Chapter 1
Date"Pumasok na raw po ang lahat dahil magsisimula na ang dinner," sabi ng katulong ng mga Lim nang saglit kaming magkapatid na naupo sa veranda.
Nagkatinginan kami ng kapatid kong si Bella. Nginisian ko siya at confident akong umuna papasok sa mansyon ng mga Lim. Why am I confident? Dahil mas matanda sa akin si Bella, mataas ang tyansa na sa kaniya ipakasal ang nag-iisang apo ng mga Lim.
We don't get to meet him, yet, but please, not me. Wala sa utak ko ang pag-aasawa.
"Welcome! Welcome!" masayang bati ng matandang Lim. Natigilan ako nang makita ko nang malapitan ang kaniyang mukha.
Kumunot ang aking noo at nanatili ang titig sa kaniya. Natauhan na lang ako nang sikuhin ako ni Serpent, ang pinakabata naming kapatid.
"May problema ba, Sylvia Ameliah?" the Don asked with a smile. Napapahiya akong umiling.
"Wala po... Wala po," sunod-sunod kong sabi. Saglit pa akong tinitigan ng matanda bago siya tumawa at tumango.
"Binet, ang senyorito ba'y nariyan na?" baling ng matanda sa katulong.
"Nako, Don, wala pa ho. Ang sabi'y may trabaho pa raw na tinatapos."
Nang mawala ang atensyon sa amin ng matanda ay hinigit na ako ni Serpent papunta sa dining hall. Hindi ko alam na naiwan na pala ako ni Bella.
Pero bakit ganoon? Matanda na siguro ang nag-iisang apo ng mga Lim kaya nagtatrabaho na.
"Saan kayo galing?" tanong ni Kuya Sentinel nang makaupo ako sa kaniyang tabi. Panganay.
I smiled at him. "Natigilan lang ako sa sala. Pamilyar ang Don," bulong ko. Nakita ko na bahagya siyang natawa.
"He's well-known. Pamilyar talaga," aniya at nginitian ako. Bumaling na ibang bisita na kumakausap sa kaniya. Karamihan ay kababaihan.
Bakit nga ba kami narito? Well, tonight's the night. Ngayon daw iaanunsyo sa lahat ang pakakasalan ng senyorito nila. Eww. Anyways, kampante ako dahil si Anabella ang mas matanda sa akin. Sure akong siya ang napiling ipakasal ni Daddy.
I don't get this setup, to be honest. This is a family's tradition already. Si Kuya Sentinel ay ikakasal na ngayong taon sa babaeng itinakda lang din sa kaniya. Bella's next.
It's not a Zeich thing. Thao si Mommy, pamilya niya ang mahilig sa ganito. Puro kalandian, kababata pa ay mga ipinapakasal na. So much hate!
"Magkaka-papa de asukal ka na," bulong ko kay Bella. Sinamaan lang niya ako ng tingin at nanatiling tahimik, halatang kinakabahan.
Ilang saglit pa kaming nagkwentuhan na magkakapatid, walang ginawa si Kuya kun'di sawayin kami, wala rin namang magawa para patigilin kami kaya hinayaan na lang. Nagsimula na rin ang dinner, wala pa rin ang apo ng Lim kaya puro kwentuhan lang ang lahat. Sila Mommy ay nasa tabi ng Don kasama ang isa pang babae na maedad na rin. Ubod ng ganda.
"Parang mannequin sa ganda itong si Liah, ano?"
Natigilan ako sa pagtawa sa sinabi ni Serpent nang marinig ko ang sinabi ng matandang babae. Ang ilan ay talagang lantaran na nilingon ako kaya napilitan akong manahimik para hindi mapansin pa.
"No wonder siya ang napili ng Don na ipakasal sa minamahal na apo," rinig kong sabi pa ng isa. Mas ikinatigil ko iyon, para akong nagliyab bigla sa galit dahil doon.
What the heck?! Mukha bang papayag akong magpakasal sa matanda?
Akma akong tatayo at magpoprotesta nang magsalita ang matandang Lim. "May apo is here, everyone!" he announced.
BINABASA MO ANG
A Martial's Query (Saint Series #6)
Ficção Adolescente6/6 of Saint Series. Sylvia Ameliah and Feliciano are engaged for years. Little did Chano know that the 'malditang Liah' is crazy in love with him while he's busy catching feelings with his ex. Too late, Liah have decided to separate ways with him...