Chapter 28

562 30 5
                                    

"Oy, Doc! Hi!"

Masaya kong bati kay Konon nang makita namin sya ni Liah. Nang mapansin kong napatingin sya sa kamay namin ni Liah ay gusto kong sapakin ang sarili ko sa mga oras na yon.

Tanga ko talaga!

"Been a long time, Attorney, Liah," bati nya sa amin. Casual lang iyon pero kitang-kita kung paano sya nasaktan. Tsk!

"How's life?" tanong pa nya. Hindi nya nililingon si Liah, marahil ay naiilang.

"Ah, ayos lang naman, Doc. Ikaw ba?" sagot ko dahil natahimik na rin naman si Liah.

"I'm... fine," ngumiti si Konon sa amin. "Uh, sige na, guys. Enjoy shopping, I'll get going na. Baka iwan ako ng mga kasama ko, e,"

Hala, jusko, tangina! Kasalanan ko ito! Aalis na tuloy.

Nagkatinginan kami ni Liah dahil doon. Nanlaki parehas ang mata namin, at dahil sa pagkataranta ko'y mabilis kong tinulak si Liah para sumunod kay Konon.

"Konon, sandali!" tawag ni Liah sa kanya.

Nag-usap ang dalawa habang ako nama'y tahimik silang pinapanood. Ngayon pa lang ay gusto ko nang yakapin si Liah dahil mukhang sumuko na talaga si Konon. Kahit anong lambing ng boses ni Liah ay tila walang epekto iyon sa kanya. Gusto ko mang makisali ay pinigilan ko.

Isa lang ang nasisiguro ko. Liah's never been like this to me. Oo, ipinaglaban at prinotektahan nya ako, pero hindi ganto yung pakiramdam. Kung panonoorin ang body language nya ay talagang gustong-gusto nyang hawakan at hagkan si Konon. Kung tumingin sya rito ay tila isa syang babasagin na bagay. Ganyan si Konon kanina nang una syang makita, e. Mukhang kinokontrol ang emosyon ngayon. Kung ako ay magpapaka-honest, hindi ko maiwasang mainggit. They love each other truly.

"Liah, when I told you that I'm letting you go, I was serious about it. I will always be serious of what I'm telling you. Remember that," sabi ni Konon kay Liah. He then held her shoulders.

I feel so sorry for Liah. Kitang-kita talaga na nasasaktan sya ngayon kahit hindi umiiyak. It's just that, she really admired the man so bad.

"Can't I really have you back, Konon? Is this really the end?" Liah asked with a cracked voice.

I can't help but be in pain too. Never pumasok sa isipan ko na magmamakaawa sya na piliin at balikan. And I never saw two people this sincere my entire life.

"You will be very happy. I'm sure of it."

Nang tuluyang nawala si Konon ay doon na parang bata na naupo sa sahig si Liah at umiyak nang umiyak. Wala syang pake kahit pinagtitingnan na sya ng mga tao.

"It hurts so bad, Chano," she sobbed.

"Hali ka na. Sa bahay ka na umiyak," sabi ko na lang at hinigit na sya patayo. Natawa sya dahil sa sinabi ko at pinalo pa ako sa braso. "Aray! Inaano ka?"

"Ewan ko sayo! Panira ka talaga ng drama moment ko lagi!" aniya at inakbayan na ako paalis sa lugar na yon.

For the next days ay tinulungan ako ni Liah na maghanda para sa proposal ko para kay Zoe. Alam kong nakakailang at mukhang tanga ito para sa iba pero wala naman kaming ilangan ni Liah. I also helped her preparing for her book signing kasama ang ilang kaibigan namin. Alam naman naming lahat na talagang hindi sya ayos, lalo na't kababalita lang kanina kumpirmado na ang pag-alis ni Konon sa susunod na linggo.

"Anong plano natin?" pabulong kong tanong sa lima nang saglit kong iwan si Liah kina Bianca. Kasalukuyan kaming nasa bahay nya para sa pag-aayos ng mga kailangan nya sa book signing.

"Saan?" tanong ni Rom habang nagpapalobo ng lobo.

"Paalis na si Konon! Anong gagawin natin?" pag-uulit ko pa. Nagkatinginan ang lima at nagsikuhan pa.

A Martial's Query (Saint Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon