Dear D,
Ano kaya ang magandang iiregalo ko kay Lyoide sa birthday niya? halos na search ko na yata kay Mr. google lahat ng maisipin ko wala parin talaga akong ideya, gusto ko kasi yung regalo na ibibigay ko sa kanya ay yung pinaghirapan ko talaga at yung tipong hinding hindi niya makakalimutan yung ganon D... kaso ano naman yun? tatanungin ko nalang kaya si Aya kaso wag nalang pala ang daldal pa naman nun, baka magsumbong yun sa kambal niya pagnalamang may regalo ako sa kambal niya hindi na naman ako titigilan nun.
Continuation....
(LYOIDE DAY)
Sana talaga magustohan to ni Lyoide aba hating gabi na ko na to natapos naging panda na nga yung mga mata ko eh, buti nalang talaga ang galing ng magical hand ni bakla at natakpan niya ang mala.panda kung mata.
Nandito na pala kami sa labas ng bahay nila Lyoide o should I say mansion? hindi to first time na nakapasok ako dito pero manghang mangha parin ako sa ganda. Hindi pala ako sinundo ni Lyoide sa amin kasi I insist na kaya ko nang pumunta at isa pa kasama ko naman si baklita at alam ko ring busy siya sa pag asikaso ng mga bisita.
pagpasok namin agad kaming sinalubong ni Aya at kent, subrang ganda at ang bongang bonga ng birthday celebration ng isang Lyoide Vincent Montelijo parang sa nakikita mo sa mga movies, may malaking cake sa gitna mas malaki pa nga yun sa akin eh, tapos ang daming pagkain, tapos may mga lights at ang daming tao hindi lang simpleng mamamayan lang kundi mga mayayamang tao. Sabi nga ni Aya mga kabusiness partner daw ng mommy at daddy nila, hanggang ngayon hindi ko pa nakikilala ang mga magulang nila Lyoide, magugustohan kaya nila ako? o ayaw nila ako para sa kanilang anak, mabait kaya sila? ang dami ko natuloy na iisip kinabahan tuloy ako sa naiisip ko.
Pero nasaan kaya yung lalaking yun, busy pa siguro yun sa mga bisita mamaya ko nalang to ibibigay sa kanya.
"Si kambal ba? nagpapagwapo pa yun para sayo ayiiee hahaha"
"Sira ka talaga Aya"
Nagpaalam ako sa kanila na mag ccr na muna ako saglit ng paliko na sana ako may nabangga ako napaupo tuloy ako. grabe ah ang sakit ng braso at pwet ko napatingala ako sakanya biglang nagsalubong yung mga kilay niya.
" Watch your step nga, so disgusting"
sabay pagpag niya sa suot niyang mamahaling dress na dinisenyo pa ng isa sa mga sikat at tanyag na fashion designer. bakit ko alam? kasi adik kaya ako kay coco chanel. Pero ang taray ni ating ang super arte para namang nadumihan ko yung suot niya kung makapagpag siya parang diring diri eh nuh ako kaya yung natumba dito, Hello! ako yung napuruhan ( D: kasi ang shunga mo!) yahh! oo, na ihing ihi na kasi ako parang sasabog na yung pantog ko.
" Girl ang tagal mo akala talaga namin na flash ka nah "
" May nabangga kasi ako kanina , at alam mo ba subrang arte niya pero infairness maganda siya"
pero diko gusto yung awra niya may kakaiba talaga sa kanya.
"Talaga mas maganda pa sa akin?"
" Mas maganda pa sayo"
at nagpout pa yung bakla, hindi talaga bagay sa kanya maging bakla hindi sa hindi ako supportive friend pero bagay talaga sila ni Abby.. natigil ang kwentohan namin ng magsalita ang MC.
" Ladies and gentlemen let's welcome our birthday celebrant Mr. Lyoide Vincent Montelijo"
tumapat sa kanya yung bilog na ilaw at dun ko na aninag si lyoide subrang gwapo niya ngayon, alam ko namang gwapo si lyoide wala ng bago yun. Nagpalakpakan lahat ng bisita at syempre isa na ako don. Nagkasalubong yung mga mata namin at ngumiti siya sa akin,subrang kilig na kilig naman ako.
" Kilig na kilig ka naman diyan "
pinatukan ko nga si bakla napakachismosa eh. Nag speech kunti si Lyoide at pababa na sana siya ng biglang umiksina ang isang mayamang lalaki na sa mga 40's siguro at magkahamukha sila ni lyoide nung kabataan pa niya, umakyat din yung isang babae na 30's kasama niya si Aya at ang ganda niya rin niya, wait ito na pa yung mommy at daddy nila? may pinagmanahan pala talaga tong bakulaw kung boyfriend.
" Before this night end, I would like to tell everyone this good news that my son is soon to be married to the gorgeous.....
diko na masyadong narinig yung sinabi ng dad niya kasi subrang sakit.
My son is soon to be married...
My son is soon to be married......
My son is soon to be married...
My son is soon to be married...
Parang sirang plaka pauulit ulit kung naririnig...Para akong na blangko hindi ko alam kung anong dapit gawin. Ang gusto ko lang makalayo sa lugar nato...may nabangga akong isang babae nagalit siya sa akin, pero di ko alam para akong wala sa katinuon mas nangibabaw yung kagustohan kung makalayo. Tinawag ako ni Vince pero ayaw kung lumingon baka makita ko pa siya pinagtitinginan na ako ng mga tao yung iba pinagbubulungan ako pero wala na akomg paki kung anong sasabihin nila sila ba yung nasaktan? sila ba yung niluko?
Diko namalayang nakalayo na pala ako at nandito ako sa park umupo ako sa swing at doon kung binuhos ang sakit nanaramdaman ko halos di na ako makahinga
Ang sakit kasi, subra pag nalaman mong ikakasal na pala yung mahal mo sa iba.Pero wala ng ikakasakit pa don pag pinagkakatiwalaan mo yung tao na yun nangako siya..Nangako siyang di niya ako sasaktan pero hito ako ngayon. Do I deserve this kind of pain? Di ko maintindihan wala man lang siyang sinabi sa akin na ikakasal na siya, para naman may alam naman ako diba? siguro naman may karapatan naman akong malaman yung totoo. Ang dami ko na tuloy tanong na nabuo 'ginusto niya ba to?', ' ginusto niya bang saktan niya ako?' kasi kung Oo, sana sinabi niya kaagad para handa naman ako sa paparating na sakit.
"Anil!!!!!!"
Mas lalong ako naiyak ng marinig ko kung kanino galing yung boses na yun. tumayo agad ako sa kinauupuan ko, ayaw ko siyang kausapin sa ngayon, ang sakit lang talaga. Hindi ko siya nilingon nagpatuloy lang ako sa paglalakad ko...ayaw kung makita niya yung mga luha ko at magmukhang tanga sa paningin niya. Tumakbo ako pero naabutan niya ako hinatak niya ako papunta sa kanya napasandal tuloy ako sa dibdib niya, nagpumiglas ako para makawala sa kanya pero hinigpitan niya pa Lalo yung yakap niya. Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito Lyoide?.....
" I'm sorry"
maslalo akong umiyak sa sorry niya.. ito na ba yun? sorry dahil hindi naman pala talaga niya ako mahal? at niluko niya lang ako? kasi kasi kasi.......
"Akala ko nagkaintindihan na kami ni Dad about sa arrange merriage namin ni Cloe kaya hindi ko sinabi sayo, I don't expect na mangyayari to, kahit si Aya nagulat din sa nangyari. Di ko mahal si Cloe at wala akong planong pakasalan siya sayo lang naman ako gustong ikasal"
Diko alam bigla nalang kasing naglaho lahat nang galit at sakit na naramdaman ko kanina pagkatapos sabihin yun lahat ni Lyoide.. Naniniwala ako sa kanya dahil nakikita ko sa mga mata niya ang senseridad..
Pero hindi parin ako nagsasalita , nakatitig lang ako sa mga mata niya na ngayon ay umiiyak na...
"I love you babe and I always do, please stay with me, ipaglaban natin to"
pagkatapos niyang sabihin yung katagang yun niyakap ko siya and our eyes meet katulad sa mga movies we share I passionate kiss.
Bakit ba mahal na mahal ko tong bakulaw nato totoo nga yung sabi nila D pag mahal mo ipaglaban mo kahit sa dulo'y masasaktan karin naman.
- Ang shungang tanga pero maganda
BINABASA MO ANG
Ang Diary ng babaeng shunga
Teen FictionSi Anilia Fae Mendoza ang babaeng shunga pero maganda ang may ari ng diary na puro ka shungahan lang ang nakasulat. Pano niya isusulat ang mangyayari sa buhay niya kong ang tahimik niyang mundo ay unti unting maging magulo.