Dear d,
Akala ko talaga nawala na kita buti nalang nahanap kita kaagad, kasi diko ko alam ang gagawin ko pag nawala ka, for sure mamimiss mo ako at isa pa sino nalang yung sasabihin ko sa lahat ng drama ko sa buhay. Sa totoo lang D di ko alam ko paano haharapin si Lyoide at kung paano ko to tataposin natatakot ako sa reaksyon niya, natatakot ako sa ano mang pwedeng mangyari. Ilang araw ko na siyang iniiwasan at hindi kinakausap ang hirap pala pag ganito D. Bigyan mo naman ako ng sign oh! Di ko na kasi alam ang gagawin ko.
*BEEP BEEP.
Punta ka sa may park, maghihintay ako -My love bakulaw
Siguro ito na yung tamang panahon at oras para tapusin lahat ng namamagitan sa amin kasi pag pinapatagal ko pa to mas lalong hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Habang papunta ako sa Park may mga matang nakasunod sa akin tila ba sinubay-bayan lahat ng mga kinikilos ko, puro nalang pangamba ang nasa isip ko, natatakot ako, simula kasi nung nangayari hindi na ako tinantanan ng mga tao ng daddy ni Cloe may nag text-text at tatawag sa akin na unknown number tapos tinatakot ako, takot na takot ako hindi para sa sarili ko kundi para sa kanila/ kanya
Subrang lamig ng hangin walang masyadong bituin sa langit siguro uulan ngayon. Habang papalapit ako ng papalapit sa park, unti- unti naman akong nadudurog . Ito na ba yun? Pwede bang mag backout?.... lumingon llingon ako sa paligid asan ba kasi yung bakulaw na yon? magtetext na sana ako ng biglang nagliwanag ang buong paligid, namangha ako sa ganda ng mga lights ani moy mga pusong kumikislap at nakita ko si Lyoide subrang lapad ng mga ngiti niya. Makikita ko pa ba yang mga ngiti na yan? Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng napakahigpit, kung ito na ang huling yakap ko sa kanya bakit hindi ko na sulitin diba.nakita ko sagilid ng mga mata ko ang mga tao ng daddy ni Cloe nagmamasid sa lahat ng mga kilos ko. Kahit ngayon lang pagbigyan lang nila ako.
"Ang higpit ng yakap natin ngayon ah, ganito mo ba ako na miss ah?"
Gusto kung sabihin sa kanyang Oo kasi ito na yung huling beses na mayayakap ko siya ng ganito kahigpit.
"Bakit ang tahimik mo..kinikilig kaba? Wag ka ng mahiya ako lang to ang nag- iisang lalaking mahal mo at mahal na mahal ka "
Ang saya talaga niya sana palagi nalang siyang ganito kasaya pero sasaya pa kaya siya sa gagawin ko ngayon. Dahan dahan akong kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya tinitigan ko siya na para bang wala ng bukas.
Subrang mamiss kita Lyoide
"Grabe naman yang kilig mo nay an par.."
"Lyoide tigilan na natin to"
Walang emosyon kung pagkakasabi, ayaw kung ipakita sa kanya na nasasaktan ako na nahihirap ako.
"Nagbibiro ka ba? HAHAHA nakakatawa yun promise kani-kanilang ang higpit ng yakap mo sa ak.."
Kita ko sa mga mata niya ang takot at sakit.
"Hindi ako nagbibiro Lyoide, seryoso ako, tigilan na natin to, hindi na ako masaya"
"Anong dahilan ha? dahil ba kay Cloe? Dahil sa lintek na engagement na yun , yun ba? God! Anil pwede ko naman yung pigilan para sayo, may pinaprocess pa ako para hindi matuloy yun, please naman ouh wag mo akong sukuan, diba nangako tayo sa isat-isa na walang sukuan please naman ouh samahan mo naman akong ipaglaban to"
Kitang kita at nababasa ko sa mga mata niya ang lungkot at sakit pero nandito na ako, nasimulan ko na tatapusin ko na ngayon, kahit ang sakit sakit makitang yung taong mahal mo nasasaktan dahil sayo.
"Oo, pinaglaban naman natin diba? Sinubukan ko naman diba? Pero Lyoide napapagod din ako, kaya tigilan na natin to, tanggapin nalang natin na hindi tayo para sa isat-isa."
"Bakit ang dali para sayo na iwanan ako, bakit ang dali para sayo nasabihin yan ha?"
Kita ko na ang galit sa lungkot sa mga mata niya gusto kung bawiin lahat ng sinabi ko. Kung panaginip man to sana magising na ako pero hindi eh, kasi ramdam ko yung sakit at kirut sa puso ko. Hindi siya nagsalita matapos nun nanatili lang siyang nakatayo sa kinalalagyan niya. Siguro naman nasabi ko na ang dapat kung sabihin. Sana naman lalayoan na niya ako. Paalis na sana ako ng maramdaman ko yung pagyakap niya sa likod ko, sinubukan kung kumalas pero ang higpit higpit ng mga yakap niya.
"Please mo akong iwan, hindi ko kaya mahal na mahal kita."
Mahal din kita kaya ko to ginagawa.
"Lyoide tama na please wag mo na akong pahirapan ng ganito, hindi pa ba malinaw sayo di na kita mahal? at kung mahal mo talaga ako palayain mo na ako"
Nakatalikod parin ako habang sinasabi yung mga katagang yun. Yakap- yakap parin niya ako sa likuran. Naramdaman ko yung mga luha niya don.
Ngayon mo sabihing hindi mo na ako mahal!
Bigla niya akong pinaharap sa kanya, yumuko ako di ko kayang makita niya na nasasaktan ako Bakit mo ba ako pinapahirap ng ganito Lyoide.pero sige kung ito lang ang solusyon para layuan mo na ako gagawin ko kahit ikawawasak ng puso mo at puso ko.
"Hindi na kita mahal Lyoide"
Hindi ko magawang tumingin sa kanya nanatili lang akong nakayuko.
"Bakit di ka makatingin sa mga mata ko ha? sabihin mo sa mga mata ko ng diretso!"
Galit ba siya? sabagay may Karapatan naman siyang magalit sinaktan ko naman kasi yung damdamin niya, kahit pa kamuhian niya pa ako ayos lang basta wag lang siyang mapahamak.
Tinatagan ko yung loob ko, tumitig ako sa mga mata niya sabay sabing.
"Hindi na kita mahal Lyoide, siguro naman malinaw na lahat sayo yun."
Kita kung paglandas ng mga luha niya, gusto ko yung punasan pero hindi ko pwedeng gawin yun Ang hirap makitang nasasaktan ang taong mahal mo na ikaw din ang dahilan bakit nasasaktan siya.
"Ito ba yung makapagsasaya sayo?"
Tumango ako ng dahan dahan, subrang sakit. Pwede ko na bang bawiin lahat ng sinabi ko?....
"Sige kung diyan ka sasaya papalayain na kita"
Pagkatapos niyang sabihin yun tumalikod na siya ramdam ko yung mga hakbang niya papalayo pero lumingon siya sa akin at niyakap ako sa puntong to di ko na napigilan ang paglandas ng luha ko.
"Take care of yourself , mahal na mahal kita thank you for the memories Goodbye my love."
Hinalikan niya ako sa noo tyaka siya humakbang palayo, palayo sa akin
hanggang sa di ko na siya makita pa..
Is it the end of us?
BINABASA MO ANG
Ang Diary ng babaeng shunga
JugendliteraturSi Anilia Fae Mendoza ang babaeng shunga pero maganda ang may ari ng diary na puro ka shungahan lang ang nakasulat. Pano niya isusulat ang mangyayari sa buhay niya kong ang tahimik niyang mundo ay unti unting maging magulo.