Chapter 14
Happier"Liah, this is so easy!" may patutya na sabi sa akin ni Mildred- kaibigan ni Chano dito sa tindahan ng isda sa palengke.
Napapahiya akong tumango at sinunod ang ginawa nya.
I'm currently here in Tita Traise's fish store. May sakit ang anak nya at wala naman si Chano para humalili sa kanya dito kaya nag-volunteer na ako. Tita called me kasi, hindi pala alam na naka-alis na si Chano. It's been two weeks since he left. Everything's smooth naman. Wala lang din talaga akong magawa dahil kasama naman sa training sila Bianca. Ang kambal nama'y hiniram ni Daddy.
"Ouch!" daing ko nang mahiwa ang dulong daliri ko ng kutsilyo na panglinis ng isda.
"Tsk! Bakit kasi pumunta ka pa rito? Hindi ka naman pala marunong!" galit na sabi sa akin ni Mildred at kaagad akong dinaluhan.
Kanila Mildred ang palengke, hindi ko lang gets kung bakit nagtatrabaho pa sya dito. They're rich kaya!
"I just want to help," I shrugged. Napangiti ako nang makitang hinuhugasan niya ang daliri ko sa gripo na katapat namin.
"You just want to help? Paano kapag nakita ka ng ama mo rito? Buong palengke ay madadamay-"
"Chill, Mildred. Nagsabi ako sa daddy ko," pigil ko sa katarayan nya. Inirapan nya ako bago muling bumalik sa ginagawa.
"Kailan ba kasal nyo ni Chano, ha?" biglang lingon ulit sa akin ni Mildred makalipas ang ilang sandali.
"After siguro ng graduation ko? I don't know," I shrugged. "Why?"
Kunot noo akong tinitigan ni Mildred. May nilingon sya sa gilid bago ako muling binalingan. "Wala naman. It's just that... protect your relationship with him at all cost, Liah."
"Yeah," I agreed. "Alam kong mahirap mag maintain ng relationship -"
"Hindi lang yan, Liah," putol sa akin ni Mildred. Hinigit niya ako palapit sakanya kaya nagulat ako. "Chantal's family is rich rich. Ilang beses na yatang pumunta ang magulang non dito."
"Ha? Bakit?" takang-taka kong tanong.
Mukhang uncomfortable si Mildred nang lingunin niya ang paligid. Mas lumapit siya sa akin. "Si Aling Traise ang pinipilit nila na pakiusapan si Chano na bumalik kay Chantal."
"Ha? Bakit? Akala ko ba ayos na si Chantal at Chano-"
"May mental disorder yata si Chantal," bulong ni Mildred. "Grabe daw ang atake noon kapag naiisip daw na break na sila ni Chano."
"And?" usisa ko.
"I'm pretty sure igi-guilty trip ka ng magulang no'n soon. They think you'll give him up-"
"Sorry, wala akong konsensya," bigla kong layo kay Mildred. Nakita kong ngumisi siya at tumango.
"Halata naman," she agreed. Natawa na lang ako at ipinagpatuloy ang trabaho.
Bahagya pa rin naman akong natigilan dahil doon. Hindi ko maiwasang mamroblema dahil sa dami ng taong dapat kong problemahin, tapos... wala pa si Chano.
"Wow!"
Mula sa paglilinis ng isda ay muli akong natigilan nang may marinig akong pamilyar na boses. Kunot noo kong nilingon si Jan at ang grupo nya. Maarte syang naglakad palapit sa aking pwesto habang nakangiti.
"Practicing?" she asked, mocking.
"What do you mean?" tanong ko. Nakita kong lalapitan na dapat ako ni Mildred pero kaagad ko syang inilingan kaya wala syang nagawa.
BINABASA MO ANG
A Martial's Query (Saint Series #6)
Ficção Adolescente6/6 of Saint Series. Sylvia Ameliah and Feliciano are engaged for years. Little did Chano know that the 'malditang Liah' is crazy in love with him while he's busy catching feelings with his ex. Too late, Liah have decided to separate ways with him...