Entry 29

6 0 0
                                    

Dear d,

Natapos rin yung masayang one week vacation namin don sa tagaytay at hito ako ngayon sa cafe namin, tumutulong kila mamse at papse ang dami ngang costumer kanina halos nagkandahilo-hilo ako pero ayos lang masaya naman ako sa ginagawa ko.
siya nga pala D, kanina lang ako na naiirita sa pag vavibrate nitong cp ko sa totoo lang sarap ihagis sa labas pero napaisip ako wala na pala akong pambili ng bagong cp Hahaha..

D bye na muna tawag lang ako ni mamse..

To be continue...

Bakit may mga taong papansin ramdam na ngang iniiwasan sila nagpapakita pa,buhay nga naman parang life....

Parang nangyari kanikanina lang.

////

"kanina lang ako tawag ng tawag
sayo bakit di mo sinasagot?"
yan ang bungad niya agad sa akin.

" Wala akong time para sagutin yung tawag mo busy ako kanina"
walang gana kong sagot sa kanya,bakit naman niya ako tatawagan aber? subrang importante ba yun para sadyain pa niya dito. Eh?

"kahit sagutin mo lang ng mabilis?
Nag aalala kasi ako,ramdam ko kasing iniiwasan mo ako sa tagaytay pa at may ibibigay din sana ako sayo"
sa totoo lang D ang taas ng speech ni bakulaw halos di ko na masulat yung iba di kasi ma process ng utak ko yung mga pinagsasabi niya..

"Ano ba Anil, nakikinig ka ba? "
for the first time and forever 🎶
ngayon ko lang narinig na tawagin niya ako sa palayaw ko..

Tumangu tangu lang ako kahit wala naman akong maintindihan sa mga sinasabi niya...

"ano ba kasing pinagsusulat mo diyan? Hoy! babae pag kausap kita wag mong ibaling ang atensyon sa iba "
Okay?

Nag vibrate bigla yung cp ko kaya sinagot ko na..

"hello? "
-ako

"kakasabi ko lang diba?pag kausap kita wag mong ibaling ang atensyon sa ibang bagay"
Ano bang problema niya? Tsk

("Lingon ka sa likod mo")
sabi ng familiar na boses sa kabilang linya ....

Wag mong sabihing..

.
.
.
.
.
"OMG! Alex Ikaw nga! "
Sabay takbo at hug ko sa kanya.

"Ano ba girl,hindi ako makahinga"
bulong niya Hahaha eh miss na miss ko siya.

"Ay sorry hehehe, Kailan ka pa dumating dito sa pinas? "
-ako

"ngayon lang pumunta agad ako dito nung nalaman kung nandito ka"
-siya

"ahem... Ahem.. "

Ayy. Nakalimutan kong nandito pa pala si lyoide bakulaw.

"ipakilala mo naman ako sa gwapong papa mo girl"
bulong niya ulit... Nakalimutan ko malandi pala tong baklang to.

"siya nga pala lyoide si Alex Kababata ko, Alex si lyoide nga pala "
-ako

"Nice to meet you bro"
barakong barako yung boses ni bakla di mo talaga mahahalata na bakleta ang isang to palibhasa hindi pa alam ng parents niya na isa siyang sirenang may buntot.. Diba may buntot naman talaga yung sirena? Yung aso,yung pusa? Ibig sabihin? Hays ano bang pinagsasabi ko..so yun nga natatakot siyang lumadlad kasi siya lang ang nag iisang anak na tagapagmana ng pamilya nila, kaya ako lang ang kaisa-isang tao na nakakaalam ng tunay na pagkatao niya, kung sa pananamit naman ang basehan lalaking lalaki talaga yung pormahan niya para nga siyang si chanyeol sa exo eh.. Kung di lang to bakla naging crush ko to pero wag na,hindi ako pumapatol sa isang bakletang mas maarte pa sa akin nuh.

tumango lang ni lyoide kay Alex...
sabay tingin sa akin

"Halika nga!"
hinatak niya ako palayo Kay Alex.. ang bakla na iwan tuloy..minsan talaga di ko maintindihan tong lyoide nato.

"Ano bang problema mo lyoide?
Wag ka ngang bastos na iwan yung tao don,bat ka ba nandito ha? umalis ka na nga "
Nakakaasar naman kasi..
Diba niya ramdam iniiwasan ko siya? Na ayaw kung mapalapit sa kanya?

"ikaw! Ikaw ang problema ko"
Sigaw niya sa akin

"Ha? Anong ginawa ko sayo? Alam mo lyoide minsan talaga hindi kita makuha, minsan ang bait mo sa akin minsan naman biglang ganito alam mo ang gulo mo,buti pa umalis ka nalang "
sigaw ko pabalik sa kanya.

Yung kaninang galit niyang mukha unti unting lumambot.

"Di ko alam bakit
ako naging ganito,
pasensiya na"
sabay abot niya sa akin ng papel
Kinuha ko at binasa.

"pumunta lang naman ako dito para ibigay sayo niyan,pinirmahan ko na pala yan wala ka ng utang na babayaran,Sige alis na ako"
bakit niya pinirmahan nakasulat dito limang buwan ang tagal ng babayaran ko pero bakit pinirmahan na niya agad,hindi pa nga ako umabot ng five months eh may dalawang buwan pa akong babayaran sa kanya pero bakit ganon? Dapat masaya ako dahil wala na akong alalahanin na utang sa kanya. pero bakit may kung anong kirot akong naramdaman nong patalikod na siya.. Para bang gusto kong tumakbo sa kanya at magmamakaawa na wag niyang gawin to.. Pakiramdam ko kasi ito na yung huling araw na makikita ko siya.
ang lungkot ng mga mata niya.
na guiguilty tuloy ako dahil sinigawan ko siya kanina, may tinatago palang bait si lyoide.

Pag balik ko inabotan ko si beki na kumakain ng cupcakes...

"Ano yun girl, bakit may pahatak hatak yung boylet mo kanina?"
-alex

"pwede ba bakla di ko siya boylet nuh"
-ako

"bakit ang lungkot mo? "
-siya

"ewan ko ba beks, iniiwasan ko siya pero bakit ganon ang hirap? "
-ako

"bakit mo nga ba iniiwasan kung nahihirapan ka? "
-alex

////

Yun nga D di ko alam...

-ang babaeng napakagandang
si ako hindi okey.

Ang Diary ng babaeng shunga Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon