Chapter 23

559 34 6
                                    

Chapter 23
Hurt like this

"I've heard from Ali that your feet hurt?"

Mula sa pagkakasubsob ko sa lamesa ay tiningala ko si Konon na ngayo'y nasa harapan ko. Narito ako sa office niya sa ospital dahil naisipan kong dalawin siya. Hindi ko naman alam na may operation pala sya. It's passed one in the morning.

"Ah, hindi. Ayos lang naman," nahihiya kong sagot.

Nakakahiya talaga dahil abala na nga ako tapos aalalahanin pa niya ang paa ko.

"Let me see?" aniya bago lumuhod sa aking harapan. Hinigit pa niya ang sleeves ng kaniyang lab gown dahil humaharang ito sa kaniyang kamay. "I bet you overworked today," he chuckled a bit. Ngayo'y marahan nang nakahawak sa aking paa. Pakiramdam ko'y bahagya pa akong nakuryente noon.

"May... sugat ka sa braso, Konon," puna ko nang mapansin ang tila talsik ng mantika sa kaniyang kamay. Natawa siya dahil doon.

"I cooked something for you. Natalsikan lang ng kaunting mantika kanina," sagot nya bago tumayo at umalis. Mabilis naman siyang bumalik at may dala nang maliit na icebag. Muli siyang lumuhod sa aking harapan at dinampian na ng yelo ang aking paa.

"You're still babying me," angal ko. He looked at me and smiled.

"Not really," sagot niya at tumayo na. "Just a hobby."

"Mukha mo, Konon," I snorted. "By the way, anong niluto mo? Last na nakakain yata ako ng luto mo ay nung tinuruan mo ako magluto ng lasagna para kay Chano," puna ko pa. Sinundan ko siya ng tingin dahil bahagya siyang natigilan.

"I saw your IG story last night. You're craving for fried chicken, right? I also made a siomai," aniya at kinuha ang paperbag sa ilalim ng lamesa.

"Umasa ako kagabi na ipagluluto mo ako dahil sa post ko, Doc," biro ko at tinulungan siya sa paghahain. Natawa siya sa aking sinabi at ginulo pa ang aking buhok.

Nang matapos ang paghahain ay bahagya akong umisod pagilid ng couch para may maupuan si Konon. Ngumiti naman siya at naupo nga.

"Mukhang kang pagod na pagod, ah," puna ko nang mag-unat siya at humikab pa.

"I was at taping kasi mula kaninang umaga till four, then I cooked these and went straight here for the operation," sagot nya, pilit na iminumulat ang mata para maituloy ang pagkain.

"Pwede namang wag mo na ako ipagluto, e," I sighed. Kumuha ako ng baso sa aking harapan para ipagsalin siya ng tubig. "Kumusta naman pala kayo ng girlfriend mo?" pag-iiba ko ng usapan. Bahagya pa siyang naubo dahil doon.

"Last time I checked, I'm single," nalilito niyang sabi. Ngumisi ako bago nagpatuloy sa pagkain.

"Yung Tali, di ba girlfriend mo raw sya?" nilingon ko siya saglit. Kaagad akong umiwas nang makitang natatawa sya. "It's not funny, though," bulong ko sa aking sarili. Nang sikuhin nya ako ay hindi ko na rin napigilan ang pagtawa.

"Stop doing that," saway niya sa akin kaya tumango nalang ako.

It's actually okay for me if he chooses to have a girlfriend now. He's not getting any younger. Saka... he can pull any girls he wants naman. He's every woman's standard, ayon sa aking pagkakarinig sa karamihan.

That's okay naman. I'll be happy if he do that. Yeah.

Nang gabing iyon ay sinamahan ko pa nang mas matagal si Konon sa kaniyang office. Napag-alam ko kasing may operation pa siya sa mga susunod na oras kaya binantayan ko na lang siya sa kaniyang pagtulog kasama ang alarm niya.

I don't know how long it has been since I got back here in the Philippines. Pakiramdam ko'y walang nagbabago at progress ang pag-uwi ko. I feel like I have to do something to make a change. Para malaman kung ano ba talaga ang kahahantungan ng lahat.

A Martial's Query (Saint Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon