Entry 6

16 0 0
                                    

Dear d,

Ang tagal ko naring hindi nakasulat sayo D kasi naman umiral na naman ang katamaran ko wala naman kasing nangyari exciting bukod sa palaging nag aaway sila Kent at Aya ewan ko ba sa dalawang yon parang aso't pusa matatapos nalang tong buong taon  hindi parin magkakabati yong dalawa. una kong nasaksihan ang bangayan nila nong nag-aaral kaming tatlo sa tambayan namin sa malaking puno.

///

" Ano ba ang likot mo alam mo namang nag-aaral kami dito
kong ayaw mong mag-aral please kami pag-aralin mo"
Malumanay na saad ni Aya pero bakas ang pag ka inis. napagitnaan pala nila ako kaya hindi ako maka concentrate ang ingay naman kasi nila. Ni lingon ko si Kent at tinaasan ng kilay kasi naman tong si Kent nag-aaral habang naka headphone tapos ang likot likot pa niya para nga siyang may concert hindi ko nga gets kong nag-aaral ba siya o hindi

"paki mo ba! Eh sa  dito ako makakapag-aral"
Sagot naman nitong si kent
Sos kong di ko lang to crush kanina ko pa to binigwasan.

"EDI UMALIS KA DITO! HINDI KASI AKO MAKAPAG-ARAL NG MABUTI"
Sigaw ni Aya kay Kent..

"AT BAKIT AKO ANG DAPAT UMALIS? UMALIS KA KONG AYAW MO AKONG NANDITO"
ganti naman ni Kent ng sigaw

"AT BAKIT AKO? IYO PA ITONG TAMBAYAN PARA PAALISIN AKO? "
Para namang mga bata tong dalawa.

"HINDI NGA----
Hindi ko na pinatapos ang bangayan ng dalawa baka kasi kong saan pa humantong at hindi kami makapag aral.

///
So yon nga D away aso't pusa yong dalawa pero siguro D kong di ko kilala tong si kent iisipin ko talagang may gusto siya kay Aya, diba sabi nga nila  kapag ang lalaki palagi kang inaasar tyak may gusto sayo yan. magseselos na sana ako kaso kilalang kilala ko si Kent nature na talaga niya ang ganong mang asar.bakit ko alam D? Nong high school palang kami madalas siyang mang-asar ang mabilis ma pikon talo hahaha..Natatawa parin ako ng maalala kong paano napikon si Jeff  schoolmate ko epic talaga yong mukha niya hahahaha, kasi naman tong si kent pinalabas niyang may gusto siya sa  gf ni Jeff subrang saya nga nong babae kasi naman ang ganda daw niya dahil pinag aawayan daw siya ng dalawang napakagwapong lalaki.. Grabe nga yumapos yong gaga sa KENT KO
sa mga oras na yon sarap niyang ipalapa sa aso..
At si Jeff naman sa subrang galit niya susuntokin na sana niya si Kent ng magsalita ito
"chill bro it's  just a prank wala akong gusto sa gf mong malandi "
Sabay tawa ng ubod ng lakas.
Napasimangot naman si ate girl sabay bitiw kay Kent.hahha buti nga!
Hindi ko na inalam talaga kong bakit nagawa ni Kent yon siguro wala siyang magawa sa buhay niya o may dahilan talaga siya dahil pagkalipas ng isang buwan nalaman kong hiwalay na si Jeff at si ate girl di ko rin alam kong bakit sila nag hiwalay basta ang narinig ko lang nagloko daw si girl ay basta wala akong paki sa kanila.
Pero balik tayo sa usapang Aya at Kent  100 % sure akong walang gusto si Kent kay Aya ..aso't pusa lang talaga yong dalawang yon.

D inaantok na ako sa uulitin nalang.

P. S.
Di ako makapag promise kong makapagsulat ako ulit depende kong hindi ako tamarin.

Sa ngayon inaantok na talaga ako pipikit na ako okay? bye D muah 😘

-ang napakagandang si ako

Ang Diary ng babaeng shunga Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon