Hi! Chapter 29 means Liah's last point of view! Sana po ay na-enjoy at minahal nyo sya gaya ng pagmamahal ko sa character nya :) Writing her was one of my greatest pleasure. I hope that her life experiences and choices somehow taught you some lesson. Let's meet sa chapter 30, Chano's POV. Thank you for your patience and ingat!
P.s. I didn't get the chance to proofread this, sorry for the errors.
Chapter 29
Paper RingTahimik at mataimtim kong pinapanood si Konon na nakapikit at nagdarasal. I don't know why but he looks so perfect with his eyes closed and praying. Napa-kapa rin ako bigla sa aking bulsa para masiguradong hindi pa sira ang papel na nasa loob noon.
Oh, God, kayo na bahala. Kapag ito ay palpak, sasabunutan ko talaga si Bianca for giving me this idea!
"Baka naman matunaw na yan," bulong sa akin ni Alisson.
Napalunok ako at muling bumaling sa unahan ng simbahan. Yes, nasa loob ako ng simbahan nila Konon ngayon. Hindi ko alam kung paano ako napapayag ni Ali pero isa lang ang sigurado ako, tama ang naging desisyon ko. I get to see Konon for his last days here in Philippines. He'll also have his despedida party later. Hindi ko na sinabi ito kay Chano dahil sure akong maaawa na naman sa akin iyon.
"Good afternoon po," magalang kong bati sa pastor nila Alisson nang matapos ang service at ngayo'y narito kami sa labas para makipagpaalaman.
"I'm glad that you finally came here, Liah," sagot ng matanda at nginitian pa ako. Bigla syang may nilingon sa aking likuran kaya naman napabaling din ako doon. "Are you sure na hahayaan mong umalis si Konon?" baling nya muli sa akin.
Bahagya pa akong tumitig kay Konon na ngayo'y may batang nakaupo sa balikat habang nakikipaghabulan sa iba. Kasama nya roon si Alisson.
"I tried, Pastor," sagot ko sa pastor at muling nilingon ng isang beses si Konon.
It hurts whenever I see him. He's so gorgeous.
"I'm still praying he stays. The church still needs his assistance here... and I know you too," ani Pastor kaya nagtataka ko syang nilingon. He chuckled. "You have no idea kung ilang beses na nagpa-counsel yan para lang makapag desisyon sya ng tama. I'm pretty sure he's still praying for what's the right thing to do."
"A-ano pong nagpapagulo sa kanya?" usisa ko.
"His love for you," diretsahang sagot ni Pastor. "He's confused if you're just a lesson or you're the one God gave him."
"Ganoon po ba?" napapahiya kong sabi. "I must say I'm just a lesson," dagdag ko pa.
Bahagyang natawa sa akin ang pastor. Magsasalita pa sana sya nang bigla siyang tawagin ng isa sa kasamahan nila. Ako nama'y nanatiling nagmamasid sa paligid. Nang mapagod ay naghanap ako ng pwede kong upuan kung saan tanaw ko ang magpinsan.
Muli kong pinagmasdan si Konon. Ang suot niya na puting longsleeves polo ay may ilang dumi na dahil lupa naman ang pinaglalaruan nila ng mga bata. But still, kahit yata magpawis siya ay mabango at sobrang sarap nya pa rin titigan.
Kung hindi talaga kami, I can say na ayos lang. Ang hindi ayos ay kung never na sya magkaka-girlfriend. I'd be very jealous of her but it's just a waste kung hindi sya magkakaroon. Sayang ang lahi nya. He's the prettiest I've seen.
"You fine there?"
Mula sa pagkakatulala ay bahagya akong nagulat nang may natatawang naupo sa aking tabi. I gulped before facing Konon. Pawis na pawis siya kaya agad kong binigay sa kanya ang aking panyo. I took a deep breath secretly thinking about the crazy stupid plan I have.
BINABASA MO ANG
A Martial's Query (Saint Series #6)
Teen Fiction6/6 of Saint Series. Sylvia Ameliah and Feliciano are engaged for years. Little did Chano know that the 'malditang Liah' is crazy in love with him while he's busy catching feelings with his ex. Too late, Liah have decided to separate ways with him...