Chapter 26

516 31 35
                                    

Chapter 26
Congratulations

Balisa at tahimik akong pumasok sa conference room kung saan kasama ko ang ilang saint students. Ilang beses ko nang sinubukang tawagan si Liah pero hindi ko magawa dahil palaging nakabantay si Daddy. My company training is on going at talaga namang pinaghihigpitan nya ako. I'm here at Japan.

"May... problema ba?"

Mula sa pagtitig ko sa labas ng building nitong conference room ay binalingan ko si Zoe na syang na-assign na ka-tandem ko para sa leadership training na ito.

"Wala. Wala naman," bahagya akong ngumiti sa kanya at pinilit na magfocus sa nangyayari dito.

Nagpatuloy ang mga araw, isang umaga ay maaga akong pumasok sa aming leadership training dahil wala naman akong pasok sa company ni Dad.

"Chano, hanggang kaylan ka tutunganga dito?"

Mula sa pagkakasubsob sa lamesa ay nagtataka kong tiningnan si Zoe na biglang lumapit sa akin. Nagulat pa ako nang bigla nya akong higitin palabas ng kwartong iyon.

"A-ano bang problema mo?" nagtataka kong hinigit sa kanya ang aking kamay. "Mahiya ka naman, baka isipin ng mga tao dito ay niloloko ko si Liah—"

"Yan pa talaga ang mas iniisip mo?" she cuts me off. Doon na ako nainis.

"Ano bang gusto mo?" naiinis kong tanong. Inayos ko ang aking coat dahil nagulo nya.

"Natawagan mo manlang ba si Liah?" balik nyang tanong. Mas nagtaka ako dahil doon.

"Bakit?" bigla akong napaatras. "If you have plans of ruining her, please, just stop it," dagdag ko at akmang aalis na sana nang muli syang magsalita.

"She was accused with sexual assult," aniya. Mabilis ko syang nilingon. "The news are everywhere. Pinalabas ni Jan na minolestya sya ni Liah. Lumabas din ang balita na... ampon sya."

"Now, tell me, tutunganga ka pa rin ba dyan?" galit na hinigit ako sa kwelyo ni Zoe bagong galit na binitawan.

Aaminin ko, mali at sobrang kupad ko sa sitwasyon kung saan laging involved si Liah. Madalas ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin dahil pakiramdam ko ay isa syang babasaging bagay na isang maling kilos ko lang ay masisira ko sya.

But playing safe was so wrong all along. Seeing her beg just to have me let her go was the most painful one for me.

"Let me go, Chano..." bulong niya sa akin sa gitna ng malamig na ulan.  "You have so many responsibilities. You have so bright future without me," dagdag pa nya. Nasasaktan akong makita na sirang-sira sya.

"You told me I have three queries, right? Can I ask you now? Chano, will you please let me go now?" aniya pa. Kulang na lang ay lumuhod sa aking harapan.

Wala na bang isasakit ito?

"Chano, pakawalan mo na ako..."

Umalis si Liah ng bahay nang oras na yon. Gabing-gabi, parang ibang tao. Tao na sirang-sira ang pagkatao. Ni hindi ko sya mabasa nang gabing iyon. Wala syang sinasabi pero ramdam na ramdam ko ang sakit.

Hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang lahat ng iyon. Pero isa lang ang sigurado ko, hindi ako makakausad kung walang Zoe na nanatili sa tabi ko despite my brokeness. Hindi naman pwedeng magsumbong pa ako sa mga kaibigan ko kasi lahat kami'y mga problema.

"Ayos lang yan," sabi ni Zoe at tinapik tapik ang aking likuran habang lumalaklak na naman ako ng panibagong alak. "Iinom mo lahat, tapos iyak ka nalang ulit paggising mo," dagdag nya bago tumawa. It was the first year na walang paramdam si Liah.

Days and months has passed. Lumayo ako sa pamilya ko kasama ang dalawang bata. Ako ang nagtaguyod sa kanila mag-isa.

"Ewan ko kung kaya mo 'to, ha?" nag-aalangang sabi ni Zoe nang bigyan nya ako ng folder. Trabaho iyon. "Kaya mo naman siguro maging tubero, ano?"

A Martial's Query (Saint Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon