Dear d,
NAKAKAINIS,NAKAKAASAR SA DINAMIRAMI NG TAO SA MUNDO BAKIT SIYA PA? YONG LALAKING MANYAK NA YON? Kaya pala familiar yong mga mata niya kasi kasi....
Ito yong nangyari D nong nag movie marathon ako kila Aya.
////
1am nong natapos kaming magkwentohan ni Aya kong saan saan na nga napadpad yong chika namin. nang mapagdesisyonan naming matulog na dahil madaling araw na.
Nong mga 2am nagising ako dahil uhaw na uhaw ako kaya bumaba ako para uminom ng tubig,Ang dilim ng paligid hindi ko naman alam kong nasan yong mga switch dito kaya ginamit ko nalang yong cp para gamiting ilaw, pagkababa ko pumunta ako sa kusina kumuha na ako ng baso pero may narinig akong yapak patungo dito sa kusina kong saan nandito ako,naalala ko tuloy yong pinanood namin ni Aya kanina.. 'HALA! Baka si Annabelle na to'
Wag naman sana ang dilim pa naman.
mabilis akong nagtago ako sa gilid ng ref, balak ko kasing ihampas to kay Annabelle Hehehe.. Patay ka ngayon sa akin.*pack
"aarayyyyy "
Lalaki? Lalaki si Annabell? Pano nangyari yon?
ramdam kong nasasaktan yong lalaking Annabell dahil panay aray siya Eh.. May ganon palang multo nasasaktan?
Kinuha ko agad yong cp ko sa bulsa tyaka ginamit para mailawan yong lalalaking Annabelle...Pero...
"YOU"
"IKAW?"
Sabay naming sabi...
"bakit ka nandito? siguro magnanakaw ka nuh? "
-ako"ako mag nanakaw? bakit ko naman pagnanakawan ang sarili kong pamamahay at ikaw ang dapat kong tanungin babae bakit nandito ka sa pamamahay ko? "
sarili kong pamamahay? Anong ibig niyang sabihin?"anong sarili mong pamamahay pinagsasabi mo aber"
-ako
.................."anong kaguluhan to? "
Biglang umilaw ang buong paligid
at niluwa si Aya na nakapamiwang pa."bakit siya nandito?"
-mr.sports car"bakit? Are you surprise Kambal?"
may halong panunukso yong mga tingin ni Aya sa lalaking nasa harap ko ngayon.. Pero wait Kambal? Wag mong sabihing..."SIYA YONG KAMBAL MO AYA?"
napasigaw ako sa subrang gulat ng matuklasan ko, kaya pala familiar yong paris ng mga mata niya kasi kambal sila ni Aya. tumango naman si Aya bilang sagot sa tanong ko.. bakit di ko agad na realize yon?.. Ang shunga ko talaga"Wag ka ngang sumigaw nakakabasag
ka ng eardrums"
kambal ni Aya ano ba yong pangalan nito? Loire? Loiyde? Lyoide? Ay ewan wala akong akong paki sa pangalan niya."mahal mo naman HaHAHA,
diyan na nga kayo"
Anong pinagsasabi niya.. bumalik na naman siguro yong topak niya sa ulo.. I suggest na talaga na magpakunsulta na siya sa Doctor para naman gumaling na siya ng tuluyan.Tiningnan ko naman tong lalaki na nasa harapan ko ngayon..nakatitig lang ito sa akin.. Wait nakatitig? Manyak talaga tong lalaking to..
maka alis na nga... ng pahakbang nalang ako sa hagdan biglang may bumulong sa tinga ko
"you will pay for this"
at nakakakilabot ang bawat pag bigkas ng mga salitang yon. ramdam ko yong hininga niya sa tinga ko..At tumakbo na ako ng napakabilis halos mawalan na ako ng hininga
Ano naman yong pagbayaran ko sa kanya aber?katakot kong alam ko lang na mala demonyo yong kambal ni Aya di nalang ako pumayag mag sleep over.. Small earth talaga.*D side: (small world yon shunga )
Ay grabe siya ouh..
///
Yon nga D ang nangyari..nakakaasar
talaga.. Sana di na kami mag kita ever. sana mabangga siya habang nagmamaneho pero syempre joke lang ang bad ko naman masyado.. Sorry papa God.P.S.
may nag text pala sa akin D sabi dito sa text
(hi, need a friend?)
Ito yong number na panay text sa akin nong first year pa ako,pero hindi ko naman siya ni rereplyan..
hindi naman ako yong taong nag rereply lang kong sino sino pero dahil wala akong magawa ngayon dahil tapos naman na ako sa lahat
Ni replayan ko siya...Sige D bbye na muna
See you next page muah 😘-ang babaeng shunga pero maganda
BINABASA MO ANG
Ang Diary ng babaeng shunga
Fiksi RemajaSi Anilia Fae Mendoza ang babaeng shunga pero maganda ang may ari ng diary na puro ka shungahan lang ang nakasulat. Pano niya isusulat ang mangyayari sa buhay niya kong ang tahimik niyang mundo ay unti unting maging magulo.