Entry 23

5 0 0
                                    

Dear d,

Nalaman kong yong lyoide na yon ang nagpakalat ng fake news sa pamilya ko D, sarap talaga bigwasan yong lalaki yon siya ang dahilan kong bakit ako nagkasakit nuh...

D kkwento ko sayo anong nangyari mismo nong pagkababa ko...

///

hindi paman ako nakababa, rinig na rinig ko na yong tawanan nila papse,kuya at yong nagpakalat ng fake news na boyfriend ko raw. 

Nong nasa sala na talaga ako,don pa sila tumigil sa pagtawa kong ano man ang pinagtatawanan nila..

"oh!nak,okey pala tong
  boyfriend mo ang bait "
kong alam mo lang papse
"wag mo ng pakawalan pa to bunso bihira lang ang mga lalaking ganito katulad ng kuya mo"
Tsk.. whatever.
"teka,nga nak bakit
di ka nagsasalita
nahihilo ka pa ba? "
nag-aalalang tanong ni papse.
bigla nalang tumayo si lyoide tapos kinapa niya yong noo ko sa harap ng papse at kuya ko nakakahiya talaga siya, at ako naman di ko magawang magsalita, ang lakas kasi ng kabog ng dib-dib ko..  Bakit ganito? may sakit na ata ako sa puso wag naman sana gusto ko pang mabuhay ng matagal.

ng may biglang....

"yieeeeeee ang sweet naman talaga!nung mga kapanahonan namin ganyan din kami ng papa mo, diba honey? "
tsk..

"yes love"
sabay yakap ni mama.. Eh?  Ang  PDA naman nila

"ako lang dito ang walang partner ah,nakaka ingit naman"
Tsk.. If I know kuya madami ka kayang chicks..

"ouh,siya dito ka nalang kumain ng haponan lyoide"
Eh? makakasama ko tong lalaking to ng haponan talaga naman.
tiningnan ko si lyoide na makuha ka sa tingin look.

Pero yong luko nginisihan lang ako sabay sagot.

"yes po mama,salamat po"
at mama narin yong tawag niya sa mamse ko feeling anak talaga hindi ko naman siya kapatid nuh.

Habang kumakain kami D kwento ng kwento sila mamse at papse ng embarrassing moments ko nong bata pa ako,eh sa bata pa raw ako shunga na, HA HA HA HA nakakatawa ba? tawang tawa naman si kuya at yong lyoide na yon.mabilaukan ka sana bakulaw ka.

Parang narinig nga ng dyosa ng karma ang hiling ko dahil nabilaukan nga yong bakulaw  HAHAHA

"nak,anong ngiting ngiti mo diyan
kumuha ka ng tubig "
ayaw ko nga bahala siya dyan.

"pa si kuya nalang may sakit pa ako Eh, sige ka mahihilo pa ako"
kinapa naman agad ni mama yong noo ko..
"okey ka nanaman ah,  boyfriend mo yan dapat ikaw mag asikaso, sige na"
whatever.. Grrr. sana pala di ko nalang yon hiniling. Padabog akong kumuha ng baso at nilagyan ito ng tubig.

"ouh, tubig"
-ako
"thanks"
aba marunong palang magpasalamat ang isang Lyoide Vincent Montelijo tsk.. If I know pakitang tao lang to dahil nasa harap niya si papse, mamse at kuya tsk, siya magpasalamat? Wag nalang oy..

Ng matapos kaming maghaponan,hinatid ko yong bakulaw palabas ng bahay namin.

"ang saya ng pamilya niyo nuh?,at gustong gusto ako ng papa,mama at kuya mo"
-lyoide

"ouh,tapos ka nabang mag panggap?
tigilin mo na nga yang pag aarte mong mabait ka kuno pero ang totoo mala demonyo yong ugali mo,alam ko namang ang sayang saya mo dahil nakita mo akong nahihirapan"
-ako

"hindi ako masaya "
nakita ko yong lungkot sa mga mata niya.. Tsk alam kong drama na naman yan kaya di dapat ako maniwala.

"whatever, umalis ka na nga"
-ako

At umalis na nga siya..

///

yon ang nangyari D
sa mga oras na to iniisip ko parin yong sinabi niyang 'hindi siya masaya'
anong ibig niyang sabihin? Tsk.

D bye na
Inaantok na ako

Night night z.z.z.z.

-ang magandang si ako
naguguluhan

Ang Diary ng babaeng shunga Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon