Dear d,
Ang bigat bigat ng katawan ko parang lalagnatin yata ako.. Kaya nag text ako sa mahal na prinsipe na hindi na muna ako papasok..
Nag reply D
ang bilis ah..
Parang alam talaga niya.(wag mo akong lukuhin babae, pumasok ka or else alam mo na yong bagsak mo )
-lyoidegrabe naman yong lalaking yon D tinakot pa ako.. Bahala na nga mawawala din naman siguro to D nuh?
D bye na muna
Continuation...
Bakit nasa kwarto na ulit ako D?
Ang naalala ko pumasok pa ako at pagkatapos ng klase ko, nag text ang mahal na prinsipe na pumunta daw ako ng basketball gym,ang naalala ko inis na inis akong pumunta don tapos
pinag bibit niya ako ng bag niya tapos
inutusan niya akong manuod ng practice niya, nagpasalamat nga ako sa loob loob ko dahil sa wakas naka upo din ako at makapaghinga, dahil parang nahihilo na talaga ako non D,ng biglang sumulpot sa harap ko yong tatlo kong mahaharot na classmates naaalala mo pa D? Ay basta yong tatlong nag sabunutan dahil kay loiyde remember? basta I assume na naaalala mo na D..
Yon nga bigla silang sumulpot sa harap ko tapos gusto nilang layoan ko daw yong lyoide nila.. 'kung pwede lang ginawa ko na',yan ang gusto kong sabihin sa tatlo kong mahaharot na classmates pero anong magagawa ko dapat kong sundin yong lyoide na yon, kung hindi mapapaalis ako sa school na to,may sinabi pa sila pero di ko na masyadong narinig kasi sa mga time na yon halos matumba na ako... ng bigla ko nalang naramdamang sinabunutan na ako nong tatlo...
Hilong hilo na ako non, ang bigat bigat ng katawan ko di ako makalaban gustohin ko man wala akong sapat na lakas... Ang huli kong naalala may sumigaw na lalaki at don na ako nawalan ng malay..At ngayon nagiisip ako kong sino yong nag magandang loob na tulungan akong makauwi sa amin..
Ng biglang pumasok si mama sa kwarto..
"nak, okey ka na ba? "
-mama"mas umayos na po yong
pakiramdam ko,siya nga pala ma sinong nag uwi sa akin dito?"
-ako"yong gwapong lalaki matangkad anak boyfriend mo raw, ikaw nak ha may boyfriend ka na pala di ka naman nagsabi sa amin ng papse mo, di naman kami magagalit eh,natutuwa nga kami dahil may nag-aalaga na sayo.. At tyaka ang galing pumili ng anak ko,dalagang dalaga na talaga"
ang haba ng litanya ni mama D halos hingalin na ako kakasulat.
At sinong sinasabi niyang boyfriend ko daw?"anong boyfriend
pinagsasabi mo
diyan ma? wala akong boyfriend"
-ako"sos nahiya ka pa anak, siya nga pala yong boyfriend mo inalagaan ka niya 24/7,mahal na mahal ka talaga ng boyfriend mo anak,kasi makikita mo talaga sa mga mata niya na alalang alala siya sayo at nandon pala siya sa baba nag bobonding kasama yong papa mo"
Ang haba na naman ng speech ni mama hingal na hingal na naman ako D,sino ba kasi yong taong yon na nagpakalat ng fake news,makababa nga dahil kong sino man yon bibigwasan ko at itatapon ko yong katawan niya sa ilog pasig.
Grrr...D bye na muna
Baba na ako
See you next page muah 😘-may sakit ako pero
maganda parin
BINABASA MO ANG
Ang Diary ng babaeng shunga
Teen FictionSi Anilia Fae Mendoza ang babaeng shunga pero maganda ang may ari ng diary na puro ka shungahan lang ang nakasulat. Pano niya isusulat ang mangyayari sa buhay niya kong ang tahimik niyang mundo ay unti unting maging magulo.