. "Ikaw mag-asikaso sa mga 'to. May pasok ako maya-maya."

Nanlaki ang mata ko nang ibigay niya sa akin ang apron. Sinundan ko siya nang lumabas siya ng kusina. "Anong aalis? Paano ko aasikasuhin ang dalawang 'yon?" humahabol kong tanong.

A Martial's Query (Saint Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon