Chapter 18

561 39 9
                                    

Chapter 18
Space

"Hey..."

Mula sa paglilipit ko ng ilang libro na pinirmahan ko ay nag-angat ako ng tingin. Bahagya akong napanguso nang makita ko si Konon. He's wearing his plain white shirt and khaki pants. Ang buhok niyang blonde na blonde ay kulay itim na ngayon. Maikli na rin iyon at talagang nakakapanibagong tingnan.

"That suits you," I said honestly. Sinenyasan ko ang aking assistant na kuhanin na ang mga libro na napirmahan ko. Nagpatuloy ako sa pagpirma.

"Thank you, then," ani Konon at di na napigilang ngumiti.

Kasalukuyan kaming nasa studio kung saan pinipirmahan ang mga libro na ishi-ship na sa mga susunod na linggo. Kasisimula ko lang dahil galing pa ako sa site. And yes, isa na akong architect at published author makalipas ang ilang taon na paghihirap at pagsubok ko. Ilang stories ko na rin ang naisabuhay, ilan na rin doon ay si Konon ang gumanap. Patok na patok iyon sa Pinas, not because I wrote the story but because he's Konon Dior. I've been here for five years already, maganda ang usad ng career ko at talagang nakikilala na ako. Mas pinili ko na nga lang ngayon na makilala nalang ako bilang isang manunulat. I'm in love with my private life now.

"I'm on a break pa, e," aniya in a very conyo voice. Ngumisi ako at tumango. Sinara ko ang libro na napirmahan ko bago kumuha ng bago.

Tinuloy ko ang aking ginagawa habang si Konon nama'y nanatili sa aking harapan. Sinulyapan ko siya saglit at napailing na lang nang makitang abala siya sa papel na hawak nya. Para siyang bata ngayon na naglalaro ng papel.

"I like shiny things, but I'd marry you with paper rings..." kanta niya makalipas ang ilang minuto. Muli ko syang nilingon dahil doon. Nakita kong nakanguso siya habang may hawak ngayong... paper ring. Titig na titig siya roon habang nilalaro iyon. He's even pouting.

"By the way, I'll be going now," bumuntong hininga siya makalipas ang ilang minuto na pagtambay sa aking harapan. Binitawan nya ang kanyang laruan. "You have free times?" tanong pa nya at nag-unat ng kamay.

"Weekend," sagot ko. Nilipat ko ang libro at pumirma sa bagong libro. Kumunot na ang noo ko dahil para talaga syang good mood ngayon. "What's your problem, Konon Pesigan?" usisa ko. Natawa siya sa tanong ko bago umiling.

"Nah," sagot nya. Umatras na sya papunta sa pinto. "What place you want to visit on your free time? A place where you can have peace of mind," dagdag nyang tanong bago nag-umpisang lumabas sa pinto. Napaisip naman ako dahil doon.

"In a place we can't even pronounce," hamon kong sagot. Natigilan siya at tila nag-isip din. He shook his head with a smile bago tumango.

"Something we can't even pronounce," pagkausap nya sa sarili bago tumatangong umalis.

Natatawa ko na lang syang sinundan hanggang mawala sa aking paningin bago ako tumingin sa paper ring na ginawa nya. Hinayaan ko iyon  sa aking harapan at nagpatuloy sa ginagawa.

Alas sais ng gabi nang matapos ako sa aking trabaho kaya naman umuwi na rin kaagad ako. Hindi ako sasamahan ni Konon sa pag-uwi dahil may duty pa iyon sa ospital mamayang alas nueve hanggang alas dose yata ng tanghali bukas. May usapan din kasi kami ni... Drake na kakain kami mamaya. Sabi nya kanina ay nasa bahay na sya at hinihintay ako. Yes, he found me. Nitong nakaraang linggo lang. Hindi ko alam kung anong budol ang ginawa noon pero sigurado akong nahanap nya ako dahil kay Beau.

Nang makarating ako sa bahay ay naabutan ko ang aking kapatid na nakahilata sa aking couch habang nanonood ng TV. Saglit nya akong nilingon kaya naman naiilang akong tumango.

"Magbibihis lang ako," sabi ko. Tumango siya at hinayaan ako.

"Sikat na sikat talaga 'tong isang 'to," usal ni Drake nang makalabas ako ng kwarto. Nilingon ko ang tinutukoy nya sa TV. Tumango ako at dumiretso sa kusina. "Lahat yata ng babae ay gustong nali-link sa kaniya pero parang may nag-iisa syang pinoprotektahan ang image," he added.

A Martial's Query (Saint Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon